AN : Hello guys, (Kung may mga nagtyatyaga man na magbasa nito, thank you! ) Anyway guys, ito na po ang update :)
L I E N
"Can we go home?" she asked Syx. Busy ito sa pagkain at parang walang narinig. Napakagat s'ya sa ibabang labi sa inakto ng kaharap. Kanina ay hinila s'ya nito sa isang restaurant sa loob ng mall para doon kumain at para rin itong nanadya dahil sa bagal nitong kumain.
"Syx." tawag n'ya sa pangalan nito ng sa wakas ay limingon ito at nginitian s'ya. Kulang nalang ay irapan n'ya ito.
"Uhmm?"
"Tapos ka na ba? Umuwi na tayo kung tapos kana." mahinahon n'yang tugon dito.
"Nope, hindi pa." nakangiti nitong tugon sakanya. Napatigin s'ya sa plato nito nawala naman ng laman. Umarko ang kilay n'yang tinitigan ang babae dahil talagang nanadya ito. Kanina n'ya pa gustong umuwi pero ang kasama n'ya mukhang ayaw pa.
"Tapos kana. Umuwi na tayo." giit n'ya dito.
"I didn't know na masungit ka pala." Syx said instead. Amused s'yang tinitigan nito kaya napairap s'ya dito. Everyone said na masungit s'ya at wala s'yang paki- alam doon. She won't change her attitude just to please someone, kaplastikan iyon. Tumayo s'ya mula sa pagkakaupo at poker face na tinignan si Syx. "Let's go."
"Bakit ba nagmamadali ka, may curfew ka ba sainyo?" tanong nito sakanya. Napabuga s'ya ng hangin, okay napipikon na s'ya dito.
"You're done eating, ano pang gagawin natin dito?" napipika n'yang tanong din dito.
Nagkibit balikat ito at hindi s'ya pinansin. Mariin s'yang napapikit sa inakto nito. Seriously, Syx is really getting on her nerve kanina pa ito.
"Date. "
Napamulat s'ya sa sinabi nito at sinamaan n'ya ito ng tingin, kanina pa nito iyon sinasabi at naiinis na siya dito. Paano kung may makakilala sakanya at marinig ang sinasabi ni Syx, Isyu iyon.
"Don't test my patience Alvarado, I'm on the verge of losing it." nangigil na sabi n'ya kay Syx pero katulad kanina nginitian lang s'ya nito at muli naman siyang hinila palabas ng restaurant.
"Movie house, if you're asking me where are we going. And don't worry about your abuela she knew you're with me."
"That's not the point, hindi ba halatang ayaw kitang kasama. And who told you I will date you?!" 'di n'ya mapigilan nasagot dito. Konting -konti nalang talaga sakanya ang Syx Alvarado na 'to kahit pa kaibigan ito ni Ara hindi s'ya magkakamaling saktan ang isang ito.

YOU ARE READING
COLLIDE
RandomThe great Lien Naeree Abueva ang babaing hinahangaan ng lahat dahil sa galing nito sa pagmomodelo, her life was almost been perfect kung 'di n'ya lang nalaman na matagal na syang niloloko ng long time boyfriend sa half sister n'ya..eh di sana she's...