THE LAST MAN STANDING

7 4 4
                                    

        Nangangamoy ang halimuyak ng kamatayan sa buong paligid. Malalanghap mula rito ang matapang na dugong dumanak sa lupang kan'yang kinalak'han. Isang kahapon na dapat nang kalimutan, ngunit ang sakit na dulot nito'y 'di n'ya maiwan.

          Ang katahimikan at kadilimang taglay ng lugar na kinaroroonan niya ngayon ay halimbawa nang impyerno na ang makakatagal lamang na demonyo ay tanging siya.  Demonyong walang inaasam na kaligayahan.

      Walang pamilya, walang kaibigan, walang saya, lungkot, at awang nararamdaman. Tanging hinagpis, at puot ang nakabalot sa kan'yang kaibuturan. Tanging kamao ang  Kinain s'ya nang kanyang galit at lumikha nang bagong mundo na s'ya lamang ang nakakaalam. At isang madilim na kahapon lamang ang dahilan nang kan'yang paghinga at walang bukas na inaabangan.

"Kahit anong mangyari h'wag kayong lalabas." mahinang wika nang kan'yang ina.
"Pangako mo yan Jax okay." tumango lang s'ya at naiwan sila nang kan'yang kapatid sa isang lihim na kwarto sa kanilang bahay.

"Ano bang kailangan mo sa amin?." isang malakas na sigaw nang kan'yang ina na pumukaw sa kan'yang takot at pag aalala. Biglang bumitaw sa pagkakahawak ang kan'yang kapatid at mabilis na tumakbo ito papalabas sa lihim na kwarto.

     Samantala s'ya ay tila nanigas sa takot dahil sa naririnig n'yang sigawan. Pinilit n'yang maglakad palabas sa kwartong kan'yang pinag tataguan. Biglang kinain s'ya nang matinding takot at binalot s'ya nang madilim na larawan ng kan'yang kapatid.

    Nakahandusay ito sa sahig at puno nang dugo ang katawan nito. Naririnig n'ya ang hikbi nang kan'yang ina habang yakap yakap ang kapatid n'yang walang malay. Hindi s'ya makalapit sa kinaroroon nang kan'yang ina dahil sa takot.

Biglang bumakas sa mukha nang kan'yang ina ang sakit dahil sinabunutan ito nang isang lalakeng may maskara. Napatayo si Rhian dahil sa pagkakasabunot sa kan'ya. Tumutulo lang ang luha ni Jax habang pinagmamasdan ang kan'yang ina na si Rhian. Hinawakan ni Rhian ang kaliwang kamay nang lalake gamit ang dalawang kamay nito.

Pagkahawak niya ay pinihit n'ya papaikot papuntang kaliwa at ngayon ay nakaharap na si Rhian sa lalake at bigla n'yang tinuhod ang lalake sa maselang bahagi nito, at napaluhod nalang ang lalake dahil sa sakit na naramdaman. Hindi na nagpatumpik tumpik pa si Rhian at sinapa pa nya ang lalake sa ulo, at nawalan na nang malay ang lalake.

Dahil sa nasaksihan ni Jax sa ginawa nang kan'yang ina ay nagkalakas na siya nang loob para lumapit habang tumutulo ang luha sa kan'yang mga mata. Nakita siya ni Rhian at ngumiti ito sa kan'ya habang lumuluha.

"Sabi ko h'wag kayong lalabas? Bakit kayo lumabas?" tanong ni Rhian kay Jax pero hindi ito sumasagot.

Napansin ni Rhian ang hawak ni Jax isang maliit na kutsilyo nagaling pa sa kan'yang yumaong asawa na ibinigay sa anim na taong batang si Jax. Kinarga ni Rhian ang anak n'yang bunso at naglakad papalapit kay Jax.

Lumaki ang mata ni Jax sabay sa pag alingaw-ngaw nang isang malakas na putok. At kitang kita ni Jax ang pag bitaw nang kan'yang ina sa kanyang kapatid at may putok ulit s'yang narinig. Limang sunod sunod na putok ng baril ang narinig n'ya at bumagsak na sa sahig ang kan'yang ina. Hindi na sya makagalaw sa kan'yang kinakatayuan dahil sa kan'yang nasaksihan. Nakita n'ya ang lalake na nagkamalay na pala.

"Walang personalan hijo, trabaho lang hahahahaha!!"  wika nang lalake habang tumatawa na tila ba demonyong masaya sa ginagawa n'yang kasuklam-suklam.

Hindi matanto ni Jax ang nararamdaman dahil halo-halo na ang kan'yang imosyon na maaring sumabog nang kahit anong oras. Lumapit ang lalake sa katawan nang kanyang ina at sinaksak pa ito sa likod nang ilang beses.

The Last Man Standing (Short-story)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant