Araw at buwan lamang ang naging tanging saksi
Kasaysayang huwad minsan ang sa libro'y nalalabi
Kasamaang tunay ng mga mapang-api, parang pagbilang lang ng sampu kay daling ikinubli
Nang radyong sira, nang medyang katapat ay salapiSa rikit nga naman ng kanilang pangako at mapanuyong palatastas sa telebisyon
Madaling nalinlang at naguyo ang botanteng milyon-milyon
At nagsimula ngang maupo sa pwesto ang mga kauri ng dragon
Agad silang bumuga ng apoy, di nila kapartido'y agad kapangyariha'y tinalupan ng kahonSa pagbuklat ng pahina ng mapanuring panahon
Maraming nabuksang mata, sa mga karamihang nabulag nila noon
May ilang tumindig at nagsalaysay ng kanilang di makatuwirang paglapat ng hustisya
Ngunit hawak nila sa leeg ang lahat ng departamento, Ehekutibo, Lehistratora't HudikatoraNgunit Hindi kami natakot, sa lansangan nakahanap kami ng puwang
Di napapagod kahit aming kaluluwa'y nasusugatang katawan ang pananggalang
Sa bawat malakas na tubig na ikinanyon, sa bawat hataw ng batuta
Kadalasa'y pag-uwi ang bitbit na tagumpay ay luhaDumarami kami't alam kong mga oligarsya'y nagkakaroon din ng pangamba
Ilang hanay sa kasamahan nami'y nawalang parang bula
At di mabilang na kasanggay naparisan ng pilak ang kanilang puri
Kalaba'y matsing silang mapanuso, ganun ang kanilang uriAlam kong ang umunawa ng aming ipinaglalaba'y marami pang di nakakaintindi
Umaasa pa ring mamumulat ang isipan ng bayan kong sawi
Sana'y di ang araw at buwan lamang ang maging tanging saksi
Sana'y di magpatuloy na kasaysayang huwad ang sa libro natin ay malabi...Paang Makabayan
Written: Sept. 15, 2014
Mysterious Aries
BINABASA MO ANG
PAANG MAKABAYAN
PoetryMga letrang binigkis, pinag-isa, pinatakan ng dugo upang magkadiwa... Lahat ito aking ginawa... Alang-alang sa bayan na aking minumutya... Vote naman po or comment para sa effort... Salamat...