UNWANTED

15 2 0
                                    




Nag mahal ng isang kaibigan.

Alam kong mali pero anong magagawa ko? Eto na yun.

Dapat ko ng pigilan to kasi bawal. Oo dapat sa edad kong to dapat may boyfriend na ako pero wala eh, hindi ko kayang mag kagusto sa iba kasi yung puso ko kinuha na ng kaibigan ko.

Oo mag kaibigan kami, alam ko yun malinaw na malinaw pero ewan ko ba, nag kagusto nalang ako sakanya eh, basta isang araw pag gising ko gusto ko na siya.

Ako nga pala si Rita, isang taong nag kagusto sa isang kaibigan. Isang taong alam niyang imposibleng mahalin din siya pabalik pero umaasa parin. Isang taong tanga sa pag-ibig. Isang taong lakas makahugot akala mo may boyfriend yun pala wala. Ako yun.

Yung kaibigan na sinasabi ko si Nash yun, close ko siya since Grade 7, para na nga kaming mag kapatid eh, kung minsan napaghihinalaan nila kaming mag jowa kahit hindi naman. Mas nagiging close talaga kaming dalawa kasi kami lang din dalawa ang nag dadamayan pag dating sa problema at parang alam namin yung pakiramdam ng isa't isa ganun ba. Kaya siguro ganun kami ka close tipong ayaw namin mag hiwalay.

Lima kaming mag babarkada pero usually kami lagi ang naiiwang magkasama kaya kami lang lagi ang nag kwekwentuhan tungkol sa buhay o kung ano-ano.

Dati naging crush ko siya, pero hindi ko pinagtutuunan ng pansin kasi sabi ko sa sarili ko "naku Rita bata kapa, alalahanin mo kaibigan mo yan, tsaka nag-aaral kapa bawal boyfriend", tsaka kahit hindi man sabihin ng mama ko na bawal ako mag boyfriend eh ako na mismo nagbabawal sa sarili ko na bawal mag boyfriend or sa manliligaw ganun para maka focus sa studies, tsaka magiging inspiration ko nalang si Nash sa pag pasok sa school para ganahan ako.

Ilang taon na ang nakalipas at dumating yung puntong hindi ko siya ka section at dun lumabo ang lahat, walang pansinan, walang chat, wala talaga, kahit pa nga siguro tinginan wala eh. Tsaka may iba na din siyang kaibigan nun sa section kung nasan siya. Nag kakausap lang kami pag nag kwekwentuhan yung barkada syempre kailangang sumali din naman para hindi mapang-iwanan.

The next year, kaming mag kakaibigan ay nasa iisang section na, syempre masaya kami pero meron paring konting sakit lang na minsan sinasabi ni Nash na miss na niya yung ibang friends niya, pero alam din naman namin yun na hindi lang kami ang kaibigan niya sa buong buhay niya, minsan kailangan niya ding makisalo sa ibang tao. And that year bumalik ulit sa dati, yung dating mag kasama kami lagi, kwento-kwentuhan, laging nag aasaran kaming mag babarkada.

Minsan napapaisip ako, siguro pag nawala tong mga baliw kong kaibigan ano nalang mangyayari saakin? Sa dami ng problema ko siguro na baliw na ako, kaya sobrang saya ko na nakilala ko sila, lalo na si Nash na laging nandyan para saakin, alam niya lahat ng tungkol saakin, kung minsan pa nga mas kilala niya ako keysa saakin ahaha. Dahil sa mga ginagawa niya para saakin mas nahuhulog ako sakanya.

Si Nash kasi may pagkaseloso, ayaw niyang sa iba nakatuon yung attention ko, gusto niya kanya lang. Minsan naman pag tinopak siya ayaw niya akong umaalis sa tabi niya, pag mag papaalam ko sakanya minsan sumasama pa siya. Meron ding time na nag lolokohan kami tapos sa huli may magagalit, pero in the end of the day okay ulit kami. Pag talaga kaming dalawa ang mag kasama parang naka sakay ka sa rollercoaster.

Kung minsan pag may nag tatanong saamin kung kami ba, ewan pero natatawa kami. Parang nasa isip namin "bakit naman magiging tayo? Mag kaibigan lang naman tayo eh" ganun ba. Alam ko sa sarili ko na kahit masasaktan ako sa huli itinatawa ko nalang, go with the flow nalang ako sa nangyayari sa buhay ko. Minsan din talaga ang tanga ko, masasaktan na nga tatawa-tawa pa.

Minsan talaga hindi ko maintindihan si Nash kasi may oras na ipapakita niya yung side niya na parang boyfriend mo tapos minsan kaibigan o kapatid ganun, kaya minsan naisip ko, tama pa kayang nag kagusto ako sa baliw na mokong nato?

