Walang araw na hindi ka sumasagi sa isipan ko. Araw-araw kong iniisip kung kumusta ka na ba, kung ano na bang ginagawa mo, kung nagkakasakit ka ba, kung ayos ka lang ba, o kung masaya ka na ba. Araw-araw ko ring hinihiling na sana, sa paghawak ko sa phone ko, may mababasa na akong mensahe mula sa'yo. Araw-araw rin akong nangangarap, na babalik ka at sasabihin mong 'hindi mo na ako ulit iiwan.'
March 23, 2019
KheiceeBlueWrites
BINABASA MO ANG
Unspoken Tears
PoetryTears of the heart are the words that won't come. -KheiceeBlueWrites PLAGIARISM IS A CRIME. Published Date: February 4, 2019