epilogue

246 10 6
                                    

Stella's POV

Hindi ko alam kung tama ba talaga tong desisyon ko, bahala na. kailangan kong panindigan yung desisyon ko. Kaya ko ba? Kaya ko bang tuloy na syang mawala sa tabi ko? Kaya ko na ba talaga syang kalimutan? Mahal ko sya pero sinaktan nya ko nang paulit-ulit. Dapat naba kong lumayo nang tuluyan? Bakit kasi ang hirap maging masaya? Nakakapagod pala talagang magpanggap na masaya. Nakakapagod rin palang umasa sa wala, at mas lalong nakakapagod maging tanga ng paulit ulit sa isa isang tao. Pero paano kung kami talaga para sa isa't isa?

3:00 pm

Dumating na naman ako saming tagpuan ng magisa. Natawa nalang ako umasa na naman ako na sya ang mauuna saming dalawa. Makalipas ang ilang mga Segundo at dumating din sya, akala ko hindi na naman nya ko sisiputin.

Nagsalubong ang aming mga mata, hinding hindi ako magsasawang tignanan ang matang yan kahit na alam kong ito na ang huli. Nakaupo kami sa isang mesa at magkaharap may saya sakanyang mga mata na nagbabakasakaling meron pa. Meron pa talaga?

Sorry rence, mahal naman kita eh siguro kailangan ko lang talaga ng pahinga. Napagod lang naman ako pero hindi ako magsasawa sayo.

"Stella, thank you at hinayaan mo kong makausap ka, please makinig ka muna sakin ." Saad nya na may pagmamakaawa.

"Wag na rence, pagod na kong makinig sa mga salitang walang katotohanan." "per-" hindi ko na sya pinatapos pa sa pagsasalita.

"pagod na ko rence" saad ko hindi ko namalayang unti unti na namang pumapatak ang aking mga luha. Ang hina hina ko talaga hays

"stella please bigyan mo pako ng pagkakataon, wag naman ganito. Wala naman kaming relasyon ni janna na eh"

"pagkakataon? Binigyan na kita nalang dalawa pero pinanindigan mo ba? Hindi. Mahal kita ng sobra, pero nagawa mo parin akong ipagpalit sakanya"

"stella makinig ka naman sakin, wala akong pinagpapalit sayo. Ikaw lang ang mahal ko" saad nya

"kung mahal mo ko, bakit sya yung pinili mong makasama nung araw na ilang oras akong nagintay sayo? Minahal naman kita eh pero paulit ulit mo lang akong binabalewala."

"umasa na kong okay na yung lahat, na wala ng problema pa na tayo na talagang dalawa pero wala rence umasa lang pala ko sa wala." Saad ko sakanya

"nakakainis ka lagi mo nalang akong hindi pinipili." Umiiyak kong sabi habang tumatawa. Nababaliw nayata ko sobrang sakit na kasi nang nararamdaman ko ngayon

"stella..."

"rence tama na tapusin na natin to, kahit nawala naman tayong dapat tapusin kasi wala namang nagging tayo"

Nang sabihin ko ang mga katagang iyon, nakita ko sa kanyang magandang mata na may luha. Ayokong nakikita syang ganon pero anong magagawa ko? Sobra nakong nawasak.

"alam mo rence, hindi ko inaasahang mapupunta tayo sa ganito, akala ko kasi ikaw na talaga. Akala ko ikaw na yung makakasama ko sa happy ending nahinihiling ko" "pero mali pala talaga ang mga akala ko."

Bigla kaming na tahimik na dalawa, parehas kaming umiiyak. Nakakatawang isipin na dito napala kami magtatapos. Tumayo ako sa kinauupuan ko at sinabing

"kung tayo talaga para sa isa't isa, hahayaan ko na ang tadhanang gumawa ng paraan pagod na kasi ako." Saad ko aalis nadapat ako ngunit tumayo rin sya at hinawakan ang aking wrist.

"Panghawakan mo to. Ito ang magsisilbing pangako kong hahanapin kita. Paghihirapan kita." Saad nya

"aantayin ko yan rence, goodbye." Tuluyan nakong umalis sa café. Huminga ako ng malalim at sinabing.

Stella kaya mong wala, kakayanin mong wala sya.

"Eto na ba ang goodbye na hinihingi ko? Sana mapangatawanan nya ang pangako nya. Pero sa ngayon, kelangan ko ng pahinga. Sa lahat ng sakit at hinanakit."

The End

_

An: guys wag kayong magalala may book 2 pa to. HAHAHAAHA

Stupid LoveWhere stories live. Discover now