CHF I

931 13 1
                                    

"Uy, Jho!" Tawag sa akin ni Ate Ly.

"Yes, Ate Ly?"

"Yung mga gamit mo sa room mo paki-transfer lang muna sa room ko. Inayos ko na yun dun para may space yung mga damit mo sa closet." Sabi niya habang naglilinis ng mga bintana.

"Huh? Bakit Ate? May gagamit ng room ko?" Tanong ko habang nagvavacuum.

"Ah, oo. I forgot to tell you. I'm sorry. Uuwi kasi si Bea from US, dito muna siya mag-stay sa condo ko while looking for her own condo. Okay lang ba?"

HUUUY! Sinong Bea? Bea Tan? Or Bea....?!

"Sinong Bea, Ate? Si Ate Bea Tan?" Tanong ko, acting like I'm not bothered at all.

"Hindi. Yung bestfriend ko. Si Bea de Leon. Limot mo na? Kaloka ka. Hindi naman nag-US si Bea Tan." Natatawang sagot ni Ate Ly.

OMFG! Say whaaaat?!

~flashback~

"Sige na, Jho. Gawa ka na love letter tapos bigay mo sa kanya." Pamimilit sa'kin ni Jia.

"Eeeehh! Ayoko. Nakakahiya. Baka magsumbong pa 'yun kay Ate Ly."

"Bahala ka. Uuwi na 'yun sa Manila tapos baka 'di na kayo magkita." Kanina pa talaga 'tong si Jia. Feeling niya kasi may gusto sa'kin yung bestfriend ni Ate Ly kaya pinipilit niya akong gumawa ng love letter kasi daw para magka-aminan kami. Pag-iisip talaga ng bestfried ko, e.

"Bibisita pa naman siguro siya dito tsaka friend na kaya kami sa FB nakakahiya if ever. Tsaka parang may something naman sila ni Ate Kianna. May crush kaya si Ate Kianna sa kanya tapos palagi pa silang magkasama."

"Sus, Jhoana Louisse! Pustahan tayo may gusto sa'yo yun. Tinginan pa lang sa'yo eh. Iba na. Landiin mo na kasi. Bagal neto. Tingnan mo si Ate Kianna ang galing lumandi kaya nagkaka-moment sila."

"Hoy Julia Melissa!" Sinabunutan ko siya ng slight lang naman. Mga pinagsasabi kasi. "Ikaw, yang bibig mo wala talagang filter. Wag ka ngang ganyan kay Ate Kianna. Ang bait-bait ni Ate, eh. Tsaka ayoko umasa dun. Baka nga madaming girlfriend yun sa Manila. Sabi ni Ate Ly, playgirl daw 'yun, eh. Dami kaya magaganda sa Manila."

"Bahala ka nga. Uwi na 'ko. Walang kwenta pagpunta ko dito. Tse!" Sabay sabunot sa buhok bago tumakbo palabas ng kwarto ko.

Langyang Jia 'yun. Nanakit pa.

So, anuna Jhoana?! Jia naman kasi kung ano-anong pinapasok sa isip ko. Bahala na nga.

Pumunta akong sa study table ko at kumuha ng stationary. Bahala na si Batman!

"Dear Beatriz,"

~end of flashback~

"Hoy, Jho! Okay ka lang?"

"H-ha?!" Parang tangang sagot ko kay Ate Ly. Ano ba naman 'yan! Wala pa nga siya parang gusto ko ng magpalamon sa lupa pa'no pa kaya kapag andito na 'yun?!

"Natulala ka na naman. Ang sabi ko. Tapusin mo na 'yan tapos maligo ka na kasi maliligo na din ako. Sa mall na lang tayo kumain ng lunch nag-aya si Den."

"Okay, Ate. Sandali na lang 'to."

Pumasok na si Ate Ly sa room niya at naiwan akong natulala na naman. Kung dun na lang muna kaya ako kay Jia makitira. Ang awkward kasi, well, for me lang kasi ang landi ko noon. May love letter pang nalalaman ang epic ng nagawa ko. Haaay. Pahamak talaga si Morado.

