Chapter 5: First Day of School

49 0 0
                                    

Hello mga readers nag enjoy ba kayo?? I hope so sorry nga pala kasi natagalagan ako mag UD this Week

Skyler's POV

Nagising ako ng walang bumubulabog ng tulog ko waaaah ang sarap sa feeling ng walang naggigising sayo ng maaga. Nag-strech ako ng katawan habang naka upo sa kama ko pumikit ulit ako at tumingala sa kisame. Ang sarap sa pakiramdam pag gumising ka ng walang mga asungot na nasa tabi.

Dinilat ko na mata ko at tinignan ko yung kabuoan ng kwarto ko ng may mapansin ako. Mga damit or a uniform , back pack and maraming books ohh my geed pag aaralan ko ba to?lahat-lahat tskk. Tiningnan ko yung uniform ang cute white na long sleeve tapos palda na red medyo may pagka maikli at black na stocking and a shoes pointed talaga ? Hindi ako marunong maglakad ng naka Pointed shoess. Sh***t etu yung pinaka hate ko sa lahat kaya lahat ng shoes ko eh flat di kasi ako sanay na naka high heel... Sinanay ko paa ko na Flat lagi kaya mga plat rin akoo.. Huhuhu 😢:(:(

(Guys eto pala yung Uniform ang cute pramisss... hehe model muna natin si ateng ganda..👇👇 )

May nakita din akong envelope na may drawing na mata na may parang apat na daliri para bang may gustong lumabas sa mata ng drawing at punong-puno ng ugat na para bang galit-na-galit.

(Etu po yun haha ibibida ko muna si painting ko wala kasi ako magawa hahahaha etu po yun. 👇👇)

kinuha ko yung envelope at binuksan ko may sulat binasa ko galing sa mga kuya ko..

To baby bunso... Hmmm..... ang sweet naman ng mga kuya ko.. Parang mga bakla haha pero mahal ko po yung mga yun kahit minsan mga OA.

To baby bunso

     Magandang umaga sayo bunso Si kuya Demi mo pala to ako na nagsulat  kasi yung dalawa mong kuya ang tatamad haha joke lang pero parehos nating alam na mahal na mahal natin sila. Eto na nga yung totoong dahilan we give you this things kasi papasok kana ngayon kayo ng mga Best-friend mo. May nakikita kang drawing sa envelope na to ones makaramdam ka ng di maganda sa paligid mo hanapin mo to. Huwag mong susubukin na suwayin kami dahil alam mo na ang mangyayari lalo na sa mga bff mo.. Maliwanag ba? At papasok kayo ng katulad ng ibang estudyante normal lang wala dapat makaalam na kayu ay mga gangster mahirap na bunso. Walang dapat na makaalam na kayu ang Rank 1 sa female gangs.. Dahil maraming nagtatangka na patayin ang rank 1 sa females gang at hinding-hindi namin papayagan yun.. Mag -iingat kayo lagi sa paaralan andun din kaming mga kuya mo  mag-babantay sa inyo lalong lalo na sayo bunso. Ahh nga pala sa Bio-data mo may binago pala kami ng kuya mo... Paki check nalang baby gurl.. Love you see you sa school magbihis kana at bilisan mo na anong oras na ohh...

                        Love:
                              Mga kuya lablab....

Huh?!  So maraming gustong pumatay samin??  Kasi kami ang Rank 1 sa females gang.. At may binago sila sa bio-data ko?  Ano kaya yun.  Kinuha ko yung naka envelope at binasa

Name: Prinsess Skyler Rodriguez

Huh??  Rodriguez na pala ako ngayon ano ba naman yan..   Sabagay ok na din yun kasi ayoko ng may magpapa-abot ng mga love letter ng mga babaeng patay na patay sa mga kuya ko...

Age : 18
Birthday : Feb. 18
Location : Mapag -mahal street
  wow! Isa to sa mga condo unit namin dito sa pilipinas.. 

So yun pala Nabago mas okay na yun kasi ayoko din makita mga kuya ko na benebebe ako sa school tskk....

Maliligo na ako this is my first day maganang magana ako ngayon kasi walang mga asungot na gumising sakin hehehe...

Pumunta na ako sa banyo para maligo, after 20 Mins.  Done pagkatapos naglagay ako ng liptint kunting blush on then eyeglases na bilog na malaki parang nerd pero wala siyang grado.  Ako ngayon yung HOT and SEXING nerd hahahaha.  Charrot lang after 10 mins.  Done perfect ganda ko naa.. Tingin sa salamin pak!ganda ko talaga.

The Hot Maniac Is A GangsterWhere stories live. Discover now