Doorbell (One Shot)

13 3 4
                                    

"Naaaaaay! Naaaaay!" tawag ko sa aking ina. Kung bakit ba naman kasi doon nya pa napiling manood ng T.V. sa taas kung pwede naman dito sa baba.

"Naaaaaay!" pag-uulit ko. Nakakunot na aking noo at alam kong salubong na rin ang aking mga kilay nang marinig ko ang yabag ng mga paang pababa ng hagdan.

"Ano ba? Ano ba iyon Sanni?" tugon nito. At natawa naman ako dahil halos magkantatakid na sya pababa ng hagdan. "Oh? Ano yang itinatawa-tawa mo?" pagsusungit pa nito.

"Wala. Inay, yung sticky notes po, nasaan? May tawag ulit ng order e. Baka makalimutan ko. Masyadong marami ang order ngayon." paliwanag ko.

"Iyan na ba iyong isinigaw-sigaw mo? Susko. Pwede namang mahinahon ang pagtawag. Nandoon sa may telepono. Naubos na kasi ang papel doon kaya't kinuha ko muna iyong sticky notes mo. Tumawag ang iyong Tita sa Batangas. Tawagan mo raw ang number na ibinigay niya. Nakasulat na roon sa papel. May itatanong daw yung kakilala niya tungkol dyan sa mga pinapa-order mo. Oh! Heto. Tataas na ako." mahabang paliwanag pa niya. Sabay abot sa akin ng hinahanap ko matapos iyong kuhanin.

"Dito na kayo manood. Para naman may kasama ako rito sa baba." pangungumbinsi ko rito. Umaasang papayag ang topakin kong ina. Hehehe.

"Sus! Sabihin mo'y natatakot ka. Nag-aayos ako ng gamit sa taas. Wag kang duduwag-duwag. Kay tanda mo na e." tugon nito na animo'y 95 years old na ako kung makasabi ng matanda.

Hmmm. Titig na titig na naman ito sa aking mga cupcakes. Mukhang may binabalak na naman. Tsk tsk.

Lumapit ito sa may mesa sabay kuha ng isang cupcake na katatapos ko lamang gawin.

Hindi nga ako nagkamali. Sadyang naunahan nya lang ako kumilos dahil ilalayo ko na sana iyon sa kanya. Is she really my mom? Eh parang mas bata pa sakin kumilos to e. Ang kulit.

"Inay naman e! Bilang na iyan. Ba't kinuha mo pa?" kukuhanin ko na sana ang cupcake na hawak niya ngunit tumakbo na ito pataas. Talaga namang parang bata. Paano kung matakid sya. Tsk tsk. Di nag-iingat.

Madalas ay dalawa lang kami ng aking ina sa bahay. Ang aking ama kasi ay Seaman. Kung kaya naman ay umaabot ng ilang buwan bago pa namin sya makasama. Iyong boyfriend ko naman ay madalas din naman namin nakakasama ngunit umuuwi rin kaya't naiiwan kaming mag-ina muli dito sa bahay. Ipinagpatuloy ko na lang ang paghahalo ng mga harina at kung anu-ano pa para sa panibagong set of orders na gagawin ko. Batid kong unti-unti ng lumulubog ang araw. At bukas ng umaga ay magdedeliver pa ako. Ganyan ang routine ko lalo na kapag madami ang orders tulad ngayon. Bake ng cakes and cupcakes maghapon na madalas ay umaabot na ng gabi dahil hindi lang naman pagbebake ang pinagkakaabalahan ko. Tumutulong pa rin ako sa gawaing bahay. Kumakain at syempre naliligo. Hindi rin mawawala ang pahinga.

Mag-aalas otso na ng natapos ako. Kasalukuyang nagliligpit na ako ng aking mga nagamit.

*Ding! Dong! Dong! Ding!*

Biglang may nagdoorbell. Syempre, alangan namang dahan dahan ang pag-dodoorbell. Tsk tsk. Isip isip din. Iniwan ko muna ang ginagawa ko at nagmamadaling binuksan ang pinto.

"Sino yan?"

"Sino pa ba? Kundi ang handsome boyfriend mo. Di ka na nasanay na pumupunta ako dito after work." tugon nito. At nakanguso pa. "Siguro... nanglalalaki ka ano? At baka yung lalaki mo ang inaantay mo. Nakoooooo." dagdag pa nitong may malawak na imahinasyong lalaking ito na ngayo'y nanlalaki na ang mga mata.

"Psh! Eh kung batukan kaya kita? Pumasok ka na. Sabi na kasing wag na dumaan dito kapag galing trabaho. Paulit-ulit ko na lang bang sasabihin na ipahinga mo na lang ang ipupunta mo dito. At pag weekend na lang tayo magbonding. Ang tigas ng ulo." inis pang sabi ko habang naglalakad na palayo sa kanya. Gusto ko naman syang makasama. Palagi. Kaso inaalala ko iyong kalusugan nya. Kagagaling lang sa trangkaso ay ganyan pa. Kulit!

Doorbell (One Shot)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