Chapter Twenty Four

160 11 1
                                    


Mabel

Nakatulala lang akong nakatingin sa mga punong kahoy. Ilang araw akong hindi makatulog ng maayos mula ng nagmakaawa sakin si Jackson na hayaan ko syang mahalin ako.

Nakatulala pa rin ako ng bigla nalang may tumapik sa aking balikat.
''Hoy besy, I have a good news and bad news. Ano ang gusto mo unahin ko ang bad news or good news?''excited na announce nya sa akin. Pero sadyang wala parin ako sa sarili dahil nakatuon parin ang isip ko kay Jackson.

''Hey wake up! are you dreaming your prince charming?''she poke my forehead to get my attention. Napa-upo ako ng matuwid ng makita ko ang naka ngoso kung kaibigan.

''Oh, Im sorry! nandito kana pala.''

''Oh my ghast hindi ako hangin besy, nakatulala ka dyan mukha kang baliw,''maarting sabi nya.

I roll my eyes,''Bakit nga pala pinatawag mo ako dito? Saka late ka sa usapan natin. Naghihintay ako dito na higit Twenty minutes,''angal ko.

''Sorry besy eh paano naabutan ako ng subrang traffic kaya sorry talaga,''hingi nyang paumanhin.

Maya maya umupo sya sa tabi ko, ''I've noticed that you're not going out much with us at the moment, what's going on?''curious nyang tanong.

Huminga ako ng malalim sabay buga ng hangin.''Nothing serious, alam mo naman na busy ako nakaraang linggo, tapos ngayon madaming asikasuhin,''pagsisingungaling ko.

Umarka ang kilay ni Ella,''Siguradong yan lang ba mabel? oh baka gusto morin e share sakin, wag mo naman lahatin itago sa kaibigan mo,''tampong sabi nya.

''Ang tutuo best may...may nagpagulo sa isipan ko ngayon-----''

''Hip, hip, wait muna, dapat ako mauna, dahil excited na akong ibalita sayo ang goodnews...saka oh well sulitin ko narin para sagad may badnews din, alin sa gusto mo mauna good or bad?''putol nya sa akin.

Napanganga nalang ako sa bipolar kung kaibigan,''Good news nalang, wag lang muna yang bad news.''

''Ano kaba Mabel, kailangan may bad news para exciting ang buhay.''anni nya.

"Whatever, ok tell me now what's the good news?"

Bumuga ng hangin sabay ngiting napakalaki,"Officially in relationship na kami ni Mark best! At pinakilala pa nya ako sa magulang nya at kapatid,"kinikilig nyang announce.

Hindi na ako nagulat dahil expected na ako na maging sila,"Condolence!"

"Anong condolence ka dyan! hindi ito patay, pag ibig ito ha besy,"paalala nya.

"Oo nga condolence dahil magiging patay na patay kana kay Mark sa pag-ibig."biro kung sabi.

Napanganga si Ella,"Aba best hanep din yang banat mo ha, hindi ako nakahanda promise."

"Oh ano naman yung bad news mo?"

"Hindi na ako pwdi mag lakwatsa dahil pinag bawalan na ako ni Mark."kunwaring iyak nya sabi.

Hindi ako makapaniwala sa isinawalat ni Ella,"Bad news ang tawag mo dyan? Naku best wag ka nalang sumugal sa relationship kung ayaw mo bawalan ka sa mga gusto mo."

"Sakin Bad news, dahil paano na yung may party akong puntahan tapos hindi sya pwdi, alam mo naman mahilig ako sa mga party."

"Besy nag-usap ba kayo ng masinsinan bago mo siya sinagot? like sa anong gusto mo or hindi. I mean, sure ako na hindi sa lahat ay pwdi ka nya higpitan noh."

"Of course nag usap kami, pero walang promising na ganito o ganyan. Basta ang sabi nya lang na bawal na ako sa mga bar party, eh hindi ako maka react dahil...dahil nasa high kilig ako noon. Na realize ko nalang ng umuwi ako sa bahay."

My Soulmate Younger BoyOnde as histórias ganham vida. Descobre agora