Rap Monster
Dinala ka ni Rapmon sa isang cinema. Akala mo nga romance movie yung papanoorin niyo pero yun pala yung Maria Leonora Teresa. Dahil sa sobrang takot mo, tintakpan mo na yung mukha mo ng bag mo para di mo makita yung wide screen. Pero walanjo malaki talaga yung screen kaya nakita mo yung paglabas nung manikang mukhang tsonggo. Napasigaw ka at napayakap kay Rapmon. Agad naman siyang tumawa at ngumiti ng nakakaloko. Nagulat ka ng bigla niyang hinawakan ang kamay mo. "Don't be afraid. I'm just right here."Jin
Niyaya ka niyang pumunta sa bahay niya para magbake ng cupcakes. Medyo nanliliit ka kasi mas magaling pa sa Jin sa pagbake kaysa sayo. Kinuha niya ang dalawang red apron at pareho niyo itong sinuot. Tinulungan ka niya sa pagtali nito sa likuran mo. Kasalukuyan kayong naghahalo ng mga ingredients nang bigla siyang tumigil at tumingin sayo. Akala mo nabighani siya sa ganda mo pero yun pala, may icing ka sa ilong lol. Inilapit niya ang mukha niya sayo at pinunasan ito gamit ang daliri niya. At dahil nahiya ka, pinahiran mo rin siya ng icing sa bibig niya. Pinahiran ka din niya bilang ganti at naghabol-habulan kayo sa loob ng kusina. As a result, di niyo nagawa yung cupcakes.Suga
Namamasyal kayo sa kung saan habang kumakain ng ice cream. Masaya kayong naglalakad habang nakaakbay siya sayo. Huminto siya sa paglalakad nang makakita siya ng claw machine sa loob isang arcade. Hinila ka niya papasok dito at nagsimulang maglaro nito. Di mo akalaing mauubos niya lahat ng stuff toys sa loob ng machine. Ang lapad ng ngiti niya yung tipong kitang-kita na yung gilagid at baby teeth niya habang binibigay sayo yung sandamkmak ng stuff toys. "Bilangin mo. Ganyan karami ang magiging anak natin."J-Hope
Pumunta kayo sa isang zoo. DI pa daw kasi siya nakakapunta dito simula nung bata pa siya. Pinagtitinginan kayo ng mga tao dahil sa bawat hayop na pinupuntahan niyo, madalas niyang i-imitate. Mukha na nga siyang baliw pero okay lang sayo kasi napapatawa ka niya. Nung pumunta kayo sa may unggoy, ginaya niya ito at sumayaw sayaw. Nung pumunta naman kayo sa may tiger, muntik na siyang mawalan ng malay. Bigla kasing nag-roar yung tiger na kanya namang ikinagulat lol.Jimin
Namamasyal kayo sa isang park. Di mo inaasahang uulan at wala kang dalang payong. Nalungkot ka dahil wrong timing ang weather. Nagalit ka kay Kuya Kim dahil di niya sinabi kagabi sa balita na masama ang panahon ngayon. Nagsialisan at umuwi na ang mga taong nandoon dahil sa ulan. Napansin mo ang isang waiting shed malapit sa kinatatayuan niyo. Hinila mo si Jimin papunta dito para sumilong at di mabasa pero hinila ka niya papaalis dun. Nag-aalangan ka dahil nababasa kayo ng ulan pero biglang kang napangiti nang bigla siyang sumayaw sa harapan mo. Dumugo din ang ilong mo dahil nabasa ang kanyang suot na white t-shirt kung saan kitang kita ang abs niya. Hinawakan niya ang kamay mo at pareho kayong naghabulan at sumayaw sa ulan.V
Sabi niya wala siyang badget kaya hindi kayo nagdate sa labas dahil nanakawan siya kahapon instead, naglaro nalang kayo ng PS2 games sa bahay niya. Tawa ka nang tawa dahil kababae mong tao, talong talo mo si V. Sobra ang ang effort niya sa paglalaro, yung tipong masisira na yung controller sa kakapindot niya pero talo pa rin siya. Maya maya, napansin mong ibinaba niya yung controller at tumigil sa paglalaro. "Pagod na ako" sabi niya. Walang paalam siyang nahiga sa lap mo at pinagmasdan ka hanggang s amakatulog siya.Jungkook
Kayo ay namamasyal malapit sa Han river. Nagdala ka ng skateboard dahil gusto mong magpaturo nito kay Jungkook. Takot na takot ka nung una kaya hinawakan niya ang kamay mo habang nakasakay ka rito. Di mo inaasahang maa-out balance ka. Buti nalang nasalo ka ni Jungkook at pareho kayong natumba sa damuhan hahaha "This isn't working" yan ang sinabi mo. Ngumiti lang siya at hinila ka sa may rentahan ng bisikleta. Sumakay kayo sa isang tandem bicycle, yung isang bike lang pero dalawa yung seats. Masaya kayong naglibot kayo dun habang pasulyap sulyap siyang tuumitingin sayo dahil nasa likuran ka at pagkatapos, sabay niyong pinanood ang paglubog ng araw.Winterized

CZYTASZ
BTS SCENARIOS ★
FanfictionThis is purely fiction and all scenes are not true. Close minded are not allowed. Strictly, do not plagiarize.