💧CHAPTER 57💧

137 8 7
                                    

                  Maddie's POV.

Dane: "Maddie dali bumangon ka na Jan! Bilisan mo atsaka mag ayos ka na!" Ewan ko kung anong trip ng magaling kong kuya na 'to! Natutulog yung tao eh!

Chelsea: "Nako Maddie parang-awa mo na bumangon ka na Jan, malalagot ka talaga pag naabutan ka niya na nakahilata pa Jan" ang iingay nila, inaantok ka pa ako eh, atsaka sino ba yung tinutukoy nila?

Dane: "Isa Maddie! Kung ayaw mong mapagalitan mamaya, bumangon kana Jan at mag ayos! Hindi ako nag bibiro Maddie ah!"

Me: "argjjjhhhh...sino ba kasi yun!?" Malakas kong tanong habang baka pikit parin

Chelsea: "Lola Almira" Napa muklat ako ng mata at kasabay nun ang pag bangon ko

Me: "Ano!? Nasaan niya?! My ghaddd!!! Bat ngayon niyo lang sinabi?! Grabe!!?? Anong gagawin ko!?" My ghaddd! Bakit parang biglaan naman yun!? Atsaka grabe talaga tong si Lola Almira mahilig talaga siya sa mga pakulo at mga pasurprise surprise na kahit kailan man ay Hindi ko pa nagustuhan, as in!

Dane: "Nanisi ka pa! Mag ayos ka na nga at on the way na daw si Lola, yun ang sabi ni mama, mabuti nga at tinawagan ako ni mama para daw maka pag-ayos ka daw! Kaya hala! Mag ayos ka na!" Hindi naman ako binge pero wagas naman 'tong si kuya kung maka sigaw. Tumayo ako at dali daling tumungo sa bathroom. Arhgggg! Ewan ko kung makakakain pa ba ako ng maayos kung nandito si Lola Almira, perfectionist pa naman si Lola Almira, kaya paniguradong limitado ang galaw ko sa bahay na to habang nandito si Lola Almira, wala eh basta nandito si Lola siya yung reyna.

NANG matapos akong mag ayos bumaba naman ako kaagad at bumuntot kay kuya, of course siya lang yung makaka-pagtanggol sa akin mamaya kapag nandito na si Lola Almira.
Kulang na nga lang sundan ko pa si kuya sa banyo eh. Ganyan ako ka advance mag isip na siguradong sigurado talaga ako na may maririnig nanaman akong sermon kay Lola Almira.
Alam niyo ba kung ano yung advantage ng pagiging advance mag isip na kagaya ko? Kasi kaming mga advance mag isip aware kami sa mga pusibling mangyare ng sa ganun ready kami kapag nag katotoo nga yung mga iniisip namin!

Pero syempre kung may advantage may disadvantage rin at para Ito sa mga advance mag isip lalong lalo sa mga umaasa na may gusto rin siya sayo ganyan ganto... Kasi yung disadvantage niyan ay kasakitan!! Sinasaktan mo yung sarili mo!

*Ding dong*

Nang marinig ko yung doorbell yung puso ko para bang may nag kakarerang mga kabayo sa bilis ng tibok niyo

Dane: "lalabas lang muna ako Maddie" di ko Alam kung bibitawan ko ba si kuya or Hindi, of course kayo ba naman yung Nasa sitwasyon ko, ilang taon ko na ring hindi nakita si Lola at ilang taon narin naman ako, pero hindi talaga mawawala yung takot ko sa kanya, Ewan ko nga rin kung bakit.

Chelsea: "Relax ka lang Maddie okay?  Don't worry nandito kami" pakalma sa akin ni Chelsea sabay yakap

Me: "Natatakot kasi ako baka pagalitan niya na naman ako"

Melody: "Di yan, bakit may nagawa ka bang Mali? Wala naman diba? Kaya relax ka lang Jan" tumango na lang ako at nag handang makita si Lola Almira.. Kaya mo yan Maddie! Ikaw pa ba?!

Nag kunware kami nila Chelsea na nag aayos ng lamesa para daw kunware di namin Alam na darating si Lola. Nanginginig yung mga kamay ko habang inilalagay yung mga pinggan sa lamesa, eto yung pinaka ayaw ko na feeling, yung feeling na di mo alam kung matatakot ka ba or pa chill chill ka lang at kunware di mo Alam yung nangyayari sa paligid mo.

The More You Hate The More You Love [COMPLETED ]Where stories live. Discover now