01 - The Ghost in my Anthropology Class

80 1 2
                                    

"Some places speak distinctly. Certain dark gardens cry out loud. Certain old structures demand to be haunted..." — Robert Louis Stevenson

"Alam mo ba, Celine? May nakakita daw ng multo doon sa Sunken Garden last summer

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

"Alam mo ba, Celine? May nakakita daw ng multo doon sa Sunken Garden last summer. Nakaupo daw doon sa stage, nakatingin sa library..."

Si Daisy 'yon, kaibigan ko, roommate sa dorm, ka-batch, kapareho ng course, at kaklase ko sa maraming subjects. Naglalakad kami noon mula sa Molave Residence Hall papunta sa Palma Hall. Papasok kami noon sa last subject namin for the day, Anthropology 10. Alas siyete na noon ng gabi. Kung bakit 7:30 'yung nakuha naming schedule para sa Anthro class, kasalanan namin 'yon. Inuna kasi naming in-enlist 'yung major subjects namin. Kaya puro sablay 'yung mga schedule ng mga natirang minor subjects para sa amin.

Napatingin ako kay Daisy dahil sa sinabi niya. Nagkaroon ako ng interes since tungkol sa multo 'yung topic niya. Interesado talaga ako sa mga multo ever since nakita ko 'yung ghost ng daddy ko three years earlier. Ang problema, alam ko naman na maraming rumors tungkol sa multo ang hindi naman totoo.

"Baka naman chismis lang 'yan," sabi ko kay Daisy. "Remember 'yung issue last year tungkol sa multo sa harap ng Kalayaan? Pauso lang pala nu'ng mga resident assistants para hindi tayo lumabas paglampas ng curfew."

"Well, hindi ako sure kung chismis o hindi," sagot niya. "Basta 'yung classmate ko nu'ng high school na nag-dorm sa Sampaguita nu'ng summer 'yung nagkwento sa akin. Nakita daw ng roommate ng friend niya."

Medyo nabawasan 'yung pagdududa ko dahil sa details na sinabi niya. "Kelan nakita? Nu'ng summer?"

"Oo. Before finals daw nu'ng summer. Tulala daw 'yung nakakita. Kinailangan pa daw umuwi sa Laguna para ipatawas."

Napailing ako. "Bakit naman ipapatawas? Akala ko ba, multo? Iba naman 'yung nakakita ng multo sa namatanda."

"Eh, kasi nga, naging tulala. Tapos nilagnat. So sabi nu'ng parents niya, kelangang ipatawas."

"Natakot siguro nang todo. Na-trauma."

"Nakaka-trauma naman siguro talaga 'yung makakita ka ng multo."

Naalala ko 'yung pagkakita ko sa multo ni Daddy. Napabuntung-hininga ako, nalungkot. "Hindi naman ako na-trauma nu'ng nakakita ako."

"Iba 'yun. Daddy mo 'yun. Siyempre love mo 'yung daddy mo. Pero kapag ghost na hindi mo kilala 'yung nakita mo, siguradong matatakot ka."

Nagkibit-balikat na lang ako. "Ewan ko lang. Siguro..."

.

Seven fifteen nang makarating kami sa classroom namin sa Palma Hall. Halos wala pang tao sa classroom, kami lang ni Daisy saka tatlong lalaki. Wala namang pakelam sa amin 'yung tatlo. Nakaupo lang sila sa isang sulok sa likod, nagkukwentuhan.

Sa bandang gitna ng mga upuan kami umupo ni Daisy. Inilabas niya 'yung cellphone niya saka nagbukas ng Facebook.

Unang post na nakita niya, tungkol sa multo.

Ligaw: The Ghost of UP CampusHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin