Chapter 4: Gavin

43 10 17
                                    

Hazel's Point of view

Pagkatapos ng usapan namin kahapon. Sabay naman kaming kumain ni Tairon-cute guy. Hehe. Nilibre pa ako, ang bait niya talaga. Kaya lalo akong nagka-ka-crush sa kanya eh.

Hinahanap ko sina Vee at Archie pag-dating ko dito sa school, gusyo ko kasing ibalita sa kanila na nagkasabay kaming kumain ni Tairon-cute guy. Gusto ko lang mag mayabang sa kanila dahil alam kong mai-inggit ang dalawang ‘yon.

Kung saan saan ako pumunta pero hindi ko pa rin sila mahanap. Tss. Kainis naman nong dalawang ‘yon! Tinataguan pa ata ako.

Dahil hindi ko na sila mahanap, pumasok na ako sa room. Hmp! Maghanda lang sila pa nakita ko ang dalwang baklang 'yon!

Pag-pasok ko, wala pa talaga si Vee. Iba kasi ang room ni Archie nasa mas mababa samin. Pero sabi niya de bale nang nasa mas mababa marami daw namang Fafa amputs. Baklang ‘yon, mas malandi pa sa babae!

Lumipas ang ilang minuto dumating na ang unang prof. namin pero wala pa rin si Vee. Absent kaya 'yon? Ba't di niya sinabi sa'kin kung ganon? Kainis.

Dahil History ang subject namin, wala akong balak makinig sa mga nakaraan na yan. Nakraan na nga pilit pang sinasabi sa present na. Tss. Lalo na 'tong si Mr. Dimakulangan, napaka-bitter sa asawa niyang iniwan siya, nagawa pang i-share sa’min ang kwento nila? Tapos yung mga tsismoso't tsismosa ko namang klassmate mas gusto pang makinig sa kalokohan ni Dimakulangan.

Hanggang matapos wala akong naintindihan, ganyan naman kasi ako pag di'ko gusto yung subject.

Lumabas na ako nang nag-dismiss si Mr. Dimakulangan. Agad ko naman inilabas ang phone ko para contact-kin si Bungangerang Vee, kung bakit siya absent.

Naka-ilang ring na pero wala pa ring sumasagot. Kainis. Naki-pag date na naman ata sa mga fling niya.

Bago ako tuluyang mag-lakad may biglang tumawag sa pangalan ko.

“Hazel!!!” napakingon ako sa bandang likod ko.

Omhegosh!

Si---“Sabay tayong kumain?” anyaya niya. Seriously? Siya aayahin niya akong kumain?

“A-ako?” sabay turo ko sa katawan ko. Wala lang naninigurado lang baka kasi pinag-tri-tripan lang ako.

“Siyempre naman! May iba ba akong kilalang Hazel ang pangalan?” sabi niya. Aba malay ko sa’yo, hindi naman ako ikaw.

“S-sige.” utal kong sabi.

Pero bakit ba kasi ako nauutal? Siya lang naman 'yan eh'! Tao lang din!

“Tara!” sabay hila niya sa kamay ko.

Kamay ko.

Kamay ko.

Hawak niya ang kamay ko.

Grabe ang lambot ng kamay niya.

Ngayon ko lang nahawakan ang malabot niyang kamay.

Hawak niya ang kamay ko habang hinihila ako.

Kyahhhhhhhhhh!!!!

Tsansing 'to.

"T-teka hinay hinay lang naman!” sambit ko habang hila hila ako. Grabe lang kasi makahila, wagas.

“Sorry.” sabi niya at nagpatuloy nalang kaming nag-lakad.

P-pero---

“Y-yung k-kamay ko.” nahihiya kong sabi.

Napatingin naman ito sa kamay namin ang nagulat kay agad binitawan. “S-sorry.”

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Apr 11, 2019 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Something About You (On-going)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