A13

1 0 0
                                    

"Ahh!" sigaw ko dahil sa sakit na naramdam ko. Tumingin ako sa ilalim at nakita ko nang pula ang medyas ko. Hinubad ko kasi ang sapatos ko para mag suot ng tsinelas.

"Ate buti at dumating ka" sabi ni Anika habang palapit sa akin.

"Bakit ano bang nangyari?" tanong ko. Hindi ko na natigilan ang sarili ko at pumunta sa sala para tignan kung anong nagyari. Holy Shit!

"Teka bakit nabasag ang family picture frame natin? Ano bang nangyari?" nagugoluhan kung tanong.

"Ikaw! Alam mo ba ang tungkol dito?!" napalingon ako sa sinabi ni Ate Bea. Tinuro niya ako at magulo ang kanyang buhok, namamaga ang mga mata.

"What do you mean?" tanong ko. Sumigaw lang siya.

"Damn it! Pati ba naman ikaw walang alam?"

"Ang alin!"

"Your big sister, ampon lang ako!" tumawa siya at biglang natumba. Nataranta kami kaya binuhat namin siya papunta sa kwarto ko dahil malapit lang ang kwarto ko kumpara sa kanya na ilang hakbang palang.

"Doc ano po ba ang nangyari at bigla nalang siyang na collapsed?" unang tanong ko.

"Okay lang naman siya, yung pag iyak niya lang ng sobra kaya hindi siya makahinga ng maluwag" explain ng Doctor. Thank you naman.

Nakapansin ko ang pagtitig ni Anika sa akin kaya hinila ko siya palabas ng kwarto ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni mommy.

"May sasabihin lang po"

Pumasok kaming dalawa sa kwarto niya at nilock.

"Ano ba kasing nangyari?" tanong ko.

"Ate Monica, kayong dalawa lang ni Ate Bea ang hindi naka alam nito" umatching muna siya at nagpatuloy sa pag salita.

Flashbacks...

Anika's POV

"Alright class, kailangan namin ng birth certificate niyo para sa scholar. We need it tomorrow dahil yun nalang ang hindi niyo napasa" sabi ng teacher. Sumagot lang kami ng 'oo'

"Bakit kailangan pa ng scholar? Mayaman naman ang mga studyante sa St. Cecilia ahh" bulong ng classmate ko.

--*--

Papunta ako sa office ni Mommy para manghingi ng birth certificate. Binati ako ng mga nagtatrabaho dito. Bumati naman ako pabalik.

"Mabuti naman tung si Ms. Anika, marunong gumalang. Ang ganda pa" bulong nung bakla sa likod ko. Hindi ko na iyon pinansin at kumatok sa office ni mommy.

Sinenyasan niya akung pum1asok habang may katawag siya sa telepono.

"Excuse me" sabi niya sa telephone " What do you want anak?" tanong niya.

"Ahh, kailangan po namin ng birth certificate para sa scholar tomorrow mom" sabi ko habang nilaro laro ang ballpen niya.

"Oh wait for me sa bahay, umuwi ka muna" sabi niya at may kinuha sa cabinet "Here, baka nagugutom ka" bigay niya sa isang biscuit. Tinanggap ko yun at lumabas.

--*--

"Good Evening manang" bati ko. Bumati narin siya. Papunta ako sa office ni daddy dito sa bahay dahil ang alam ko, andun lahat ng certifactes namin.

Sumilip pa ako sa loob kung meron bang tao. Mabuti naman at wala, sabi kasi ni daddy kanina mag dinner daw sila mommy mamaya. Pumasok ako at hindi ko na nilock ang pintuan.

May cabinet na may nakasulat na 'Family Certificate' kinuha ko yun at tinignan ang mga laman.

Napansin ko na dalawa ang certificate ni Ate Bea. Kinuha ko yun at binasa.

Dalawa Pwede?Where stories live. Discover now