S C A N D A L

8 2 4
                                    

Umuwi ako sa bahay namin na umiiyak. Palagi nalang ganto. Dalawang linggo na na di ako pinapansin ng boyfriend ko. Pinilit niya kasi ako na makipag sex sa kanya.

Syempre ayoko sobrang bata pa namin para dun tsaka pag nagkabunga wala kaming mapapanggastos. Pareho lang kaming nag aaral.

Ayun nagalit saken. Bat di ko daw ibigay, kung mahal ko daw siya bat aayawan ko. Ang gago noh! 3 years na kaming may relationship at pareho kaming 2nd year college.

Nakakainis sa tuwing di niya ako pinapansin. Kaya gumawa ako ng paraan. Always ko siyang tinatawagan lunch break, umaga, gabi tsaka pag may free time. Minsan ngay pinupuntahan ko siya sa room o kaya sa bahay nila. Pero wala eh, eto dedma parin. Pati sa text sa chat tsaka sa call di niya ako sinasagot o nirereplyan.

*Toot* *Toot *Toot*

Pangatlong beses ko na siyang tinatawagan. Tumawag ulit ako, at yun nga mabuti sinagot niya na.

"Babe, " tawag ko sa kanya.

"Oh? Bakit?" Tanong ng boyfriend ko na si Gerald.

"Pansinin mo na ako, please. Gagawin ko lahat na Ipagawa mo na saken wag lang yun. Sorry na babe, mahal na mahal kita. Iba nalang please, wag ganun" umiiyak na sambit ko.

"Oh sige. Gumawa ka ng video sa sarili mo na nakahubo't hubad. Kumbaga scandal mo. " sabi ni Gerald.

Tanging hikbi ko lang ang naisukli ko.

*Toot* *toot* *toot*

Di ko na mapigilan na umiyak ng sobra. Di ko inaakalang yun yung naisip niyang ipapagawa saken. Sobrang labag sa loob ko na gawin yun.

Pero mas naisip kong gawin kasi ayokong mawala siya saken. Ayokong iwan niya ako kasi sobrang mahal na mahal ko siya. Ayokong mangyari saken yun.

Kinabukasan ay sinunod ko yung pinagawa niya, nag send nga ako sa kanya ng video na hubo't hubad ako. Isa sa dahilan ko kung bakit ako nag send sakanya kasi nagtitiwala ako sa kanya.

After nun pinapansin niya na nga ako, nag rereply na ulit siya saken at sinasagot mga tawag ko.

Ngunit isang araw ng pumasok ako sa eskwela ay maraming mga panget na komento saken, at gumuguhit sa mga mukha nila ang mga pandidiri saken. Kaya naglalakad ako papuntang bahay tsaka sa loob ng school ay always akong pinag uusapan pati sa sakayan ay pinag uusapan din ako. Pati mga kaibigan koy di na din ako nilalapitan. Si Gerald din ay umiiwas na saken.

Nung una di ko pa alam yung nangyayari. Ngunit ng sabihan ako ng guro na pinapatawag ang mga magulang ko. Dun ko nalaman kasi nagtanong ako kung bakit kailangan kausapin mga magulang ko.

Nung time na yun agad akong nag open ng facebook app sa laptop ko at dun ko nakita yung video na sinend ko kay Gerald. Mga ibang ka kilala kong nakakita ng video ay minention pa ako tsaka tinag.

Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi sobrang tanga ko. Nagtiwala ako sa isang lalaking gagawan lang ako ng kagaguhan.

Oo naisip ko na din na baka gawan niya ko ng ganun. Pero nagtiwala kasi ako ng sobra na di niya gagawin kaya yun sinend ko. Nagkamali ba ako ng pagkatiwalaan?

Alam kong sobrang mali nung ginawa ko. Alam kong mali pero ginawa ko pa din kasi sobrang mahal ko si Gerald ayokong mawala siya saken. Ngunit yung pagmamahal na yun ay napalitan ng galit.

Pamilya't mga kaibigan koy ikinakahiya ako. Kahit labag sa kalaooban kong gawin ang bagay na to ay wala na akong magagawa. Kasi wala na akong mukhang maihaharap sa kanila pati sa mga taong nakapaligid saken.

Sa sobrang kahihiyan ay nakagawa ako ng bagay na di ko kailanman na isip noon.

Third person's POV

"Kristina, lumabas ka na. Kakain na tayo" sabi ng tatay ng dalaga.

"Kristina" ulit neto.

Nakaramdam ng kaba ang tatay ni Kristina kasi  nang sinubukan niyang buksan ang pintuan nito ay nakalock na at pati na din ang hindi pagsasalita ni Kristina.