Pero kumusta na kaya siya? Naalala niya pa kaya ako? Malamang Jhoana. Ang unforgettable naman kasi nung letter mo at ang epic pa nung nangyari. Langyang Jia na 'yun talaga.

~flashback~

"Hi, Ate Ly. Hi, Ate Bei." Bungad ko sa dalawa na busy sa pag-empake ng mga gamit nila. Babalik na silang Manila bukas.

"Hi, Jhow. Diba I told you not to call me Ate. I feel so old." Sabi ni Bea.

"Eh, you're older than me naman talaga kaya dapat Ate kita. It's a sign of respect kaya." Walanjo. Nagiging conyo na din ako dahil kay Bea.

Sumimangot naman si Bea tapos umupo at inabot yung pisngi ko at kinurot.

"Alam mo, Jhow, you're so makulet. I'm gonna miss that and that annoying face of yours when we get back to manila."

Hooy Beatriz! Hinay-hinay naman. Kinikilig ako. Feeling ko nag-iinit ma yung pisngi ko kaya tinabig ko yung kamay niya at tumayo at tinulungan si Ate Ly sa pag-eempake.

"Ang sakit, Bea ha? Tsaka this face?" Turo ko sa mukha ko without looking at her direction kasi feeling ko nag-b'blush ako. "Sa ganda kong 'to annoying? Baka your face."

"Haay nako kayong dalawa. Pareho kayong annoying. Wag na kayong magtalo. By the way, inom tayo later, Bey. Punta daw si Kianna mamaya."

Kianna na naman. Ano ba yan. Nandito naman ako oh. Chos! Hahaha.

"Let's watch movies na lang and have a foodtrip, kasi I will drive us pa bukas and Jhow here is not allowed to drink pa, di siya makaka-relate sa'tin. Diba, baby?" Lingon niya sa'kin na may pang-asar na ngiti.

Awwe. Kilig nemen. Naisip niya ako. Thank you, baby Bea. Landeee! Hahaha.

"Uy, Jhow. Are you blushing? Yiee. Kilig ka na niyan, baby Jhow?" Pang-aasar ni Bea sa'kin at aktong lalapit pa kaya lumayo ako at pumunta sa likod ni Ate Ly.

"Kilig mo mukha mo. Kapal neto. Ate Ly, oh! Inaasar na naman ako ni Bea."

"Hoy, Bey! Tigilan mo si Jho. Baka maniwala sa'yo. Sasapakin kita
Tsaka ikaw Jho wag kang kikiligin diyan. Madaming babae yan. Masasaktan ka lang. Hahahaha." Pang-aasar ni Ate Ly kay Bea na pilit ko na lang tinawanan. Mapanakit 'tong pinsan ko, e.

"Alyssa, grabe ka sa'kin." Sabay bato niya ng unan kay Ate Ly na tinawanan lang ni Ate. "Don't believe her baby Jhow. Loyal ako sa'yo. Hahahaha." Ang landi na naman po ni Bea. Parang gusto ko ng maniwala. Bwesit! Panagutan mo 'tong feelings ko de Leon!

Tiningnan naman ni Ate Ly si Bea ng seryoso. "Beatriz, I'm telling you. Quit it. Baka maniwala si Jho sa'yo magkakalimutan ta'yo." And that made Bea shut up, for now. Ang seryoso naman kasi ni Ate Ly. Kaya minabuti ko ng um-exit.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Uwi muna ako, Ate. Balik na lang ako mamaya." Palabas na ako ng kwarto ng tawagin ako ni Bea.

"Hey, baby Jhow. Later, ah? Don't forget. I'll wait for you, oks?" Sabay kindat. Pota! Wag kang ganyan baby Bea baka di na kita pauwiin sa inyo.

"Oo na. Kulit neto."

~end of flashback~

=======

Soooo.. hi? 😁

I dunno if this is good enough. This is my first time to actually write a fic so I hope someone out there will appreciate this. Hahahaha. It's short but I'll try to make it long for the next chapters.

Comments are highly appreciated guyths. 😀

-J

Can't Help Fallin'Where stories live. Discover now