chapter 1

6 0 0
                                    


Chapter 1

"heaven bilisan mo na ang kilos, handa na ang mga ipapamigay at yung sasakyan, at baka mamaya hapon na kayo makauwi." striktong sabi ni manang.

"sige po magpapa alam lang po ako kila mom at dad." sabi ko at pinuntahan ang library ng bahay.

Dumiretso na ako sa kotse at umalis, huminto ang aming sasakyan sa pamilyar na Lubak na daan.

"nandito na po tayo ma'am heaven,."sabi ng driver.

Bumaba na ako at hinayaan silang buhatin ang aming mga dala. Nauna na akong mag lakad papasok sa gubat,  dala ko ang aking back pack na may lamang tubig at mga pagkain at first aid kit. hindi ko na sila hinintay dahil sanay na ako dito at hindi ko na kailangan nang tulong. Dumiretso ako papasok sa gubat na may naglalakihang punong kahoy at mga ugat.

We're going to give food and clothes to the indigenous people of siquejor. tatlong buwan din akong hindi naka pagbigay dito dahil pumunta ako ng states, kaya nga ayaw kong nagtagal doon, dahil naawa ako sa mga katutubong hindi ko mabibigyan ng pagkain habang wala ako.

Bata palang ako ay ginagawa ko na ito, pero maliban sa pamilya ko at mga katulong namin ay wala nang nakaka alam na tumutulong ako sa aming mga katutubo.

Ayokong ipaalam sa iba. dahil kung bukal sa puso mo ang ginagawa mong pagtulong ay hindi mo na ito kailangang ipangalandakan sa iba. Dahil pag yayabang na ang tawag doon. At isa pa, kilala ako dito bilang isang pasaway at sutil.

Wala akong balak linisin ang pangalan ko. Because i know, that if they find out that your kind, they will only take you for granted. Right?Although I'm not generalizing.

Isa yan sa mga rason kung bakit ko piniling maging ganito ng ugali ko. I can be kind, alright. But i Can't be gullible.

Mas mabuti pang katakutan, kesa utuin.

Mas mabuting onti lang ang kaibigan mo pero totoo. Kesa marami nga, puro plastik naman.

At sa estado ko sa buhay, dahil mayaman kami. Maraming gustong makipagkaibigan sa akin, not because they like me, but because they need me. Kaya nga wala akong pakelam sa iba. Dahil alam ko ang habol nila sa akin. But of course i can ride with them. Kaya kong makipag plastikan. No sweat..

and besides sapat na sakin ang mga kaibigan ko ngayon.

Humihingal ako ng makarating sa daan paakyat ng bundok. Hindi kalayuan sa aking likod ay naroroon ang iba kong kasama na may dalang mga karton, marami akong ibibigay ngayon dahil tatlong buwan ako nawala.

Mabilis akong humawak sa mga damo at maliliit na sanga. Upang buhatin ang aking sarili at maka akyat na. Ang hirap talagang Umakyat dito. But its okay.

Isa't kalahating oras ang lakarin sa gubat. dalawang oras naman ang lakarin sa bundok, pero kahit mahirap linggo lingo ko narin ito ginagawa. Exercise na rin.

Alas one y media na nang makarating kami sa nakakalula, ngunit napakagandang tulay sa tuktok ng gubat. Para makarating sa kampo ng mga katutubo.

Mataas at nakakatakot ang kahoy na tulay. At syempre maganda rin. Dahil kitang kita mo dito ang tanawin ng Siquejor.

Huminga ako ng malalim at nag simula ng maglakad sa tulay. Nagumpisa naman itong gumewang. Kaya humawak ako sa lubid na nagsisilbing railings nito.

Hinayaan kong sumabog ang aking buhok sa marahas na pag isip ng hangin. Yumuko ako upang makita ang nakakalulang tanawin sa aking ibaba. Kay naman bumigpit pa ang hawak ko sa hawakan na lubid. I can do this.

Napangiti ako sa aking sarili ng natanaw ko ang mga taong may kanya kanyang pinagkakaabalahan. Ang mga bata naman ay naglalaro.

Sa di kalayuan at nakita ko ang nga batang sila potpot, mikay, bidang at penpen na naglalaro sa isang puno. Madudungis ang itsura, ngunit bakas sa kanila ang kasiyahan. Naalala ko tuloy noong bata ako, ganyan rin ako. Mahilig maglaro ng nga putik, buhangin at dahon. hanggang sa dumating ang pinaka malaking trahedya sa buhay namin. nagkasakit ako, pero magaling na ako ngayon.

A Bridge To You Where stories live. Discover now