"BAKIT LAGI NALANG AKO"

0 0 0
                                    


Minahal kita ng walang halong lokohan

Sa pag-aakalang mamahalin mo din ako ng totohanan

Tagu-taguan maliwanag ang buwan

Nandito ako hindi para makipaglaruan

Kundi para sayo'y ipaalam

Ang aking nararamdaman

Bakit ba sa ating pag-iibigan

Tila ba ako nalang ang siyang laging may kasalanan

Hindi mo ba pansin

Mga pagmamahal Kong sayo'y ihinain

O sadyang bulag ka lang

At ayaw mong tanggapin,

Tanggapin na sa ating dalawa

Ikaw yung may pagkukulang

At hindi ako sinta

Huwag sana sakin ibaling

Ang lahat ng galit at daing

Bagkus matuto sanang akuin

Na ika'y sakin may pagkukulang din

Bakit lagi nalang ako

Dahil ba sa alam mong mahal kita ng totoo

Yung tipong handa akong akuin

Lahat ng mga pagkakasala mo

At tanggapin ka ng buong-buo

Pero tandaan sinta

Hindi habang buhay handa akong magpakatanga

At sabihin mahal kita

At mamahalin pa rin kita

Kaya sana sinta

Iyong pakatandaan

At hindi pagsisihan

Na sa bawat pag-andar ng mga kamay ng orasan

Ay siya ring paglipas ng aking nararamdaman...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"BAKIT LAGI NALANG AKO"Where stories live. Discover now