Chapter 3

4.5K 136 9
                                    

Chapter 3

Marcus PoV

NAPATIIMBAGANG ako habang pinagmamasdan na nakikipagtawanan si Yna kay Lance. Ang nakakatanda kong kapatid na iyon na walang ibang gawin kun'di i-report ako kay Mama. At si Yna na napakalakas ng mga tawa na dinig na dinig ko kahit pa nakasara ang opisina ko.

Nasa tapat ko lamang sila at dahil salamin ang wall ng office ko ay nakikita ko ang ginagawang harutan ng dalawa. Napasulyap si Yna sa akin at tila wala itong pakialam na nakikita niya akong nakatitig dito.

"Nakakatuwa nga itong si Maureen noon sa party, e. Lasing na lasing siya!" bumubulaghit sa tawang kuwento ni Yna.

"Sus, ikaw nga biglang nawala, e."

"Tumae lang ako," sagot nito na nakatingin na sa akin.

"Ang cute mo talagang tumawa, Yna," sabi pa ni Kuya Lance na nagpapantig sa tenga ko.

Pinagpatuloy lamang nito ang pagtawa hanggang sa narindi na ako.

Sinipa ko ang bakanteng upuan sa tabi ng tatlo na nagpatigil sa mga ito sa pagkukuwentuhan.

Napatayo si Kuya Lance at sumandal sa lamesa.

"Ang ingay ninyo!" Bulyaw ko sa mga ito.

Bumaba si Yna sa kinauupuang lamesa at nagkatinginan pa ang dalawa. Tumawa si Kuya Lance at inakbayan pa si Yna. Lalo akong nainis kaya naman hinatak ko si Yna papalapit sa akin.

"Anong problema mo, Sir?" tanong ni Yna na hinatak ang hawak kong braso nito.

"Oras pa ng trabaho!"

"Sir, tapos na ang trabaho ko alas dyes na po."

Napangiwi ako napatingin sa wall clock. Ano bang pinagsisintir ng kalooban ko! Shit! Hindi na nga pala office hours.

Ngumiti si Kuya Lance na para bang nangungutya. "Hindi pa kayo, binabakuran mo na."

"Hindi ko siya binabakuran at--- never naman na magiging kami," pagkasabi'y tinalikuran ko na silang dalawa.

"Sure ka bro? Baka mamaya iiyak ka kapag nalaman mong kami na!" Malakas na sabi ni Kuya habang papalayo ako sa mga ito. Never na mangyayari iyon na iiyakan ko ang isang babae. Hindi ako katulad ni Kuya Lance na umiiyak sa babae. At ano bang pakialam ko kung maging sila, bagay naman sila eh.

Narinig ko na muling nagtawanan ang dalawa na naging dahilan para sipain ko lahat ng bagay na paharang-harang sa dinaraanan ko.


________

Yna PoV

KINAKALABIT ko ang braso ni Lance habang nasa tabi ko siya at pinapanuod naming lumalakad si Marcus.

"Oh, huwag kang umasa na nagseselos iyong tao. Umuwi na tayo..."

Sinimangutan ko ito. "Alam mo nakakainis na ka na. Kapag inuutusan mo ako kay Allyson hindi ako nagsasabi ng negative puro positive. Tapos ngayon ganiyan ka sa akin. I-cheer mo naman ako Sir Lance, o kaya ilakad mo ako sa kapatid mo."

"Alam mo Yna, kung mahal ka o kung gusto ka ng isang tao. Darating ang araw na magugustuhan ka niya. Isa pa, halata naman na hindi ka gusto ng kapatid ko. Ginawa na nga natin iyong Plan A natin at ano pa ang susunod?" nakangising tanong nito habang nakapamulsa.

"Tama si Sir Lance, friend. Kung gusto ka talaga ni Sir Marcus, darating ang tamang panahon para roon. Kaya huwag ka ng umasa pa." Kinindatan ako ni Maureen. Isa pa itong hindi man lang ako i-cheer.

"Ay ewan ko sa inyong dalawa. Hahanap ako ng albularyo, magpapagawa ako ng gayuma."

Sumunod ang mga ito sa paglalakad ko.

"Sana nga makahanap ka." Nagkibit-balikat ang dalawa. Habang nakangiti sa akin.

"Okay fine, hindi na ako aasa!" Nagtaas ako ng dalawang kamay at hinarap ang dalawa.

"That's good!" Magkasabay na sabi ng dalawa at nag-apir pa. Hindi talaga sila boto sa akin pagdating kay Marcus.



_________

Marcus PoV

KAHIT malayo na ako ay abot pa rin ng tenga ko ang tawanan ni Yna at Lance, tangina! Parang hindi iyon naalis sa pandinig ko.

"Ano bang problema nila sa akin?" tanong sa sarili habang nakatayo sa labas ng building ko.

Shit mind bakit mo na sila pinakikialaman kung gusto nila ang isa't isa okay lang naman. Muli akong napamura sa binubulong ng utak ko.

"Ano bang pakialam ko sa kanila?" malakas na sabi ko habang binubuksan ang pintuan ng kotse.

May kumatok sa salamin ng kotse ko kaya binaba ko ang window shield. Nabungaran ko si Cassi at ang bumungad nitong malulusog na dibdib. Napailing na lamang ako nang buksan nito ang pinto ng kotse ko. Si Cassi ang kinahuhumalingan ko ngayon dahil wala itong sinasayang na kahit ano sa akin, darn mind.

"Hi, babe," bati nitong nakapulupot na sa leeg ko ang mga braso nito. Tinabig niya ako at awtomatikong napasandal ako sa kinauupuan. She kissed me and I response immediately. How can I refuse her kisses? Napakaganda ni Cassi at ubod ng sexy. Matagal bago ko siya bitawan hanggang sa kinalabog ang hood ng kotse ko kaya naman natauhan ako sa ginagawang paghawak kay Cassi.

"Damn---" Mura ko at itinulak si Cassi.

"Bro, PDA na iyan," saad ni Lance na nakangisi sa akin. Nakabukas ang bintana ng kotse at sumilip ito sa amin. Kasama nito si Yna na nakatitig sa mukha ko. Iniwas ko ang tingin sa kanya at pinaandar ang kotse ko palayo sa mga ito.

"Shit!"

"Babe?" mapang-akit na bulong ni Cassi habang hinahalikan ang leeg ko.

"Baba!" mariing utos ko kay Cassi.

Napasabunot ito ng buhok at pinandilatan na lamang ako. "I hate you Marcus," sabi nitong nagkakabit ng butones ng blouse nito na natanggal ko kanina. Napahiya ako sa harapan nila at kailangan kong magpalamig na muna.

Hinayaan ko na umalis si Cassi sa kotse at pinaandar ko ito muli. Napailing ako habang nagpapatakbo dahil nakikita ko pa rin ang ginawang pagtitig ni Yna sa akin. Ayoko na isipin nito at alalahanin ang nangyari sa amin noon na pinagsisihan ko sa buong buhay ko.

I admit that I'm a certified fuckboy pero ayoko sa virgin dahil ayoko na magkaroon ng obligasyon kapag may nagyaring hindi maganda. Hindi ko lang talaga malaman kung bakit ang katulad ni Yna ang magbibigay ng sarili sa tulad kong hindi sumeseryoso ng babae. At bakit ako ganito maka-react ngayon, shit. Nahampas ko ang mainbela habang nagpapatakbo ng kotse pauwi sa bahay ko.



Seducing Marcus Monter ( COMPLETED- Unedited)Where stories live. Discover now