Chapter 5

3 1 0
                                    

"Papatayin ko kayong lahat ng kaibigan mo,tatapusin ko na ang inyong maliligayang araw

Hahahaha.......hahahaha.......ikaw ang magiging daan ko Marie....

Hahahahaha........"

"Haaaaaa"

Napasigaw ako sa aking napanaginipan sino ba ang babaeng iyon? nakakatakot siya.

Ano daw papatayin niya kaming lahat? Bakit naman? Ano ang atraso namin sakanya? Sino ba talaga siya?

6:30am na kaya bumangon na ako para maligo pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako saka kumain at nagtoothbrush and I'm ready to go.

Pagkadating ko sa skwelahan napagdesisyunan ko na pumunta muna sa locker ko habang naglalakad ako sa hallway nagtu-turn on and off ang ilaw kaya kinabahan na ako dahil ako lang mag-isa dito sa hallway

"Marie"

Tumigil ako sa paglalakad dahil may tumawag sa pangalan ko,paglingon ko wala namang tao nasa tapat na ako sa locker ko kaya kinuha ko na ang mga gamit ko sa first and second subject.

"Marie"

Sino ba talaga yon? bw*sit nakakainis naman.

"Marie...Marie...Marie...Marie"

Napatakip ako sa aking tenga dahil hindi niya talaga ako tinitigilan.

"Oy,Marie" nabalik ako sa tamang wisyo ng tawagin ako ni Hannan.

Bumuntong hininga ako dahil sa kaba.

"Anyari sa'yo?! Ba't parang hindi maipinta yang mukha mo?" nagtatakang tanong niya.

"Wala,wala" sagot ko at hinatak na siya patungo sa classroom namin.

Pagpasok ko sa room agad akong umupo sa silya ko.

"MARIE MAY ASSIGNMENT KA SA SCIENCE?!?!" tanong na pasigaw nila.

Nagtataka pa ko pero naintindihan ko naman agad,kinuha ko ang aking assignment sa science.

"Heto oh,mag-assignment na kayo"wika ko sabay abot sa assignment ko sa science agad naman nilang kinuha yon saka kinopya na nila ang mga sagot ko.

----

Pagkatapos nang klase ay biglang lumakas ang hangin sa classroom namin nagliliparan narin ang mga gamit ng mga kaklase ko pati sa akin.

Biglang may babaeng bumungad sa harapan namin hindi siya teacher o estudyante sa paaralan na ito pero naaalala ko siya siya yong babae sa panaginip ko.

The lady in front of us now is full of misery,she is wearing a black dress with a devilish smile then she instantly look at me.

Fuck!!! nakakatakot siya.

"Ahmm,excuse me miss who are you?" tanong pa ni Karl ngunit hindi sumagot yong babae.

"Be careful,hahaha" tugon niya sabay tawa saka sa isang iglap lang ay bigla na siyang nawala sa harapan namin.

"Baliw lang yon,guys galing siguro yon sa mental hospital" sambit pa ni Karl pero hindi yon nakakatawa

Ito na ba?!  I have to protect my classmates but how I know they wouldn't believe on me hindi pwede to.

Umuwi na ako sa bahay nang biglang mag ring ang phone ko tumatawag si Jaybee.

Agad ko namang sinagot yon.
Anong problema?

"Hello"

"Hello,marie pumunta ka muna dito sa bahay ni Karl nandito kaming lahat sa bahay niya...dalian mo"

"Okay"

Dali dali ako lumabas ng bahay at pumara ng taxi agad kong binigay ang address naka-uniform pa nga ako.

Pagdating ko sa bahay ni Karl agad akong umakyat sa rooftop ng bahay niya dahil nandoon silang lahat.

"Huwag mong gawin ito,Karl" sigaw ni Cyre na ngayon grabe na iyak.

"Ano bang problema Karl?" sigaw ni Jessica.

Nasa pinakatuktok siya sa rooftop ng bahay niya parang may plano siyang magpakamatay.

"Just stop this sh*t,Karl" singhal ni Terrence kaya agad naman siyang binatukan ni Princess.

"Bakit ka ba nagmumura?" puna ni princess jusko huwag muna sila magtalo dito.Wrong timing kung magtatalo sila.

"Karl,makinig ka naman sa amin oh,paano na ang pamilya mo?! Si Cyre?ang mga taong nagmamahal sa'yo kapag gagawin mo to" wika ni Nicayomi.

"WALA AKONG PAKI!!!"

"MAGBABAYAD KAYONG LAHAT PATI NA ANG MGA MAGULANG NYO... MAGBABAYAD KAYO!!!"

"Ha?!bakit may utang ba kami sa'yo?! wala kaming pera ngayon Karl para pabayarin mo kami kung may utang man kami sa'yo" agad ko namang binatukan si Christian ba't ginawa niyang comedy ang scene na ito kung hindi naman katawa tawa yong sinabi niya.

"Magseryoso ka nga" sita ko kay Christian.

"IISA-ISAHIN KO KAYONG LAHAT" bulyaw ni Karl

Ano ba ang pinagsasabi niya?! sinubukan namin siyang lapitan ngunit huli na ang lahat.

"KARL"

Tumalon na siya wala kaming nagawa agad kaming bumaba saka nilapitan ang katawan niyang duguan at nakahandusay sa sahig.

"Karl,ba't mo ako iniwan?! No no this can't be!!! Nooo"grabe yong hagulgol ni Cyre.

"Sshhh,tahan na cy" pagtatahan ni Rona at ni Alex sa kanya.

"Kalma lang cy" puna ni Alex.

"Paano ako kakalma kung nakikita ko ang katawan ng mahal ko nakahandusay sa sahig at duguan,sabihin niyo sa akin PAANO?!?! P-A-AAN-O?" nagkabulol bulol na si Cyre sa pagsasalita dahil sa inis,galit,at lungkot na kanyang nararamdaman.

Tumawag na kami ng ambulansya saka ng s.o.c.o pagkatapos ay dinala na siya sa morgue pinuntahan din namin si Eugene sa room niya dito sa hospital,pagkadating namin sa room niya ay agad namin sinabi ang lahat ng nangyari pati siya hindi rin makapaniwala sa nangyari kay Karl.

"Sabi nga niya magbabayad daw tayo pati ang mga magulang natin" wika ko pa.

"Bakit?" tanong niya.

Walang makasagot sa tanong niya dahil hindi namin alam.

"Ewan"sabi pa ni Jaybee

Umuwi na kami pagkatapos ng mga nangyari sa araw na ito,binalitaan na rin namin ang mga magulang ni Karl na nasa ibang bansa.

Nakakapagod at nakaka-istress ang araw na ito.

"Marie"

May tumawag na naman sa pangalan ko.

"Ano ba ang kailangan mo?" sigaw ko bigla siyang nagpakita sa harapan ko at saka ako sinakal.

"Nakita mo na ang ginawa ko sa kaibigan mo"

"Ika-w a-ang p-pu-mat-ay k-kay K-ARL?" hirap kong pagkakasabi.

"Oo,may susunod pa pero hindi ikaw hahaha" sagot niya sa akin bago siya mawala sa harapan ko.

Naghahabol ako ng hangin grabe yong pagsasakal niya sa akin ang higpit pero sino ang susunod hindi maaari toh.

××××

The PastWhere stories live. Discover now