PINTIG NG PUSO

38 2 0
                                    

                PINTIG NG PUSO

Nang ika'y aking minamasdan sa t'wina,

Aking nadarama ay tuwa at saya.

Tamis ng iyong ngiti ay mahalaga,

Sapagkat ika'y aking nakilala na.

Ikaw lang ang tangi kong nais masdan,

Sa panaginip ikaw ang laging laman.

Ang aking pag-ibig ay walang paglagyan,

Kaya't pag-ibig ko sa'yo lamang laan.

Pintig ng aking puso ay kakaiba,

Laging sambit ay pangalan mo sa t'wina.

Hindi malaman kung bakit ganoon ba?

Basta't ang tanging alam ay ikaw na.

Lagi kong hiling ikaw ay makasama,

Tunay na pagsinta sa'yo lang nadama.

Wala na nga akong maihihiling pa,

Sapagkat ikaw ay aking nakilala.

Sana sa iyo ay wala ng papantay,

Poong may kapal sa'yo sana ay gumabay.

Sana ay nasabi ko sa tulang ito,

Lahat ng ninanais ng puso sa'yo.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PINTIG NG PUSOWhere stories live. Discover now