Kabalintunaan

2 0 0
                                    

"Magsimula tayo sa katapusan,
Kung saan natapos ang sinimulan,
Kung saan ang una ay naging huli,
At lahat ng tama ay naging mali.

"Paikutin natin ang dating tuwid,
Na tila ngayon ay naging manhid,
Tuwirin natin ang balikong isip,
Nang sa gayon tayo'y di masilip.

"Pakuin natin ang mga ipinangako,
Maniwala tayo sa mga salitang malabo,
Ang mga iniwang kataga ay tupdin,
At saka kakalimutan ngayon din.

"Ipagtanggol ang mga naaapi,
Apihin ang mga walang silbi,
Itaguyod ang tama sa mga mali,
Pero ipagtanggol ang mali at hindi.

"Muli, tapusin natin kahit di nasimulan,
Bitawan ang di naman mahawakan,
Wag pakawalan at ito'y kulungin,
Sa hawlang apat na pader ay hangin."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 11, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MurmursWhere stories live. Discover now