Prolouge

12 0 0
                                    

It is a sunny April fool's day. The bars are quiet and many of the detainees of Juvenile Detention Center are sleeping except Lindsay Carter a 19 year old detainee from Delaware, Oklahoma. Tears were falling down on her hazel eyes as she waves goodbye to her fellow inmate Raven Myles, a 17 year old notorious gang member from Greenville.

PAAKYAT na sa bus si Lindsay nang may humawak sa balikat nya at hinila sya pababa na naging dahilan para matumba sya at mahulog ang camo print jansport backpack nya. She frowned but as she turned her back she saw a crying sapphire eyed ash blonde haired girl with an eagle tattoo on her neck. The girl is 5'11 in height at nagpupumiglas ito sa mga bantay ng facility.

"Sulatan mo ako ha!" pahagulgol na sabi ng babae habang ito ay pinoposasan ng mga jail guards.

"Bitawan mo nga ako, kahit 2 minuto lang nakikusap ako- naputol ang pagsusumamo ng babae nang bigla syang sapakin ng isa sa mga guwardya.

"Tigilan nyo sya!" pagmamakaawa ni Lindsay habang pinagmamasdan ang babae na nakadapa sa lupa ngunit bigla ding tumayo. Nilapitan sya nito at may inabot ito sa kanya na isang libro sa kanya.

"Ano ito?!?!" pag tataka nya na ikinatawa nman ito ng babae na lumapit at niyakap siya .Ang libro ay kulay pula at pinamagatang "Simon vs. the Homo Sapiens Agenda" by Becky Albertalli.

"Lindsay, basahin mo yan at mangako ka sa akin na susulat ka " bumulong ito na may ngiti sa mga labi . She chuckled at kumawala sa yakap ng babae.

"I promise Raven. Basta magpapakabait ka ha at pag nakalaya ka mag bagong buhay kana." pangaral nya sa dalaga na para bang anak niya ito. Kitang kita nya ang pagkainip ng mga guwardiya ngunit wala syang pakialam

NABIGLA sya sa biglaang pag *honk* ng bus at sumilip ang guwardya at sinabing "Malayo pa ang lalakbayin natin kaya tigilan nyo na ang mga kadramahan nyo diyan." dahil sa sinabi ng guwardiya ay umakyat na sya at dina ito pinigilan ni Raven. Nang makaakyat na ito ay nakita nya ang mga tingin ng mga kapwa nya inmate na naiinis sa kanya siguro dahil narin sa kadramahan na nangyari ngunit hindi na lamang nya ito pinansin at mabilis syang nakahanap ng upuan. Ito ay nasa dulo at solong solo nya ang dalawang upuan. Nang makaupo na sya, umandar na ang bus at inilagay nya ang bag nya sa kanan. Tumingin sya sa bintana at kumaway sya sa mga guwardiya na hindi parin maipinta ang mga mukha dahil sa sobrang inis at sa itinuring na nya na nakakabatang kapatid na si Raven na maga na ang mga mata sa kaiiyak at kumaway ito sa kanya. Habang umaandar ang sasakyan palayo na sila nang palayo sa Detention Center.

HALOS 2 dalawang oras na ang nakalipas mula nung nakaalis sila sa Detention Center. Binuksan nya ang itim na kurtina at nakita nya na papalubog na ang araw. Nakita niya ang malakulay rosas na kalangitan at napangiti na lamang sya dahil kinabukasan hindi nya na ito muling masisilayan pa. She let out a deep sigh and opened her bag. Kinuha nya ang bigay na libro ni Raven at binuklat ang unang pahina nito. Marami siyang libro para malibang ang sarili nya. Kakatapos lang nya na basahin ang "THE GREAT GATSBY "ni F. Scott Fitzgerald. Marami na rin syang nabasa na libro nung nasa center pa sya at isa na ron ang Hunger Games Trilogy ni Suzanne Collins at The Chronicles of Narnia ni C. S. Lewis. Masasabi nya na isa na syang book nerd dahil nung bata pa sya ay palabasa na sya ng mga novels at ang una niyang nabasa ay Harry Potter at ito ang tinuturing nyang pinakapaborito nyang libro sa lahat.

Hindi niya napansin na gabi na pala dahil abala sya sa pagbabasa ng libro na niregalo sa kanya ni Raven. Ngayon nalang niya narealize ang dahilan kung bakit ito pinapabasa sa kanya. Ang bida kasi ng kwento ay si Simon Spier isang 16 year old closeted gay teenager na nakatira sa isang suburb sa Atlanta, Georgia. Mga ilang buwan na ang nakakaraan umamin si Raven sa kanya na isa daw siyang bisexual at inamin din sa kaniya na may naging kasintahan daw ito sa Greenville. Siyempre dahil openminded sya tinanggap niya ito. Habang binabasa nya yung libro may tumapik sa likod nya at doon na nagsimula ang panginginig ng katawan niya.

"Morgan"Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt