Chapter 15 - Talk or kiss?

53 21 9
                                    

Chapter 15 - Pretending to be his girl




Venus




"Kahapon ka pa! naiinis na 'ko sa 'yo!"  saad ko.


Kanina pa kami nag-sisigawan dito sa may field dahil sa ginawa niya kahapon. Mabuti na lang nga at walang nangahas na lumapit dahil paniguradong mabubuking kami. Bigla niya kasi akong kinaladkad kahapon eh may kasama ako at si Klay 'yun.


Hindi na tuloy ako naka pag-paalam ng maayos sa kanya. Nag-walk out ako kahapon sa inis at idagdag pa ngayon. Parang gusto ko siyang tirisin! Bwisit kasi 'tong unggoy na 'to! demonyito pala 'tong si Martin, pareho sila ni Bea.


"Ikaw ang hindi tumupad sa kontrata. Haven't I told you before that you're not allowed to be with other guys unless our contract is done? ano na lang iisipin ng iba?" Kanina pa siya nakatingin ng masama sa 'kin at panay ng mura kaya Sinamaan ko din siya ng tingin.



Anong akala niya? siya lang ang may ganang maging attitude?! kaya ko 'din mag-panggap na maattitude 'noh!


"Aba wow! 'di ba fake gf mo lang naman ako? anong ikinapuputok ng butsi mo ha? mas mahalaga pa ba sa 'yo ang iisipin ng iba?" Tumawa pa siya ng pagak kaya mas lalo pa akong nainis.


"Tangina ang gulo mo! kasali 'yon sa kasunduan na 'tin. Bulag ka ba? hindi mo nabasa 'yung nakalagay doon?" Hindi na 'ko nakapag-pigil pa at tinalikuran siya. Ayoko ng gulo kaya mas mabuting umalis na lang ako.


"Sinong nag-sabing pwede ka nang umalis? i'm not yet done talking to you," saad niya at hinarap ko naman siya. Tinaas ko ng bongga ang kaliwang kilay ko. Pakialam niya ba?


"Hindi mo hawak ang buhay ko. Naiintindihan mo? walang pwedeng mag-dikta sa 'kin kung ano ang gagawin ko dahil ako mismo ang masusunod dahil buhay ko 'to, so wala ka nang paki 'dun, okay? oh ano? baka gusto mo pang itranslate ko sa english ng maintindihan mo?" He clenched his teeth in frustration.


"At isa pa, journalism student ako kaya madami akong makakahalubilong tao, mapabakla, tomboy, lalaki, o transgender pa man 'yan," dagdag ko pa.


"Wala akong pakialam. Ang linaw-linaw ng pag-kakasabi ko sa 'yo tapos hindi mo pa naintindihan? are you stupid Venus? if you won't agree then... I will make your life miserable as hell. Tandaan mo 'yan," saad niya at umalis na.


Napasigaw at napapadyak na lang ako sa sahig ng makita ang papalayo niyang bulto.  T-teka! binablackmail niya ba ako? kasi kung oo, masasabi kong effective. Nakakatakot siya kanina.


Ngayon ang kami nag-tuos nung unggoy na 'yon dahil kanina habang nag-uusap kami ni Klay, bigla niya akong hinatak at pag-daan namin sa room, mag-sisimula na 'yung klase kaya binitawan na niya ako.


Nung nag-break naman, hinantay niya akong matapos mag-ayos ng gamit at dinala niya 'ko sa theater pero hindi kami nag-kausap ng maayos. Pinairal niya kasi ang pagiging attitude niya kaya nag-walkout ako.


_ _ _ _ _ _ _ _



Napa buntonghininga ako. Hindi ko alam kung kailan ba matutuloy 'yung contest na sasalihan ko. Kahapon ko lang 'din nalaman na hindi na naman 'daw tuloy eh pangatlong beses na 'tong announcement ng Daesang eh. Nasasayang lang tuloy 'yung effort ko mag-practice.

Pretending to be his girlWhere stories live. Discover now