Prologue

12 1 0
                                    

I sighed dreamily as I watch my favorite telenovela's playing my so awaited episode. I can only imagine myself walking down the aisle as the love of my life waits for me. Standing infront, smiling, tears swelling up his eyes while looking at me so lovingly.

"Gloria! Bumaba ka nga rito!" Rinig kong sigaw ni lola mula sa kusina. Dagli kong pinause ang pinapanood at isinuksok sa bulsa ng aking sweatpants ang cellphone.

"Yes my so beautiful and ever so caring lola?"  I smiled cheekily at her, moving my perfectly shaped brows up and down. I saw her setting up the plates at the dining table.

"Ikaw talagang bata ka! Mana ka sa papa mong mambobola." Tawa ni lola at sinenyasan akong umupo na.

Bata pa lang ako, si lola na ang numalatan kong nagbabantay at nag-aalaga sakin. Si Papa kasi nasa Saudi, welder, nagtatarabaho at siyang nagtutustos sa pang-araw-araw naming gastusin sa bahay. Twice in a year lang umuuwi dahil na rin sa abala sa trabaho. Si nanay kasi baby pa lang ako, iniwan na kami ni papa. Okay lang din naman, andiyan naman si lola para punan ang pagkukulang niya.

May maliit kaming sari-sari store, sakto sa pangangailangan araw-araw ang benta. Pag may sobra eh tinitipid ni lola. Para sa tuition ko gayong magfo-fourth year college na ako ngayong pasukan.

Kumuha ako ng sinigang at naghain ng ulam sa pinggan ni lola. Ngumiti ako sa kanya.

"Oh bakit ang bait-bait ata ngayon ng apo ko?"

"Lola! Ngayon mo lang napansin? Matagal na kaya akong mabait." Hirit ko. Kumuha na rin ng kanin at ulam upang magsimulang kumain.

"Wag nga ako Gloria! Ano ba ang gusto mo't para tumigil kana sa mga hirit mong yan."

Nginuya ko muna ang pangalawang subo bago sumagot.

"Ah lola pa load naman ako ng isang daan oh, hindi ko na kasi mapapatapos ang pinapanood ko dahil mauubos na ang load ko." Napainom si lola ng tubig tapos marinig ang sinabi ko.

"Isang daan? Ano ka ba naman Gloria! Isang daan talaga? Hindi pwede singkwenta na lang muna? Mauubusan tayo ng load diyan sa hirit mo eh." Napakamot ako ng batok dahil sa sagot niya.

"O sige lola, singkwenta na lang."

"Trenta na lang pala, 200 pesos na lang load ko." Nakangisi niyang saad.

"Ano kaba naman lola? Singkwenta tapos ngayon trenta? Wala na akong mapapanood niyan eh." Maktol ko. Tumawa si lola at tumango-tango.

"Sige mamaya lolodan kitang singkwenta." Ngumisi ako sa kanya at binilisan na ang pagkain.

"Thank you po." I said, my tongue laced with sweet strawberry juice. I smiled again habang naeexcite na manood muli.

"Samahan mo pala ako mamaya maggo-grocery tayo, paubos na ang mga noodles at biscuit sa tindahan."

Tumayo ako at hinugasan ang platong ginamit bago humarap muli kay lola. Nakaupo pa rin siya at abala sa pagkain. Halata na ang mga kulubot sa mukha at puno ng kulay puti ang buhok. Somehow, despite the physical features, lola seems to be so strong. Ni kahit kailan ay hindi ko nakita o narinig si lola na nagreklamo dahil masakit ang kanyang likod, balikat, o kahit saan pang parte ng katawan.

"Opo." Sabi ko at binunot ang cellphone ng mag notif ito.

Gloria sasama kaba samin? Manonood kaming sine ni Martin.

Pagkabukas ng cellphone ay ang message galing kay Wella agad ang bumungad sakin. I took time typing my reply for her then fished in my phone. Umupo ulit ako sa katabing silya ni lola at inabala siya habang kumakain.

Darkness within Where stories live. Discover now