GRADUATION SPEECH

144 3 0
                                    

Greetings!

Isang malaking karangalan ang pagtayo at pamamahayag dito sainyong harapan. Nakakataba ng puso ang magagandang ngiting nakaukit sa inyong mga labi. Ang inyong maaliwalas na mukha, nakakagaan ng pakiramdam. Ang inyong mga matang nagniningning, patunay na isa sa ating mga pangarap ay naisakatuparan na, ito ay ang MAKAPAGTAPOS. Sadya ngang mapagbiro ang panahon. Sinong mag aakala na anim na tao'y lilipas sa isang kisapmata lamang?

Malinaw pa sa aking isipan ang mga ala-alang kay sarap namnamin at balikan. Natatandaan ko pa nga ang mga panahon na nangungunsumi sa atin ang ating mga guro sa kakulitang taglay natin. Animo'y mga paslit na kailangan pang mapitik at mapingit upang tumahimik sa isang sulok at gilid. Natatandaan ko pa ang ating amoy na nagpapakunsumi kay Gng. Romagosa at Gng. Ilano.

Tayo pa nga ang tinaguriang mga ANAK ARAW. Hindi tayo mga engkato kaya tayoy tinawag sa ganun, kun'di dahil sa tayo'y amoy araw sa kakalaro sa ground sa kasagsagan at katirikan ni haring araw. Kung minsan pa nga'y nangangamoy suka na hahaha.
 
Natatandaan ko pa ang ingay natin, ang malalakas na boses na dinaig pa ang nakalunok ng mega phone. Ang malalakas na halakhak na parang wala ng bukas. Ang mga alalang kay gaan sa pakiramdam. Ang mga panahon na tayo'y nagsisimula nang lumaki at maging responsable.

Sa mga oras na ito pakiramdam ko'y nananaginip at nangangailangang lumaklak ng isang boteng realidad. Realidad na maaaring ito na ang huling beses na tayo'y magsasama sama sa loob ng institusyong ito. Institusyong lumilok sa mga obra maestrang makikibaka sa hamon ng tunay na buhay. Mga obrang hubog sa de kalidad na edukasyon at sapat na pangaral ng ating mga butihing gurong naririto ngayon.

Sa ating institusiyon, Tamban National High School, hindi ka lamang  isang lugar at paaralan, ikaw ay amin ding naging kaibigang matalik at sayo uminog ang halos isang dekada ng aming mga buhay estudyante. Nais kitang pasalamatan sa lahat ng mga pangyayari at karanasan na aking pinagdaanan. Maraming salamat.

Nais ko ring ipabatid sa lahat ng nasa bulwagang ito na ang tagumpay na tinatamasangayon ay hindi natin mananamnam kung wala ang mga taong nasa likod ng lahat. Walang iba kun'di ang ating mga MAGULANG.

Sila ang kaagapay natin sa paggawa ng sariling pelikula. Sila ang gumagabay sa atin bilang direktor ng ating buhay. Sila ang mga taong tiyak na gagawa ng masayang katapusan sa bawat kabanata lalo na ng matagumpay na wakas sa sarili nating istorya. Sila ang mga taong nararapat parangalan at pag alayan ng ating mga medalya't diplomang natanggap at matatanggap pa.

Sa aking mga magulang, maraming salamat po sa pagmamahal at pag iinitindi. Mama, Papa, para po sainyo ito. Nais kong ipaalam sa lahat ng tao kung gaano kami kaswerte sa pagkakarooon ng mga magulang na kagaya niyo. Ipinagmamalaki kong sabihin na lumaki kami ng maayos dahil sainyong mga pangaral. Kay papa, proud kong sasabihin na pinalaki niya kami't pinakain sa pamamagitan ng kanyang marangal na trabaho. Kay mama, proud kong sasabihin na lumaki kaming may taglay na mga ginintuang-aral na kanyang ikinintal sa puso't isipan naming magkakapatid.

Sa aking mga kapatid, walang eksaktong salita ang maaaring ihambing sa pasasalamat na aking nais iparamdam sainyo. Salamat sa pag unawa at pagtanggap. Salamat sa lahat ng tulong at pagmamahal.

Sa aking pinakamatalik na kaibigan at kapatid HAHAHAHA, ATE MAY HAHAHAHAHA JK. Salamat sa suporta kahit pa milya milyang distansiya ang naglalayo sa atin. Bukod tangi ang iyong pagmamahal, suporta't pag iintindi. ISA KANG ALAMAT!

Nagpapasalamat ako sa Diyos sa pinakamalaking biyayang aking natanggap at ito ang aking pamilya.

Ang Diyos na gumabay sa ating lahat para maabot at masaksihan ang pangyayaring ito na tatatak sa kasaysayan ng ating mga buhay. Magtiwala lamang tayo sa kanya't lahat ng ating mithii'y matutupad.

Hindi pa ito ang wakas sapagkat nagsisimula pa lamang tayong pasukin ang mundo ng katotohanan. Nagsisimula pa lamang magbukas ang kanya-kanyang pintuang patungo sa rurok ng tagumpay nating lahat. Magtiwala tayo sa Diyos maging sa ating kakayahan at sarili. Nawa'y magsilbing matamis na ala-ala ang lahat ng karanasang nabuo sa loob ng paaralang ito. Nawa'y gamitin natin to sa matuwid at makatarungang daan.

Sa pagtatapos ng nobelang ito, gusto kong tandaan niyo ang kasabihang ako ang magsasabi. "Huwag kang huminto pag pagod kana, tumigil ka pag ikaw ay tapos na." Huwag nating sukuan ang ating mga pangarap. Pangarap na magbibigay daan para sa ating katiwasayan at maalwan na buhay. Mangarap ka ng kasing taas ng mga bituing nagniningning sa gabing madilim. Matusok ka man at matinik sa gitna ng daan huwag kang susuko sapagkat ang gamot sa iyong sugatang pusong nawawalan na ng pag asa ay nasa finish line lamang, isang kembot lang. ISANG KEMBOT NA LANG. Mas pagningasin mo pa ang iyong mabibilog at maririkit na mata na nagpapakita sa kung ano ang gusto mong marating.

Ikintal mo saiyong isip na mas mainam na mamatay sa loob ng magagandang alala kaysa sa mga pangarap na hanggang pangarap na lamang.

Sana pagbalik nating lahat sa institusyong ito, suot na natin ang kanya kanyang unipormeng nagpapakita ng katuparan ng ating mga pangarap. Sa hinaharap, tayo'y maghaharap-harap ng may matatayog ng buhay at may bukas na mga palad na handang mag abot ng tulong sa nangangailangan at serbisyo sa atin bayan.

Tumayo tayo sa rurok ng tagumpay. Sabihin ang linya ni Kuya Cong sa Cong TV, ang POWER! Sabay turo ng kamay sa taas. POWER sapagkat ang Diyos sa taas ng mga ulap ang siyang sasagot sa lahat ng sinasabi ng yung puso. Magandang umaga at HAPPY GRADUATION BATCH 2018-2019.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 22, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

GRADUATION SPEECH Where stories live. Discover now