Chapter 14: Who's Inlove

4.6K 191 8
                                    


Nat POV

"At 10am, you have a scheduled meeting with Mr. Santos about the expansion of Sandoval Group of Companies in Hong Kong. At 2pm, you are scheduled to visit our hotel in BGC for quarterly inspection. Then after that, you will need to meet Mr. and Mrs. Tan for their business proposal, di pa nila dinidisclose yung details but since nag-yes ka, inischedule ko yun today. Sa Taguig din yung location kaya sabi ko we can be there at 4pm. And that's all for today. May question ka ba or gustong baguhin sa schedule mo?" Pormal na sa tanong ni Elise pagkatapos niyang sabihin ang mga workloads ko sa araw na ito.

Hindi naman talaga ko nakikinig sa mga sinasabi niya. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya at ang labi niya na patuloy na gumagalaw habang nagsasalita. Hindi naman niya ako napapansin dahil busy siya sa pagbabasa ng schedules ko at duon nakatuon ang mga mata niya.

Sino ba naman kasing hindi maaattract sa pouty lips niya na sobrang lambot at sarap halikan. Sa pagkakaalala ko ay hindi ko na napigilan ang sarili ko nung isang araw na halikan siya. Sinundo ko siya sa bahay nila dahil mula nung magkita kami ulit ay sabik na sabik na kong makasama siya palagi.

"Ma'am Natalie Sandoval, may question ka ba or gustong baguhin sa schedule mo?" Iritableng nitong tanong muli dahil nahuli niya kong nakatitig lang sa kanya at di nakikinig.

"Yes - can I kiss you?" Wala sa sariling tanong ko.

"What?" Mataas ang boses na tanong nito.

"Sorry. I mean, kelan ako umaggree na makipag-meeting kila Mr. Tan?" Palusot ko at saka inayos ang sarili.

"Nakalimutan mo ba na nagusap kayo nung dinner meeting last week? They asked you to schedule a meeting because they have a business proposal and you said 'yes'. Binilin mo pa nga sakin na itake note ko at ako ang kausapin nila." Pormal na sagot nito.

Simula pa nung isang araw ay iwas na iwas na 'to sakin at hindi ako kinakausap maliban nalang if related ito sa trabaho. Minsan ay nagtataray pa ito kapag binibiro ko. Hindi ko naman siya masisisi dahil narin sa mga pabigla-bigla kong nagagawa. Pero kasalanan ko ba na magustuhan siya? Hindi ko na ata 'to kayang pigilan pa.

"Oh, I see. I forgot. But since nakaschedule narin naman, it's okay." Tugon ko at nakatingin parin ako sa mukha niya.

"Alright." Yun lang ang sagot niya at saka tumalikod na para lumabas ng opisina.

"Hmm. Hindi mo ba ko tatanungin if there is anything else that I need?" Bigla kong tanong.

Humarap ito muli at parang pilit na pilit na nagsalita. "Is there anything else, ma'am?" Seryoso niyang tanong. Natawa ako. Gusto ko kasing sabihin na 'siya', kailangan ko siya pero hindi pwede. "If there's nothing else you need, can I go now?" Tanong nito at nakita kong palihim pang umikot ang mata niya.

"Hmm. How about a dinner after work?" Aya ko. I can't help it.

"Dinner, for what?" Pagtataka nito. Kumunot din ang noo niya pero maganda parin siya.

I smiled. "So, you can know me better?" Confident kong sagot. Natawa siya sa sinabi ko pero di ko mabasa sa mukha niya kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya.

"Sorry, Nat. Madami akong aasikasuhin at wala akong oras to know you better. Hindi parin nakakalabas si Alex sa ospital kaya kailangan ko siyang dalawin." Tanggi nito.

"Okay. No problem, maybe next time." Tugon ko. Malungkot pero okay lang. Marami pa namang ibang pagkakataon.

Tumango lang siya at saka ito lumabas na ng opisina. Hindi ko alam kung bad or good move yun pero di ako susuko.

Nang matapos ang lahat ng appointments ko ay dumeretso na agad kami pabalik ng opisina. Siguro sa dami narin ng aming ginawa ay nakatulog na si Elise sa pagod. Sinabihan ko rin si Mang Henry na dahan-dahanin ang pagdadrive para hindi siya magising. Gusto ko sanang mapagmasdan ang mukha niya habang natutulog kaso nasa passenger seat ito.

Nang makarating kami sa opisina ay pinakuha ko nalang ang gamit ni Elise at saka pinadala sa sasakyan. Himbing na himbing parin ito sa pagkakatulog. Marahil ay kulang siya sa tulog at pagod sa mga inaasikaso para sa kapatid niya.

"Mang Henry, sa ospital ni Alexa tayo dumiretso." Utos ko. Agad namang tumugon si Mang Henry at maingat na pinaandar muli ang sasakyan at binaybay ang daan patungo doon.

Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa kung nasaan nakaconfine ang kapatid ni Elise. Hinayaan ko muna siyang makapagpahinga at ilang minuto nga ay kusa na itong nagising.

"Nasaan tayo?" Agad nitong tanong habang kinukusot ang mata.

"We're at the hospital." Sagot ko habang tinitingnan ko kung ayos ba ang aking mukha sa salamin ng press powder kit.

"Hospital? Bakit sino ang imemeet natin dito?" Pagtataka niyang tanong.

"Si Alexa. Sabi mo pupuntahan mo siya ngayon di 'ba?" Tugon ko.

"Ha? Wala naman tayong usapan na ihahatid niyo pa ko dito saka kailangan pa natin bumalik sa office para sa report ko at yung mga gamit ko." Wika nito habang litong-lito sa pangyayari.

"No need. Nandito na yung gamit mo." Sagot ko sabay turo sa bag niya na nasa tabi ko.

"Pero.." Magsasalita pa sana siya.

"Elise, dadalawin mo ba ang kapatid mo or what?" Tanong ko.

"Okay, fine. Thank you sa paghatid. Hindi mo na dapat 'to ginawa pero salamat." Sabi nito at saka binuksan ang pinto ng kotse.

"Hindi mo ba ko isasama? Nag-ayos pa naman ako." Parinig ko.

"Bakit? I mean, anong gagawin mo?" Pagtataka nitong tanong.

"Dadalawin si Alexa. Masama ba? Saka baka nandyan din si tita, sabi niya ay tuturuan niya ako gumawa nung letchon de lata." Sagot ko.

Bigla siyang natawa sa sinabi ko. Anong nakakatawa dun?

"Letchon de lata? Si inay talaga. Sige na nga, tara na!" Pagpayag nito at saka kami sabay na naglakad papasok ng ospital.

-----------------------------------------------

Love Triangle (WILL UNDERGO MAJOR EDIT)Where stories live. Discover now