IKA-DALAWANGPUT ISA

31 5 0
                                    

Leigh's pov

Nagising ako ng hindi maganda ang pakiramadam pero pumasok padin ako.

"Leugh okay kalang?"biglang tanong ni maine.

"O-okay lang a-ako"sagot ko.

Inaamin ko medyo nahihilo na ako pero tinitiis ko lang.

"Ang tamlay mo kasi tapos hindi proper ang paglakad mo"sabi pa niya at hinawakan ako.

"W-wala lang akong gana...t-tsaka hindi k-kasi ako nakatulog kagabi ng m-maayos kaya puyat lang ako"sabi ko sakanya.

Sana naman hindi niya talaga mahalata.

"Sige...pero pag may masama kang nararamdaman sabihin mo lang"sabi niya.

Tumango lang ako at inakay na niya ako papuntang room.

Pagdating sa room walang teacher.

Umupo ako sa tabi ni zenah na nagcecellphone.

"Leigh?okay kalang?namumutla ka"nag aalala niyang tanong.

Ngumiti lang ako sakanya at tinignan siya sa mata.

"Palagi naman akong maputla...g-ganito talaga ang kulay ng lips ko"palusot ko.

Sana may magsabi sakin kung kataposan ko naba?kung ito naba yung limit ng buhay ko.

Gusto ko pa sanang mabuhay pero bakit hindi umaayon ang katawan ko?biglang isang araw gumising ako na malala na ang sakit ko.biglang isang araw nanghihina na ako at wala ng maramdaman kundi ang pagod at hirap.

"Sige sabi mo eh"sabi niya.

Alam kong napipilitan lang siyang intindihin ako pero deep inside gusto niya I confirm ang totoo.

"Leigh teka lang pupuntahan ko lang si ma'am may inutos siya sakin...tsaka gusto mo bang papuntahin ko lang muna sila maine dito?"sabi pa niya.

Umiiling lang ako sakanya at ngumiti.

"Wag na..k-kaya ko na ang s-sarili ko"sabi ko sakanya.

Halata sa boses ko na nanghihina pero pilit kong nilalabanan kasi hindi pa ako pwedeng mamatay at kaylangan ko pang mabuhay para sa lahat.

Umalis na si zenah kaya nakatulala nalng ako sa bintana.

Nagulat ako ng may tumabi sakin.

"Hey leighanggg!!"pang aasar niya pero hindi ko siya pinnansin.

Wala ako sa mood para makipagasaran sakanya at tumingin nalang sa bintana.

"Hoy pansinin mo kaya ako!"pangungulit niya.

Hindi ko lang siya pinapansin dahil nanghihina na talaga ako.

"Aish! Hoy panget pansinin mo ako!"sabi niya at niyugyug ako.

Dahil sa kulit niya hindi ko na napigilang na mainis.

Tumayo ako ng buong lakas kahit mahina ako.

Napatulala ang lahat sa ginawa ko.

"ANO BA!?ANG KULIT MO!HINDI KA NA NGA PINAPA SIN MAKULIT KA PADIN!!"sigaw ko sakanya.

Dahil sa galit ko lumabas ako ng pinto..medyo nahihilo ako pero hinayaan ko lang dahil gusto kong umalis.

Malayo layo na ako ng biglang hindi ko na kinaya nanlalabo na ang paningin ko at nahihirapan nadin akong huminga.

Napakapit ako sa isang bakal sa hallway at pinipilit habulin ang hangin pero hindi ako makahinga.

Magkabilang MundoWhere stories live. Discover now