CHAPTER 17: DARK SIDE OF THE MOON

393 18 4
                                    

◾◾👑◾◾
CHAPTER 17
DARK SIDE OF THE MOON
"I still need to give all of you the chance to see the dark side of the moon."

HIRO

This is expected.

Looking at the bunch of armed men lighting down their cars an obvious smile appeared on my face. Di kalayuan sa aking pwesto ay sampung armadong lalaki ang nag-aabang sa tabi ng kanilang mga sasakyan. Lahat sila ay nakaitim at may di kaaya-ayang ngiti sa mukha.

"What do you want?" Malakas kong tanong, sapat na para marinig nilang lahat.

Umabante naman ang isa na sa tingin ko ay lider ng grupo nila. Itinaas nito ang baril bago itutok sa pwesto ko, nagkibit balikat naman ako sa tinuran niya.

"Sumama ka sa amin, Hiro."

Nagpamulsa ako. "Paano kung ayoko?"

"Heh!Sasama ka o mamamatay ka?" Maangas na sagot ng lider nila. "Mamili ka, Hix Roberts."

Kung ako lang ang masusunod ay pipiliin ko ang pangatlo. Ang mabura sila sa mundo, dahil wala iyon sa nasabing option ay pipiliin ko pa rin iyon. Ang mga nilalang na ito, mukhang alam nila ang pangalan ko pero hindi ang nakatagong panganib sa likod ng pangalan na iyon.

"Hindi ba kayo natatakot na baka tapusin ko kayo ng mag-isa lang?"

"Sinong tinakot mo? Isa ka lang! Hahaha!"

Nagtawanan silang lahat at sumabay ako. I chuckled darkly while my eyes roam around them one by one. Natigil naman sila sa pagtawa at nagtatakang napatingin sa tumatawang ako. Inialis ko naman ang kamay sa bulsa, itinaas iyon, bago inihagis ang smoke bomb sa kanila.

"Sh*t!"

"Baka makatakas si Hiro!"

Lumakas naman ang tawa ko. "Wala akong balak na tumakas. I still need to give all of you the chance to see the dark side of the moon."

Tumakbo ako sa aking kotse bago mabilis na sumakay roon. Nagmamadali namang umayos ng upo si Thyme bago sinecure ang sarili sa seatbelt. Hindi pa siya nakuntento, mahigpit rin siyang humawak sa magkabilang gilid ng upuan.

"Pakiramdam ko ay madugong araw ito." Pikit niya.

Ngumisi ako at tinapakan ang gas pedal. Nababalot pa rin ng usok ang daanan pero mabilis kong pinaharurot roon ang kotse. Tumama at lumampas naman ang aking kotse sa kanila, muli ko itong minanibela at pinaikot upang daanan ulit sila.

Nagbump ang aking sasakyan nang may masagasaan iyon. Pinaulit ulit ko iyon hanggang sa mawala ang usok. Napansin ko naman na nakailag ang iba at sumakay na sa kanilang mga sasakyan.

"Humawak ka ng mabuti!" Utos ko sa aking kasama bago paandarin paalis ang kotse.

Sumunod naman ang dalawang itim na sasakyan sa likod.

"Sh*t, Hiro! Bakit nagtira ka pa?!"

"Boring kapag natapos agad! Makikipaglaro muna tayo ng habulan!" Tawa ko.

Nagdrift ako at iniliko ang sasakyan nang makakita ng eskinita, itinagilid ko naman ang aking kotse upang magkasya roon. Napuno naman ng mga mura at kung ano ano pang makukulay na salita ni Thyme sa loob. Lumabas naman ang sasakyan sa maluwag na daan kaya walang hirap ko itong iniliko muli.

"Nakasunod parin sila!" Sigaw ng katabi ko.

Tumango ako at nagfull speed, ganoon din ang ginawa ng dalawang nakasunod na BMW. Nang makahabol ang isa at pilit itinatabi sa amin ang kaniyang kotse ay buong lakas kong minanibela ang sasakyan bago bungguin ang sa kalaban. Gumewang ang kotse niya kaya inulit ko iyon hanggang sa nagpaikot ikot ito at tumama sa puno. One down. One to go.

Sumeryoso naman ang aking mukha at sandaling sinilip ang rearview mirror. Mabilis na nakasunod ang BMW kaya hindi ko rin binaba ang aking meter. Pumasok naman kami sa malaking tunnel at nagdirediretso lang ako habang hinihigpitan ang aking seatbelt.

"Thyme," Tawag ko sa mababaw na boses. "Humawak ka ng mabuti." Paalala ko, ngunit hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataon na mag-isip nang biglaan kong ihinto ang kotse.

Screech!

Dumagundong ang malakas na pagkasira ng metal nang tumama ang isa pang kotse sa likod namin. Napaabante naman ang aking katawan sa lakas ng impact pero salamat sa seatbelt dahil hindi kami tumalsik sa windshield.

Lumingon ako sa likod, sa nasira kong kotse, at tinignan ang mga duguang katawan ng mga humahabol sa amin kanina. Dalawa silang tumalsik palabas ng kanilang kotse at ngayo'y naghihingalo na.

"F*ck! Hiro! Muntikan mo pa tayong patayin!"

Tumawa ako. "Relax, specialize ang sasakyan na ito kaya alam kong makakalabas tayo ng walang galos."

"Pero papatayin mo ako sa kab--" natigil sa pagsigaw si Thyme. "Andiyan na pala ang back up."

Tumaas ang aking kilay at napatingin sa mga kotseng tumigil sa tapat namin. Napakaraming back up naman ang dumating at lahat sila ay huli na para sumali sa katuwaan kanina. Tinanggal ko ang aking seatbelt bago bumaba ng sasakyan nang mapansin na isa-isa na rin silang lumalabas.

Sinalubong ko naman ang medyo may katandaan ng lalaki sa gitna. Yumuko siya at bumati naman sa akin.

"Young master Hix." Sambit ni chief.

"Just in time." Ngiti ko at tinuro ang aking sasakyan. "Kailangan namin ng sasakyan e."

Kumunot naman ang noo ni chief. "Sa pagkakatanda ko bagong bili lang ang customized Volkswagen na iyan at sinira mo na agad?"

"Well, I tested if it is really hard to break, pero nasira pa rin ang kalahati nito. Not worth the money." Kibit balikat ko.

Wala namang nagawa si chief kundi umiling at pagbuksan kami ng kotse. Sa likod ay isinandal ko ang aking ulo at pumikit.

"What's the update?"

"Susunduin bukas si Jack Sinclair, dala niya rin ang mga gintong bala."

Sa totoo lang, hindi patay si Sinclair. Ang taong nasunog ay katawan ng isang miyembro ng D mafia na kasama ni Sora. It was part of the plan. Sa simula't una palang naman ay nasa panig na namin si Sinclair at umaaktong kalaban lang.

"Ang castello?"

"Naisaayos na ang lahat, hinihintay na lang ang pagdating ng reyna."

"It's confirmed." Biglaang singit ni Thyme, idinilat ko naman ang aking mga mata bago siya lingunin. "Hawak ni George Woldart si Sera at Griffin ayon kay Basil."

I nodded my head without any reaction. Alam na namin ni Sora ang bagay na iyon. Matagal na naming inassume ang mga mangyayari at kinalkula ang mga pwede pang mangyari. With Sora and me combined, together we made a very dangerous team-- for we are both the uncrowned King and Queen of Royal mafia.

◾◾👑◾◾

Oh my! Isang royal si Sinclair! Hahaha

Pinkiepurpy

The Mafia & The Golden Fairy III : Chess PiecesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora