3-- ONE WHOLE SHEET OF PAPER

9K 96 6
                                    

Pagka-uwi ko sa bahay diretso agad ako sa salamin.

Inayos ko yung mukha ko. Bigla ako napahawak sa labi ko.

"Gosh, he kissed me!" I murmur.

I even felt his tounge! Kahit isang segundo lang yun, I could still taste his tounge SHIT!

Kinuha ko kaagad yung bag ko. I scanned all my notebooks at may tatlo ako'ng assignments.

Siguro kelangan ko na gumawa ng assignments para hindi na ulit ako matsansingan nung Gesriel na yun!

***

Nakahalumbaba ako ngayon sa desk ko habang papungay-pungay ang mga mata.

Kasalukuyang nagdidiscuss ang english teacher namin. Wala rin namang pumapasok sa utak ko at hikab lang ako ng hikab dahil hindi ako masyado nakatulog sa kakagawa ng assignments .

"Okay class, get one whole sheet of paper"

"WHAT?!"

Lahat kami yan ang expression.

GULAT

Ibig sabihin may seat work kami.

At bukod sa halatang wala kami'ng natutunan sa nilecture ni ma'am,

Ay WALA DIN KAMENG PAPEL!

Lahat naging matalas ang paningin at pakiramdam.

Nanahimik ng ilang sandali.

Lahat naka-abang kung sino ang unang maglalabas ng papel.

Nakatingin ako sa babaeng naka-upo sa harap ko.

Pasimple sya'ng dumudukot sa bag nya, pero pasimple ring may nagmamatyag sa kanya.

Nakarinig kami ng pagpilas ng papel.

"Uy Caroline penge!" ayun, may nakahule!

"Uy ako rin Caroline!"

"Caroline, penge ako?"

"Caroline, please isa lang?"

Lahat ng plastic ay lumapit at lahat ng hindi nya close pati narin ang mga invisible sa room ay nagsilabasan para manghingi ng papel.

Halos kalahati ng classmates ko ay nakakumpol kay Caroline. Shit, hindi tuloy ako makahingi!

Habang sinusulat ng teacher ko sa blackboard ang pasasagutan samin, ay hindi ako makakuha ng tsempo para makahingi kay Caroline! BAKA MAUBUSAN AKO! Yung iba kasi pabali-balik pa!

"2 minutes.." ang sabi ng teacher namin, kaya nataranta na ang mga classmates ko at mas nag-ingay makahingi lang ng kapirasong papel.

NATATARANTA NARIN AKO!

Naghalungkat ako sa bag ko kung may naka-ipit na kahit isa lang na papel.

PERO WALA!

Bigla ako'ng may napansing nakatingin sakin sa malayo.

At hindi nanaman ako nagkakamale, meron nga at SYA PA!

Nakangiti lang sya habang preskong-preskong naka-upo at halatang hinihintay nya lang ako tumingin sa kanya.

Binigyan ko lang sya ng napakasamang tingin.

Pero tinaas nya yung dalawang piraso ng papel at parang pinapa-inggit pa sakin.

Kapal talaga! Grrr

Inalok nya sakin yung isa, kanina ko pa talaga kailangan ng papel pero BAKA MAY KAPALIT NANAMAN YAN!

School ProjectWhere stories live. Discover now