halaman

3 0 0
                                    

Oo halaman.

Ang relasyon parang halaman yan. Kung gusto mong umusbong, magtanim ka ng pagmamahal.

Alagaan mo. Yung tamang alaga lang at tamang tiwala. Tamang pagmamahal lang. Kasi minsan kapag nasobrahan tayo ng dilig sa halaman, malulunod. Mamatay.

Parang relasyon. Wag mong lunurin yung partner mo sa relasyon niyo. Wag mong masyadong higpitan. Baka kahantungan pa ng pagkamatay ng relasyon niyo. Wag masyadong maging dependent sa isang tao. Minahal ka niya bilang ikaw. Hindi yung taong nakadepende sa kanya.
Baka kapag naging dependent ka na sa relasyon niyo, mawala na yung ikaw, mawala na yung purpose mo. At kung sakaling mangyari yun, You'll regret it.

Tamang init lang galing sa araw sa halaman. Wag mong masyadong patayin sa init naman sa relasyon niyo. Kasi lahat ng sobra masama.

Katulad ng halaman, kung tama yung pag-aalaga mo sa relasyon niyo at nababalanse niyo kung paano pupunan ang pagkukulang ng isat isa, magkakaroon ng magandang resulta. Sa halaman, maaring magandang bulaklak ang maging resulta o malusog na bunga, pero sa usapang relasyon, sa tamang pagaalaga at pagtyatyaga, matutumbas ito ng walang maliw na kasiyahan..

Worth it yan. Basta tama.

---

Fighting lang! Aja!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 17, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Personal DefinitionWhere stories live. Discover now