Prologue

113 4 1
                                    

"It doesn't matter if you believe in ghosts or not. If they're here, they're here." — Joan Lowery Nixon.

I do believe in ghosts

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

I do believe in ghosts. Nakakita na kasi ako. It's the ghost of my daddy when he died. Sa sobrang lungkot ko sa pagkamatay niya, I wished na makita ko siya one last time before he goes to heaven.

And I did.

Nasa kuwarto ako noon nang magpakita siya. Madilim noon sa kuwarto ko except for the dim light of my night lamp. Nagpakita siya sa akin right beside the wall across my bed. Spirit na lang siya at hindi stable 'yung appearance ng spirit niya. Minsan malinaw, minsan lumalabo. Gumagalaw-galaw pa 'yung appearance niya na parang reflection ng moon sa ibabaw ng isang swimming pool or a puddle of water.

But he was there. At nakasimangot siya sa akin.

Alam ko, I had never been a good daughter to him. Rebeldeng anak ako, matigas ang ulo, at hindi ako sumusunod sa mga utos at bilin nila ng mommy ko. Pinagbabawalan nila akong lumabas sa gabi, pero tumatakas ako and I would go out with my friends almost every night. Ayaw nilang magka-boyfriend ako before I graduate college, pero sa buong high school ko, nakaanim na boyfriends ako.

Mabait si Daddy sa akin, but in return, I was a disappointment to him. Puro sama ng loob ang ibinigay ko sa kanya. And he died na dala-dala 'yung mga sama ng loob na 'yon.

I was really sorry. And I wanted to tell him that.

"Daddy..."

Unfortunately, hindi niya ako kinausap. Hindi siya sumagot. Hindi bumukas 'yung lips niya. Wala rin akong narinig na audible voice mula sa kanya or any ghastly telepathic response sa isip ko.

He just stared at me with his sad and disappointed eyes. Sobrang bigat sa konsensya ko ng tingin niya na 'yon.

"Daddy, I'm sorry..."

He just shook his head. Tapos, unti-unti nang lumabo 'yung appearance niya.

"Daddy, wait!"

He disappeared. Nawala na siya nang tuluyan sa amin without me receiving the forgiveness that I wanted, na magpapagaang sana sa guilt na dinadala ko.

"Daddy..."

And I was left alone in my room, crying. Iyak lang ako nang iyak noong mga oras na 'yon.

Three years later, dala ko pa rin ang guilt na 'yon sa dibdib ko. I have changed a lot since then. Naging mabuting anak na ako kay Mommy. Bumawi na ako sa kanya. Kaming dalawa na lang kasi sa pamilya namin and I've learned my lesson after mawala si Daddy. Hindi ko lang alam noon kung papano pa ako makaka-receive ng redemption sa mga pagkukulang ko kay Daddy.

Sa loob-loob ko, hindi na siguro.

Marami akong kilala na namatayan na ng loved ones nila. Like me, most of them wished na sana makita nila 'yung loved ones nila one last time. 'Yung iba, nakaramdam ng paramdam kahit papano. 'Yung iba naman, sa dreams sila dinalaw ng loved ones nila. But most of them, wala lang. Nothing extraordinary. And I found it strange na ako lang ang nagkaroon ng one vivid supernatural encounter.

Siguro, that encounter was the reason kung bakit hindi ako takot sa mga multo hanggang ngayon. I do believe they exist, na tao rin sila dati, pero spirit na lang sila after their death. And since na tao nga sila dati, ibig sabihin, may past life sila. May families sila na naiwan. May mga issues sila na hindi na-resolved. At 'yung mga issues na 'yon ang dahilan kung bakit nandito pa sila sa Earth.

Akala ko, hindi na ako makakakita ulit ng multo after I saw Daddy's ghost. Little did I know na 'yung susunod na encounter ko with a ghost would be a higher level of supernatural experience.

At ang experience na 'yon would eventually change my life...

.

_______________________

Author's Note:

Another beginning of a story concept that inspired me to write. Honestly, nangangapa ako ngayon sa pagsusulat. But this story gave me some sort of a lift. Hindi lang ako sigurado kung anong kahihinatnan nito. Wag n'yo na lang munang basahin...

Ligaw: The Ghost of UP CampusWhere stories live. Discover now