VI

1.5K 63 4
                                    

Deanna's POV

Three months had passed katatapos lang din ng PVL Open Conference. We didn't expect na aabot ang team sa Finals but we did. The Creamline Cool Smashers won the Championship and I'm happy for them. It was indeed a great game I guess mahirap talaga tapatan yung experience na meron ang isang veteran team na katulad nila. Si ate Jia ang nakakuha ng MVP award and it makes me proud kasi s'ya yung naging mentor ko when I became the main setter of the team. Isa s'ya sa nagmomotivate sa akin para mas galingan pa aside from my family and of course my girl who's also part of the champion team parang di ko s'ya makakalaban whenever nag aadvise s'ya sa mga pwede ko pang iimprove. Sobrang thankful ko na she's with me. Always.

"Pwede mo bang ishare sa akin yung reason bakit ka natutulala d'yan?" I smiled upon hearing that voice.

"Wala. I'm just thankful kasi yung mga nangyayari smooth lang and I want it to stay that way" We are currently laying on her bed it was almost afternoon pero parehas pa kaming tinatamad bumangon. Sinusulit kasi namin yung mga ganitong rest day kasi right after the long holidays back to practice na.

"Halos one week ng tapos ang conference pero pakiramdam ko pagod na pagod pa rin ako." daing n'ya habang sinasapo ang balikat n'ya

"Gusto mo ng massage bi?" tanong ko habang tinataas baba ang kilay ko.

"Lalo lang madadagdagan sakit ng katawan ko sa'yo e" sagot n'ya na ikinangiti ko

"Ganun?" I positioned myself above her and intertwined my hands with hers putting it above her head. I held her gaze and teasingly smiled "Sige dagdagan natin yung sakit ng katawan mo."









Jema's POV

Almost one week nagstay si Deanna sa apartment ko since sabi n'ya kailangan n'yang sulitin yung time na kasama ako. Sa  Cebu kasi s'ya magsi-celebrate ng Christmas with her family at kahapon nga ang flight nya. Ang hirap lang pag sanay kana na lagi s'yang kasama.
"Bakit kasi ang layo ng Cebu?" kausap ko sa sarili ko.

"Bakit kasi di ka sumama para happy family kayo dun?" pang aasar naman ni Mafe.

Nakatambay lang kami dito sa bahay nakakatamad din naman kasi lumabas tsaka sinusulit na din ang bakasyon para makapagpahinga kasi after nito bugbog na naman sa training.

"Bakit kasi ako na naman nakita mo?!" balik ko naman sa kanya "yung jowa mo kulitin mo wag ako"

"wow ate high blood ka na naman porke't wala si bayaw dito." di pa rin talaga tumitigil. Di ko talaga alam kung saan nagsimula yung pagtawag tawag n'ya ng bayaw kay Deans pero yung isa naman tuwang tuwa pa pag tinatawag s'ya ng ganun ng kapatid ko.

"Ewan ko sa'yo" yun na lang sinabi ko pag kasi pinatulan yan lalo nang aasar e. Naramdaman ko naman na nagvibrate phone ko kaya chineck ko agad.

From Deans

Hi b. Good afternoon I know late kana naman nagising kaya di kana nakapagbreakfast u should eat na ha. I miss you.
11:21 am

I smiled upon reading the message hindi naman kasi s'ya yung tipo na sobrang sweet through texts pero she has her ways na pakiligin ako lagi.

Good afternoon din. Yep we're about to eat na din iniintay lang namin sila Cy at ate Jovi para sabay sabay na kami tatambay daw sila dito e.

I hit the send button and composed another message.

I know na di ko na kailangan ipaalala pero kakain ka ng madami dyan ha hahaha. Behave ka po. I love you.

Pagkasend ko pa lang ng pangalawang message ay may natanggap na akong reply.

From Deans

Okie :) Enjoy ka po. See you soon.
11:23

Napangiti ulit ako kaaalis lang kasi see you na agad. It was followed by another message from her.

I love you too Queen Falcon :*
11:23

Bago pa man ako makapagreply ay narinig na namin na may kumakatok sa pinto.

"Sila kuya Cy na yan ate buksan mo na" tingnan mo 'to kung maka-utos parang s' ya ang ate. Tumayo na ako at nagpunta sa pintuan malabo naman kasi na mapatayo pa yung isang yon.

"Delivery for Mrs. Wong" bungad agad ni Cy pagkabukas ko pa lang ng pinto. May dala kasi itong dalawang box ng pizza.

"Nagdala pa kayo nagluto naman na ako dito" pero inabot ko pa rin ang pizza.

"Edi mamayang meryenda" sagot naman ni Ate Jov "Dito kami matutulog 'no, pwede bang si Deanna lang" grabe talaga 'tong mga' to.

"Oo na sige na tara na sa kusina" sagot ko na lang.

"Kailan daw balik ni lodicakes Jem?" tanong ni Cy.

"After na daw ng New Year matagal na kasi ulit s'ya makakabalik kasi nga magsisimula na ulit UAAP" paliwanag ko dito.

"Okay na kaya sa papa n'ya? " napatingin naman ako kay ate Jovi di naman kasi lingid sa kaalaman nila na di talaga kami ganun ka  okay sa side ni Deans. Tanging tikhim na lang ang nagawa ko. Kasi kahit ako hindi ko alam o alam ko ayoko lang paniwalaan.

"Ang lapit na nga ng UAAP ano? Pa' no bunso kaya mo na ba makipagsabayan sa teammates mo balita ko lakas ng spikers mo ngayong season." tanong ni Cy kay Mafe alam kong ginawa n'ya yun para di ako ang mahotseat.

"Kakayanin,.." sagot ni Mafe sabay tingin sa akin. "di'ba ate?"

Napangiti ako sa sinabi n'ya
"Oo naman, kakayanin" basta magkasama kami at mahal namin ang isa't isa kakayanin namin ni Deans.

Doesn't MatterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon