Chapter 1

22 1 0
                                    

Yvette's POV

"Yvette, gumising ka na! Anong oras na oh! Palagi na lang ba tayong ganito?! You're already 18 fucking years old! Matuto ka namang maging responsable!" nakaririnding sigaw ng aking pinakamamahal na kambal.

Ang gandang pambungad sa umaga eh 'no?

Sino ba kasing may kasalanan kung bakit ako napupuyat?

"Hindi na lang ako papasok!" naiirita kong sambit at saka nagtaklob ng kumot.

Ang ingay-ingay niya.

"Anong hindi papasok!? Malilintikan ka talaga sakin kapag ginawa mo 'yan!  Nagpapakahirap akong mag part-time para lang may pang-aral tayo tapos--" hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at agarang umupo.

"Primrose naman eh! Palagi mo na lang sinusumbat sakin 'yan!" sabi ko matapos guluhin ang sarili kong buhok na magulo naman na talaga.

Dumilat ako at tinignan siya nang may inaantok na mga mata.

"Mabuti naman at bumangon ka na. Bilisan mo! Maligo ka na at kakain ka pa." Kinusot ko ang mga mata ko at tumingin sa kaniya nang nagtataka.

"Bakit bihis ka na agad? *yawn*" nagtataka kong tanong dahil palagi naman kaming magkasabay pumasok.

She's wearing a black off-shoulder shirt with long sleeves, white ripped jeans, and gold hoop earrings, paired with a white tote bag with black printed text saying, "Yes, I'm pretty".

Bagay sa kaniya ang black na damit, it complements her white skin. She also applied ruby red lipstick while her naturally long curly hair was tied into a low ponytail.

Ang stylish niya masyado. She looks lively.

And here I am with flat straight hair.

"Mauuna ako sayo dahil may pupuntahan pa ako," sabi niya sa akin habang tinitingnan yung laman ng cabinet ko.

"Saan?" tanong ko at saka tumayo.

Inayos ko na ang kama ko.

"I have a 3-day OJT so you'll be alone for 3 days," sabi nya

"Ahh. Eh bakit di ka uuwi?" tanong ko.

"Hayy nako. Malayo yung lugar kung saan kami mag-o-ojt kaya makikitulog muna ako sa bahay ng kaibigan ko na malapit don."

"Hm. Fair enough."

"By the way, wear this. Ayoko ng mga pinagsususuot mo, ang baduy." Sabi niya at hinagis ang isang burgundy fitted croptop at black high-waist pants sa kama ko.

What the eff? I normally just wear an oversized sweater.

"Ate naman eh!"

"Wag mo akong maate-ate diyan. Bilisan mo na nga't maligo ka na! Ayokong makatanggap ng late slip galing sayo," pagkasabi niya noon ay tinulak-tulak niya ako papuntang banyo.

"E-eto na! Atat ka naman masyado."

Pumasok ako sa banyo at saka naligo.

This is our daily routine, just the two of us. We were 12 years old nung mawala na lang bigla ang mga magulang namin.

At dahil wala pa kami sa legal na edad, we stayed at an orphanage. We spent almost 6 years there.

And we are more than grateful dahil pinag-aral nila kami.

Pero nang tumungtong kami ng 17 years old ay pinayagan na kaming umalis ng bahay-ampunan.

Akala nga namin noon ay magiging pulubi kami kasi hindi namin alam kung paano mamuhay mag-isa.

The Death of Zeus (ON-HOLD)Where stories live. Discover now