Okay may ishashare akong secret, shhh lang ah. Dati kasi hindi ako yung tipong nag iilove you too ng biglaan o sinasabi nalang basta basta pero saaming dalawa, parang normal lang. Actually siya ang nag turo saakin nun, na dapat may sagot ako sa bawat 'I love you' niya saakin. Well sa nakikita ko sakanya mukhang wala lang pero saakin hindi na eh, alam niyo naman gusto ko siya dibaaa.

Siguro aamin nalang ako pag kaya ko na, kasi kung iisipin mo pag sasabihin ko nalang sakanya na gusto ko siya baka magkailangan kami sa isa't isa tsaka masasayang yung mga pinagsamahan namin pag sasabihin ko yun, sayang din yung memorise at taon na pinagsamahan namin. Kaya siguro aamin nalang pag sure akong may gusto din siya saakin kahit katiting lang.

Pero isang araw biglang nag bago ang lahat. Lahat ng plano ko, lahat ng saya na naramdaman ko ng araw na yun, lahat nawala na parang bula. Dahil lang sa nalaman ko, meron na pala siyang girlfriend, at ang nakakatawa pa dun mag iisang buwan na sila.

Imagine kaibigan ka niya pero hindi mo alam, at pati buong barkada niyo wala ding kaalam alam. Nakakatawa lang isipin, kung kailan pahulog na ako ng pahulog sa kanya saka pa siya nag hanap.

Masakit para saakin kasi bago ko nalaman yun nararamdaman ko ng lumalayo na siya saakin, kasi hindi tulad ng dati, hindi na kami laging mag kasama, minsan nalang kaming mag-usap, at lagi na niyang kasama girlfriend niya. Gusto kong mag tanong nun kung bakit biglang nag kaganun pero nanatili akong tahimik at pinapakiramdaman lang siya and then boom! Yun na nga nalaman ko na ang totoo.

Tanga na kung tanga pero wala akong magagawa kundi tanggapin, tsaka simula pa naman nung una ako ang mali kasi minahal ko siya kahit hindi naman dapat, siguro nahuli na ako ng dating kaya siya nakahanap ng iba.

Ipaglaban? Nah hindi ko na ipaglalaban yung feelings ko para sakanya. Bakit? Kasi nakikita kong mahal niya girlfriend niya, kaya bakit ko pa sisirain diba? Dahil lang sa nararamdaman ko sisirain ko na kaligayan niya? Nah wag nalang, mas gugustuhin kong ako ang nasasaktan ng patago keysa sirain ang nag papasaya sakanya.

May isang kaibigan din ako na sabi niya "hindi mo deserve ang masaktan dahil sakanya, madami pang iba dyan. Move on" Yep, hindi ko nga deserve ang masaktan kaya mag momove-on ako, oh wait! Bat nga pala ako mag momove on eh hindi naman naging kami AND ako lang may feelings sakanya hindi ko lang alam kung siya din.

Masakit man saakin na lagi silang nakikita araw-araw sa school, pilit parin akong maging masaya para sa kanya. Plastic na kung tawagin niyo pero diba ganun naman ang mag mahal? Kapag mahal mo ang isang tao kahit masakit sayo gagawin mo ang lahat para sakanya. Yun lang naman ang ginawa ko kaya ako ganito. Tinanggap ko lang ang katotohanang hindi siya magiging akin kasi pag mamay-ari na siya ng iba.

Well ganun talaga pag nag mamahal, masarap sa feeling na nagmamahal pero nakakabaliw pag nasasaktan.


Sa buhay talaga may mga bagay na hindi natin inaasahan, akala lang natin walang nag kakagusto saatin kasi nga pangit tayo o ano pero hindi lang natin alam na may isang taong laging nandyan sa tabi mo at hindi ka iiwan kahit nasasaktan mo na sila. Yung mga taong yun dapat pinapahalagahan. Tulad ko ngayon, kahit masakit tanggapin na may iba na siya pero eto parin sinusuportahan ko sila sa relasyon nila. Para naman sa ikasasaya niya gagawin ko, wala naman akong iniisip kundi kasiyahan niya kaya kahit masakit sa parte ko gagawin ko para sakanya.


UNWANTED
by iamsaphia


————

Hi guys! Nag update nga ako pero one shot naman at hindi sa stories ko, pero don't worry kasi hahanapan ko ng time ang pag uupdate ng aking stories.

Sana suportahan niyo ang aking mga stories at ang mga puros one shot na pinopost ko, sana magustuhan niyo. THANK YOU!

VOTE•COMMENT

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UNWANTED [ONE SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon