Chapter 1: A New Home

1 1 0
                                    

Sasha's POV

Hello! Ako nga pala si Sasha Stephanie Buenaflor. Tawagin niyo na lang akong Sasha. Nakatira ako sa isang napakalaking mansyon kasama ang tinuturing kong family. But actually hindi ako dapat nandito. And dahil nga sa isang deal kaya mayaman ako ngayon.

Flashback:

"Anak, bilisan mo na. May pupuntahan pa tayo."

"Saan po ba yun Ma?"

"Wag ka ng magtanong basta bilisan mo ng magimpake. Dala ka na rin ng tissue. Baka umiyak ka eh." Ha? Para namang shunga to si Mama. Bakit naman ako iiyak? Ahh. Baka pupunta kami sa lamay.

"Ma? May kamag anak ba tayong namatay?"

"Hahahaha. Naku wala." Sabi niya sabay punas ng luha niya. Ang weird niya ngayon ha.

* * *

Andito kami ngayon sa napakalaking mansyon. Huwag na muna kayong magtanong dahil kahit ako wala ring idea.

"Where is the adoption papers?" Tanong ng babae sa harap namin.

"Here Madame." Binigay ni Mama ang ilang papel na hawak niya.

"Nakaayos na ba ang lahat Arianne?" Tanong naman niya sa magandang babae sa side niya.

"Yes Ma'am. Kumpleto na po ang mga papeles niya including her passport and visa."

"So? Naipaliwanag mo na ba ang lahat sa kanya Katerhyn? Sige. Bibigyan kita ng time para kausapin siya. Aalis na muna kami. Excuse me." Pag alis nila humarap sakin si Mama habang umiiyak.

"Alam kong alam mo na kung anong ibig sabihin nito. Naiintindihan mo naman siguro kung bakit ko to gagawin diba?"

"Pasensiya ka na kung sasabihin ko to ha. Pero ayaw niyo na ba sakin? Matigas ba ang ulo ko?"

"Hindi sa ganun anak."

"Eh bakit kailangan niyo kong ipamigay?"

"Ito lang ang paraan para... para... mabayaran natin ang utang natin sa kanila. Tsaka mababait naman sila. Ituturing ka nilang pamilya. At isa pa. Gaganda ang buhay mo. Ayaw mo ba nun?"

"Hindi ko gustong maging mayaman. Kuntento na ako sa buhay ko. Bakit di niyo sinabi sakin na may utang pala tayo. Edi sana nagtrabaho ako at nag ipon para mabayaran natin sila. Sino na lang ang magaalaga sa inyo?"

"Huwag mo akong alalahanin. Balang araw maiintindihan mo rin ang desisyon ko."

End of Flashback

Pagkatapos nun, wala na akong balita kay Mama. As in para siyang bula na bigla na lang nawala. Akala ko sasama siya saamin papunta sa Italy pero narealize ko na iniwan na nga niya talaga ako. At kahit kailan hindi na siya babalik. Bata pa ako nung nangyari yun pero fresh pa rin sa utak ko ang lahat. Kayo ba, aasa pa din ba kayo na babalikan kayo?

"Sasha, halika na. Kumain ka na dito."

"Sandali lang po. Nagaayos pa ako ng gamit."

"Mamaya na yan. Masamang pinagaantay ang pagkain."

"Sige po. Bababa na ako." Hala. Baka galit na sila Mommy sakin. Sila naman kasi eh. Ang daming biniling damit sakin. Eh meron pa naman ako. Sabi nila regalo daw nila yun sakin sa first birthday ko. Meaning nung inampon nila ako. Buti na lang talaga mababait ang nag ampon sakin. Kasi diba kadalasan ang mga ampon sinasaktan and kinukulong kagaya sa fairytale. Diba ang laging masama, yung stepmother? Pero sa situation ko. Kapatid ko ang masama. Siya ang wicked stepbrother ko.

* * *

Egg omelette, Bacon with cheese, and Ham sandwich ang breakfast. Pero para sakin simpleng talong lang naman yun na may itlog, keso na may bacon tsaka tinapay at ham. Simple lang din naman ang breakfast and that's their difference sa ibang mayaman. Simple lang sila mamuhay and they're not boasting themselves sa ibang tao. Bakit? Kasi pare parehas lang naman tayong tao.

"Tss. Nagpapatawag pa talaga." Rinig kong bulong niya. Alam niyo yung bubulong na nga lang siya naririnig pa. Well, ako lang naman ang nakarinig sa sinabi niya. Actually, nandun si Prince sa sofa, nanonood ng TV. Nabasa ko kasi yung buka ng bibig niya.

"Oh kumain ka na Sasha. Ayaw mo ba ng ulam?"

"Ahh. Hindi po. May iniisip lang ako."

"Anak, may nagugustuhan ka na ba?" Seryosong taking sakin ni Mommy.

"Ha? A-ako? Wala po. Bakit niyo naman natanong?" Naku. Baka nahahalata nila sa mukha ko.

"These past few days kasi lagi kang tulala eh. Mind telling us what's bothering you?"

"Ahh. Iniisip ko lang po kung ano yung kukunin kong course sa college."

"Ahh... yun ba."

"Hindi po ba sasabay si Prince satin?" Pag iiba ko ng usapan. Sana effective.

"Ahh.... Hindi talaga siya sumasabay sa pagkain." Sagot ni Daddy. Huh? Bakit naman. May problema talaga siguro sa utak si Prince. Para siyang loner na ewan. Nagwowonder tuloy ako kung masaya ba siya sa buhay niya. Ayy. Bakit ba ako interested sa kanya?

* * *

"Unnie, maganda ba dun sa Pilipinas?" tanong ni Allica.

"Oo naman." Ang cute talaga niya.

"Gusto mo ipasyal kita sa mga magagandang tanawin dun?"

"Sure. Unnie, but gusto ko tayong dalawa lang."

"Italy Airlines 3781 flight to the Philippines is on board. You have only 15 minutes to prepare before the flight."

Andito kami ngayon sa airport. Babalik kami ng Pilipinas dahil nagdecide sila Mommy at Daddy na dun kami pag aralin ngayong taon and para ipasyal din si Allica.

My Stubborn PrinceWhere stories live. Discover now