CRAI - Chapter 9

11.1K 253 8
                                    

There is a problem with the letter "L" on my keyboard. Sorry sa mga typo errors. I'll fix it soon. ^_^ If you hate the story, STOP READING. Thanks xoxo

DALAWANG LINGGO.

Dalawang linggo na akong alipin ni Harris Tsu. Dalawang linggo nalang rin at matatapos na ang contract. Syempre masaya kasi hindi ko na makikita ang pagmumukha ni Harris Tsu araw-araw -maliban nalang kung coincidental na makita ko sya sa campus.

Walang pasok ngayon.

Buti naman! Kumukulo lang dugo ko sa tuwing nakikita ko ang amo ko. Lalo na kapag naaalala ko ang ginawa nya nung tuesday! Pinahirapan nya pa akong hanapin ang resibo dun sa bookstore tapos hindi nya lang pala babasahin. Ipapatapon nya lang pala!

Dahil dun di ko sya masyadong kinakausap. Ganun din naman sya sakin. At kung walang may magsisimulang magkwento sa amin, di kami mag iimikan. Kahit na magkatabi lang.

Pero ganun parin ang pakikitungo nya, sumisigaw na akala mo bingi ang kausap nya.

"Aya! Ang sinaing mo!" Oo nga pala!

Agad akong tumakbo patungo sa kusina para asikasuhin ang sinaing ko.

"Hindi naman po nasunog!"

"Sinisigawan mo ba ako?!"

Nasanay na kasi akong nagsisigawan kami ni Harris sa isa't-isa. Oo, kahit papano nahawa ako sa kanya. Ayun tuloy, pati si mama nasisigawan ko. Kahit si Shaye minsan nasisigawan ko. Konti nalang at mabibingi na yung isang yun, si Shaye.

"Hindi po. Nagpanic lang po ako," palusot ko.

Shaye's POV

I was walking by the sidewalk nang bigla kong madatnan si Prince Paulo na nagpapaulan. Oo, umuulan nga. Sa gwapo nyang yan feel na feel nya ang ulan. Ano kaa'ng nakain nya at nakatayo lang sya dyan na parang tanga?

Linapitan ko nalang sya at pinayongan. Nagulat naman sya sa ginawa ko.

"Hi," I smiled at him. Gumanti rin sya ng ngiti tapos ibinaling naman ang tingin sa ibang direksyon.

Papunta sana ako ng cafe. Nasa kabilang street yung kotse ko, dun ko ipinark. Busy street kasi dito sa may cafe, walang parking lots kaya ayun, niakad ko mula kabilang street hanggang dito at umuulan pa!

si Aya kasi di ako masamahan kasi alam ko naman yung mama nun, di sya pinapayagang gumala kaya ito, mag isa akong pupuntang cafe.

I was about to call this day "unlucky" pero nadatnan ko si Prince Paulo at nakashare ko pa sa payong! LUCKY day. ^_^ Ang pogi nya talaga pag maapitan noh?

"Ako nga pala si Shaye," I smiled again. "Ba't ka natayo dito at nagpapabasa sa ulan?"

"Wala lang," tipid nyang sagot.

Nasense ko naman na may pinagdadaanan sya kaya sya nag eemote ng ganyan ngayon. Kaya naman nag-isip agad ako ng topic para mabasag ang awkward silence.

"Alam mo, kung ako sayo, haharapin ko yung problema ko. Hindi ako mag eemote dito kasi hindi naman nakakatulong yung pag eemote," problema ko kaya araw-araw yung hindi mo ako napapansin pero hindi naman ako nag-eemote.

"You think so?" tanong nya. "What if it's too late to fix the problem?"

"Pano mo naman nasabing too late? Have you tried fixing the problem?"

Campus Royalties and I ✔Where stories live. Discover now