Chapter Four

3.1K 67 0
                                    

Chapter Four

 

“Here’s the financial report for the month of December, sir,” malamyang sabi ni Stella as she put down a folder on the table. Ni hindi man lang niya tiningnan ang bagong presidente ng kumpanya. Agad siyang tumalikod sa binata at lumabas ng opisina ng CEO.

Pagkalabas na pagkalabas niya ay huminga siya ng malalim. Umupo agad siya sa kanyang upuan at nagpatuloy sa pag-uupdate ng schedule ng bagong president eng kumpanya at pag-eencode ng data sa database.

Hindi niya mapigilan ang pait sa kanyang kalooban. Pakiramdam niya ay pag hinayaan niya ang kanyang bibig mag-isa, maglalabas ito ng mga salitang hindi kanais-nais. Kinagat niya ang kanyang babang labi para pigilan ito. Inaaalala na lang niya ang pagpunta niya kay Claire at ang payo ng kanyang kaibigan.

“Ang kapal lang ng mukha niya,” nanggagalaiting bulong ni Stella habang naglalakad siya ng mabilis papunta sa Accounting department. Umaalingawngaw ang tunog ng kanyang heels sa marble floor. Bukas-sara ang mga palad niya habang naglalakad siya. She wants to knock someone down. Gusto niyang manuntok. Her face was flushing at ramdam niya ang pagtaas ng dugo sa kanyang ulo.

Pagdating niya sa pintuan ng Accounting department ay nakasalubong niya agad ang pakay niya sa office na yun – si Claire.

“O, bakit nakasimangot ka, Stell?” Tanong agad ng kanyang kaibigan. Hindi agad sumagot si Stella kaya kinuha ni Claire ang kanyang mga kamay at hinila siya papasok ng department. Agad siyang pinaupo sa isang bakanteng upuan at umupo sa tabi nito.

“Nakilala ko na yata ang lalaking pinakakinaiinisan ko,” mahinang sabi ni Stella sa kanyang kaibigan. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at nakasimangot.

“At sino naman yan?” Claire asked.

“Well, pinakilala na sa akin ang bagong presidente ng –” Stella started.

“Nakita mo na siya?” Halos mapasigaw si Claire sa pagtatanong tungkol sa bagong president eng kumpanya at tila kinikilig, “totoo bang artistahin siya?”

Napabuntong hininga na lang si Stella at napairap. Agad na hinawakan ni Claire ang magkabilang braso niya at yinugyog siya ng mahina, “Friend, pagbigyan mo na ako sa tanong ko. Marami na kasi kaming naiintriga tungkol sa kanya eh. Kaunti pa lang sa department naming ang nakakakita sa kanya ng personal.”

“It doesn’t matter kung pogi siya,” bulong ni Stella. Lalo siyang nainis sa lalaki dahil sa ikinikilos ng kanyang matalik na kaibigan.

“So pogi siya,” patiling sagot ni Claire at napahawak ito sa kanyang mga pisngi, “Mas pogi sa mga artista?”

“Aanhin mo naman ang mukha kung hindi maganda ang pag-uugali?” Pabalang na sagot ni Stella pero pinagbigyan din ang kaibigan, “Oo, mas pogi sa mga artista.”

Tuluyan nang napatili ang kanyang kaibigang si Claire. Pinagtinginan sila ng ibang empleyadong nasa office. Napayuko na lang si Stella sa ginawa ng kanyang kaibigan at pasigaw na sinabing, “Pwede ba, Claire, maghunos dili ka!”

Tumigil si Claire sa pagtili at huminga ng malalim. Ipinikit nito ang kanyang mga mata at bumilang ng hanggang tatlo. Pagmulat niya ng kanyang mga mata, agad siyang nagtanong kay Stella, “at ano namang ginawa ni Mr. Hottie na ikinainit ng ulo mo?”

Stella flinched nang marinig niya ang bagong palayaw na ibinigay ng kanyang kaibigan sa bagong presidente. Lalong na-imagine ni Stella ang binata at ang nangyari kung kaya’t lalo niyang naramdaman ang pagtaas ng kanyang dugo. Agad niyang ikinuwento ang nangyari na ikinagulat naman ng kanyang kaibigan.

Will You Marry Me, Ice Queen?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora