Chapter 11

53 2 1
                                    

[Samantha P.O.V]

"Mommy!!" Tumakbo ako kaagad pagkakita ko kay Aedrianne

"I miss you Baby! How are you?" I said and hugged him

"Im fine Mommy!" Sambit nya at kinalong ko sya

"You had fun?" Napatingin ako sa nagsalita at nakita kong si Ark yoon.

"Hey! What are you doing here?" Bati ko

"Im visiting Aedrianne. And nagdala akong pagkain. I know you're hungry." Ngiti nya sa akin at nilapitan ako

"Hi Big Boy!" Napatingin kami sa nagsalita at si Ivan yoon at dala ang mga pasalubong namin

"Tito Ivan" Ngiti nya pero kinuha sya sa akin ni Ark

"Baka mabigatan ang mommy mo sayo" Natatawang sabi ni Arkin at napa-iling na lang ako

"Aedrianne, this is for you" napangiti nalang ako ng bumaba si Aedrianne kay Ark at dumiretso kay Ivan. Ang daming pinamili ni Ivan na laruan para kay Aedrianne

"Really Tito? Ang damiii!" Tuwang tuwang sabi ni Aedrianne at niyakap si Ivan

I saw Ivan's express when Aedrianne unexpectedly hugged him

"Of course. You deserve those things" Sambit ni Ivan at niyakap din si Aedrianne pabalik.

"Ana--- Ivan" Gulat na sambit ni Mama habang nakatingin sa dalawa

"Ma." Bati ni Ivan at binitbit si Aedrianne

"K-Kumain muna kayo sa loob" Sambit ni Mama pero umiling si Ivan

"I have an urgent meeting Ma. I dropped Sammy here but I think I want to take her together with Aedrianne in my condo" Mapaklang sambit ni Ivan habang nakatingin kay Ark.

"Can I stay here?" I asked Ivan

"Ivan, Hijo, baka naman pwedeng dito muna si Samantha. Kahit isang araw lang" Sabi ni mama at napatingin sa akin si Ivan

"Fine. I'll be here tomorrow" Sambit nya at lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo pati si Aedrianne na ikinagulat ko

"Goodbye Tito!" Masayang sabi ni Aedrianne at ngumiti sa amin si Ivan bago umalis.

- - - - - - -

"Ma?" Tanong ko kay Mama dahil hindi sya mapakali at kanina pa ikot ng ikot sa kwarto ko

"Anak. Maniwala ka sa lahat ng sasabihin ko. Maliwanag?" Sambit nya at nagkunot noo ako.

"Ma? Ano bang problema?" Tanong ko

"Anak. Si Ivan." Sambit nya kaya napataas ang kilay ko

"Anong meron kay Ivan?" Tanong ko.

"Anak..."

"Ma. Ano ba yun?" Sambit ko at inupo ko si mama sa kama at ako ang tumayo sa harapan nya

"Anak. Matagal na kayong magkakilala ni Ivan" Sambit nya at napatigil ako.

"And?"

"Anak. May partial amnesia ka" Sabi ni mama at tinignan ko lang sya

"Heto. Heto oh" Sabi nya at pinakita sa akin ang medical records ko at tinignan ko naman iyon

"Okay ma. Ano naman kung may amnesia ako? Ano naman kung matagal na kaming magkakilala ni Ivan? Ma? Diba nasettle na naman na? Kinasal na naman kami dal----"

"Sya ang ama ni Aedrianne" Pareho kaming napatingin sa nagsalita at si Papa yoon.

"Ha?" Tila nabinging tanong ko sa kanya

The Comeback of Samantha MendozaDove le storie prendono vita. Scoprilo ora