HOTSPOT

9 0 0
                                    



"Woii marrkkkk!!!" sigaw ko sa cru--classmate ko hehe.

"Bakit?" iritadong sabi niya.

"May load ka?" tanong ko sa kanya.

"Oo bakit?" sungit neto ah.

"Pahotspot nga ako!" sabi ko.

"Ayaw ko nga." aniya at nagpatuloy siya sa pinapanuod niya sa youtube. Kainis naman magwa-wattpad ako eh.

"Sungit." nakabusangot kong sabi.

Nagpatuloy nalang ako sa kakascroll sa FB wala akong load e. Gusto kongggg magwattpad huhuhu T_T

"Buksan mo wifi mo papahotspot na kita, nakakaawa ka kase." wahhh totoo ba 'to? Haha kaso naawa lang siya sa 'kin eh aba kahit na atlis makakapagwattpad na 'ko yeyyy!

"Seryoso ka?" tanong ko sa kanya baka kase niloloko lang niya 'ko masakettt lols.

"Ayaw mo ata eh." masungit na naman po siya.

"Syempre gusto ki--ko hehe." muntik na 'ko dun ah.

"Oh buksan mo na yung wifi mo para mahotspot na kita." sabi niya at ginawa ko naman.

"Nakaconnect naba?" tanong niya sakin.

"Oo wag mong papatayin ah magwawattpad ako." sabi ko.
Sana di lang sa hotspot kami connected sana pati sa pu-- ayy wag na ngaaa.

"Oo na." sabi niya.

Sa ganitong paraan lang ako makakalapit sa kanya at nakakatabi ko pa siya.

"At wag kang lalayo ah, baka mawala yung pagkaconnect." sabi ko sa kanya at napatingin siya sa 'kin.

Bakit kaya?

"Ah ba-bakit?" nauutal kong sabi kase naman yung tingin niya sakin eh nakakamatay joks.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa 'kin, halaaaa nakakahalata na 'ba siya? Sheksss.

"Ahh wala, yung sa hotspot lang yun." sabi ko at nagpatuloy ako sa pagbabasa kunwari busy. Kinakabahan na kase ako.

"Huy Mika." tawag niya sa 'kin. At nilingon ko siya.

"Ah bakit?" takang tanong ko sa kanya. Huwagggg mong sabihin...o_O

"May gusto ka 'ba sakin?" tanong niya. Sabi ko na nga ba e. Kaya kinakabahan na 'ko. Sasabihin ko na 'ba? Baka kase di na niya 'ko kausapin kapag umamin ako. Ahayyy bahala na.

"Ahh ano kase...Oo gusto kita mark." sabi ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko!

"Okay." sabi niya, yun lang? Kala ko sasabihin niya na di niya ako gusto. So it means may pag-asa?halaaa.


"Papatayin ko na yung hotspot dika paba tapos? Nandiyan na si ma'am oh." turo niya sa teacher namin na papunta na sa room namin. Ganon kabilis?

"Ah osige patayin mo na, thanks sa paghotspot." sabi ko sa kanya at tinugon niya lang ako ng isang tango. At pumasok na ang aming teacher.








***
So ayun nga di 'ko pa alam kung may part 2 ba 'to o baka wala na.

Thankyou sa mga nagbasa kahit maikli lamang perstym ko magpublish ng story maikli pa sarreh.

Comment nalang kayo kung ano yung masasabi niyo sa story :)

-Forest

HOTSPOTOnde histórias criam vida. Descubra agora