Chapter 1

148 1 0
                                    

Chapter 1

Olivia's POV

"Kyaah! tangina viaaa." nagulat ako ng pinagkukurot at pinaghahampas na lang ako bigla ni Lady.

"La gago masakit!." sabi ko habang sinasalag mga kurot at hampas nya sa braso ko.

"eeeeeh! kinikilig ako via, shit." sabi nya at umayos ng upo, pero nangingisay parin sya sa kilig.

"bakit kaba kinikilig?." naiirita kong tanong habang hinihimas ang braso ko, tangina ang sakit ng kurot ni gaga.

"eh kesye nemen se Jered nepepekeleg eke." pabebe nyang sinabi, habang hinahawi ang buhok nya palagay sa tenga.

Hinampas ko sya sa braso, "gago ayusin mo nga pananalita mo dikita maintindihan." naiirita ko paring sinabi.

"i mean si Jared kasi pinapakilig akooo." sabi nya ng nakangiti saakin.

Tinaasan ko sya ng kilay, "Kayo ba? tanga lalandiin ka lang nyan pero hindi ka jojowain." sabi ko at tumaray sa kanya.

"hmmp! ang bitter mo lang kamo." sabi nya at bumalik sa pag seselpon.

Umayos na lang ako ng upo at binalik ang tingin sa binabasa ko. Napakamot naman ako sa ulo ng nakalimutan ko kung saan na yung binabasa ko, para kasing tanga to si Lady eh!

Sinara kona lang ang librong binabasa ko at pinasok sa bag.
Nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin, at inaantay ang iba naming mga classmate na dumating.

Nagsipasukan na ang iba naming kaklase, nakita ko naman ang dalawa ko pang kaibigan na papasok na din kaya kumaway ako.

Agad agad naman silang pumunta saamin, umupo sa tabi ko si Cess, habang si Lorie ay tumabi kay Lady, bale pinagigitnaan nila kaming dalawa ni Lady.

"Oy via nag rrp kapa ba?." Tanong saakin ni Cess.

"oo bat?."

"nag crp ka o grp?."

"crp pre, ayoko sa grp amag ako dun"

Sinamaan nya ako ng tingin, "gago ka talaga." sabi nya at umiling na lang. Tumawa lang ako. Maya maya lang ay dumating na ang Ap teacher namin.

Nagdasal muna kami at ginreet si maam.

Habang nag tuturo si Mrs. Rassion, sumandal ako sa upuan ko dahil inaantok ako, eto ang ayaw ko sa pangumaga eh tsk.

Natapos ang tatlong subject namin ma wala akong naintindihan dahil sa antok.

Habang nilalagay ang notebook sa bag, nag pupulbo at nagliliptint naman sila Cess, Lady at Lorie.

"pupunta kabang canteen?." tanong saakin ni Lorie. Tumango lang ako at tumayo na, kumapit naman agad sa braso ko si Cess, habang ang dalawa ay nauuna saamin at may sariling mundo nanaman.

Nasa second floor palang kami ay napapagod na akong bumaba, tanginang hagdanan naman kasi napakadaming baitang. Bat naman kasi napunta kami sa Thirdfloor, ayos na kami sa first floor eh.

"ano via kaya pa?." natatawang sabi ni Cess. nag thumbs up lang ako sa kanya at tuluyan ng bumaba.

Pagdating namin sa Canteen as usual ang dami nanamang estudyante.

"anong bibilhin mo Lorie?." tanong ni Lady

"Burger na lang, ikaw Cess? Via?." tanong naman ni Lorie saamin.

"Burger na lang din akin." sagot ni Cess

"di ako bibili." sagot ko.

Tumawa silang tatlo, "diet ka via haha?." tumatawang tanong ni Lady.

Age Is MatterWhere stories live. Discover now