Chapter 9

7 0 0
                                    

"Nabalitaan mo ba yun Asteria? Nagsisimula nang pumatay ang mga rebel sourcerers para makaroon sila ng napakalakas na kapangyarihan." Sabi ni Natalia.

Rebel sourcerers ang tawag sa mga tumiwalag sa light and dark magic.

"Bakit naman sila pumapatay?" Takang tanong ko.

"Simple. Hinahanap nila ang nagtataglay ng pinakamalakas na kapangyarihan. Kaya niyang kontrolin lahat ng kapangyarihan. 19 years na din ang nakararaan nang magkaroon ng pulang buwan at ka age lang natin yung anak ni Mrs. Quinzel. Maraming baby noon yung tinignan kung merong marka ng rosas pero walang nahanap. At ang hinala pa nila ay isa itong Frimare o kaya Asteria. Pero wala. Bago pa man magka pulang buwan ay ipinanganak na si Tyrion. Tsaka biglang nawala ang anak ni Mrs. Telira Quinzel at hindi na ito nahanap kaya may hinala sila na siya ang hinahanap nila. Pero I'm sure mahahanap at mahahanap pa din siya kahit anong tago niya pa." Sabi ni Natalia at nginitian ako.

Parang ngayon proud na proud ako sa pangalan ko dahil apilyedo iyon ni Princess Trinity. Thank you lolo at lola. Hihi.

"Nasaan na nga pala asawa ni Mrs. Quinzel?" Tanong ko.

"Nasa mundo siya ng mga tao at nagbabakasakaling mahahanap pa ang anak niya. Pero ang alam ko babalik na siya dito bago tayo mag camping. Tsaka hindi siya ang namamahala sa Muirgen Academy dahil ayaw niya."

Bigla naman akong nalungkot doon. I'm sure na napakalungkot ni Mr. Quinzel dahil doon.

Pumunta kami ni Natalia sa canteen at dahil break time na. Pumila na kami at humanap ng mapupwestuhan para kumain. Ang dami kasing tao ngayon.

Pero habang naglalakad ako ay may nasagi akong estudyantena sa tingin ko ay mas matanda sa akin at nabuhusan ng juice ang uniform ko.

"Ano ba! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" Sigaw nito sa akin at tinulak ako.

"I'm sorry. Hindi ko naman sinasadya eh." Sabi ko pero hinablot niya pa ang buhok ko patayo.

"Bitawan mo si Asteria!" Sigaw ni Natalia at tatanggalin sana ang kamay nung babae sa buhok ko pero bago pa mangyari iyon ay tumalsik na si Natalia.

"Pakialamera ka!" Sigaw nito kay Natalia. "Nagkamali ka ng binangga newbie. Top 9 ako dito kaya hindi ko mapapalampas ang ginawa mo." Nakangisi nitong sabi sa akin.

Kakaladkarin sana niya ako pero may kamay na pumigil sa kanya.

"Z-Zephyr...." bulong ko.

"Let her go. Kung ayaw mong maparusahan. Alam mo naman siguro ang patakaran hindi ba?" May pagbabanta na sabi ni Zephyr sa babae.

Mabilis na umalis ang babae dahil sa takot.

"S-salamat." Sabi ko at yumuko.

Narinig ko siyang nag buntong hininga. "Magpalit ka na dun para kang basang sisiw." Sabi nito.

Magkasalubong ang kilay na tinignan ko siya pero hindi na ako nagsalita pa. Pasalamat nalang ako na tinulungan niya ako.

"Tara na Asteria. Magpalit na tayo ng uniform. May klase pa tayo." Sabi nito at napansin kong may sugat siya sa braso.

"Sana hindi mo nalang tinangkang pigilan siya. Nasugatan ka pa tuloy.." sabi ko.

"Hay naku! Okay lang ako. Tsaka hindi naman masakit." Sabi nito at ngumiti.

Nauna na ako sa cr at hinubad ang pang itaas kong uniform. Tinignan ko din ang sarili ko sa salamin at nakitang sabog sabog ang buhok ko. Kukuhanin ko na sana ang bra ko pero bigla kong napansin ang marka ng rosas sa aking kanang baywang. Naalala ko yung kinuwento ni sir. Nasa kanang baywang daw ang marka ng rosas at sakto naman na nasa kanan din ito.

Hmmmm.. pero imposibleng ako yun. Mahina lang ako eh. Tsk! Ang assuming mo talaga Asteria.

Nagpalit na ako at lumabas na ng c.r.

"Umuna ka na sa classroom Asteria. May aayusin pa ako eh." Sabi ni Natalia.

Umuna na ako sa classroom at nakita ko ang mga kaklase ko na naguusap.

"Sabihin mo nga. Ano mo si Zephyr?" Diretsong tanong ng kaklase ko sa akin.

"Huy Franceska tara na." Awat ng isa kong kaklase kay Franceska.

"Kaibigan?" Patanong na sabi ko.

"What? Nagbibiro ka ba? Makikipagkaibigan sayo si Zephyr? That's too impossible."

Sasagot pa sana ako pero biglang pumasok ang teacher namin.

"Wag na kayong maingay. Nasa Academy na si Mr. Quinzel at papunta na siya sa room na ito." Sabi ng teacher namin.

Huh? Akala ko sa sunod pa na araw ang pagpunta niya dito.

Pumasok ng room sila Turon at kasama niya yung dalawa pati si Natalia. Sa likuran nila ay may lalaki na I think nasa 45 years old na. Yun na ata si Mr. Quinzel. Nang titigan ko siya ay parang pamilyar siya sa akin. Hindi ko lang alam kung saan ko siya nakita.

Ang seryoso niya habang naglalakad papunta sa gitna.

"Good afternoon. I am Lian Dave Quinzel."

"Good afternoon sir Quinzel." Sabi namin at seryoso pa din siya.

"Pumunta ako dito upang sabihin sa inyo na bukas na ang magiging camping niyo sa labas ng paaralang ito. Paalala ko lang sa taga Frimare Academy-" sabi ni sir Quinzel at tumingin kila Turon. "Alam namin ang bawat galaw niyo kaya huwag niyong susubukang gumawa ng hindi maganda." Pagtapos nito at umalis na.

Kinalabit ko si Natalia. "Ano ba kasalanan nila Turon? Bakit sila napunta dito sa Muirgen?"

"Hmm.. sa mga chismis pumasok sila ng library at pumasok sa forbidden room ng walang paalam."

"Forbidden room? Naku! Chismosa ka din pala ah." Asar ko. Meron din kaya nun dito?

"Doon kasi nakalagay yung complete detail ng nangyari noon. Hindi ko lang alam kung bakit bawal eh kinwento na nga satin ni sir yun. Tsaka narining ko lang yun!"

"Baka summary ni sir?" Patanong kong sabi.

"Hayyyy tara na nga. Aayusin pa natin gamit natin." Sabi ni Natalia at lumabas na ng room.

Lumabas na din ako dahil wala na namang klase at excited na kinakabahan na din ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Muirgen AcademyWhere stories live. Discover now