Mabilis na tinawag neto ang asawa at dali daling pinakuha yung susi sa kwarto ni Kristina.

Di palang nabubuksan ay umiiyak na ang ina ni Kristina pati na rin ang ate ng dalaga.

Nang mabuksan na nila yung pintuan ay mas lalong lumakas ang iyak ng ina at kapatid ni Kristina. Habang ang tatay naman neto ay mabilis papuntang kusina at kumuha ng kutsilyo at mabilis na bumalik sa kwarto ng dalaga.

Sa mabilisang paraan ay pinutol ng tatay ni Kristina ang lubid na nakatali sa leeg ng dalaga.

Ilang araw na nakalipas simula nung nangyaring pagpapakamatay ng dalaga. May nakitang sulat ang pamilya ni Kristina sa kwarto neto.

Ika- 25 na ng Oktubre araw ng sabado. Ang huling araw para pumunta sa burol ng dalaga.
At sa araw na ito ang plano ng pamilya ni Kristina na ibigay ang sulat na ginawa ng dalaga para sa nobyo nitong si Gerald.

Gerald's POV

Kakauwi ko lang galing sa pagbasketball. Nang tawagin ako ni mama kasi may naghahanap daw saken at babae daw.

Ganun ba ako kagwapo para puntahan ng isang babae sa bahay namin? Ahaha.

Mabilis akong nagpalit ng damit upang mapuntahan na ang babaeng naghihintay saken.

Paglabas ko sa kwarto ay nakita ko sa living room yung babaeng naghahanap saken.

Napakagandang babae naman neto. Sobrang puti at kinis ng balat. Ang sarap tikman.

Habang papalapit na papalapit ay nakikita kong may kahawig siyang kakilala ko.

Bakit sobrang pamilyar ang mukha ng babae? Kilala ko ba to?

"Magandang gabi po, kayo po si Gerald Villamor diba?" mahinhin na pagkakatanong ng babae. Nakita kong may dala itong sulat.

"Oo ako nga, may kailangan po ba kayo?" nagtatakang tanong ko.

"Ito ay sulat na para sa iyo na gawa ng kapatid kong si Kristina, ngayon na po ang huling araw na pwedeng pumunta ang mga kaibigan, kaklase at kakilala ni Kristina sa burol nito. Aalis na po ako, yun lamang po ang pinunta ko dito" sabi ng babae.

Napatulala ako sa sinabi niya at wala akong masabi. Sobrang nakakagulat na wala na si Kristina.

Agad akong pumunta sa kwarto at binuksan ang sulat na galing daw kay Kristina.

Gerald Villamor,

Kumusta ka na? Masaya ka na ba? Masaya ka na din ba na kumalat yung video ko na pinagawa mo saken? Pinagkatiwalaan kita. Pinagkatiwalaan kita kaya  sinend ko sayo yun. Ang inaakala koy satin-satin nalang yun. Ngunit nagkamali ako, nagkamali ako ng pinagkatiwalaan. Sobrang mahal kita kaya ko din ginawa yun. Kasi ayokong iwan mo ko, ayokong layuan mo ko. Ngunit sobrang mali na minahal at pagkatiwalaan ka. Di ka man lang ba nakonsensiya sa ginawa mo? Di mo rin ba naisip ang damdamin ng isang tao? Pinalitan mo ng galit ang pagmamahal na inilaan ko sayo. Nang dahil sayo makakagawa ako ng mga bagay na di ko kayang gawin noon. Maraming salamat sa oras na ibinigay mo saken. Sa mga alaalang binuo natin. Maraming salamat.

                                                   
                                                                Kristina
         

Third person's POV

Naiyak si Gerald dahil sa sobrang pagkakakonsensya.

Alam ni Gerald sa sarili niya na di niya talaga mahal si Kristina. Gusto niya lang itong tikman, ngunit hindi niya nagawa.

Dahil sobra sobra ang respeto ng dalaga sa sarili. Pero kahit na ganun ay may nagawa parin ang dalaga na dahilan upang mandiri ang mga tao sa kanya.

Sa sobrang konsensya ni Gerald ay pumunta siya sa bahay ng pamilya ni Kristina at nanghingi ng paumanhin pati narin sa labi ni Kristina.

                             ~THE END~

[ AUTHORS NOTE: ]

> Pasensya na po kung sobrang panget ng pagkakagawa. First time ko po kasing gumawa ng one-shot story.

> Sa susunod na kabanata ay isa nanamang one shot story.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 26, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One Shot Collection Where stories live. Discover now