Chapter [28]

67 3 1
                                    

Zane Callie's pov


"Pero dumating nalang bigla sa buhay ko yung pinakamalaking problemang hindi ko ineexpect na mangyayari..." Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa nararamdaman ko ngayong pangugulila kay mama.

"Shhh... if you're not ready i understand you.." pag alo niya sakin pero humiwalay ako ng yakap sa kanya at hinarap siya.

"Paano mo ako naiintindihan kung hindi ka naman nawalan?..." umiiyak na tanong ko sa kanya. Nakita ko namang kumunot yung noo niya sabay nanlaki nalang yung mata niya.

"D-don't tell me... si tita" Tumango tango ako sa kanya at umiyak na ako ng malakas. Kaya naman naramdaman kong niyakap nalang niya ako.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nakaganun ng pwesto. Wala akong pakielam din kung may nakakakita man sa amin na ibang student basta ang gusto ko lang ay yung mailabas yung iyak ko. Kasi ngayon ko lang mailalabas yung galit, lungkot at sakit na nararamdaman ko.

Sa bahay kasi hindi ko mailabas lahat kay tita jane dahil unang una sobrang nahihiya ako sa kanya. Wala man siyang kasalanan pero andun parin yung guilt na sana hindi nalang nakipagkita si mama sa kanya. Sana hindi nabangga at namatay si mama ng ganun nalang.

Sabi nga expected the unexpected pero hindi naman sa ganito. Si mama nalang ang naiwan sa akin tapos kukunin nalang ng ganun?

Nang medyo maayos na yung nararamdaman ko, inayos ko na din ang sarili ko. Humarap ako kay zeev na nakangiti sa kanya dahil kita ko din sa kanya yung lungkot. Sobrang close kasi sila ni mama kaya alam kong naapektuhan din siya.

"Okay kana ba? gusto mo ng tubig?" nag aalalang tanong niya sakin.

"Hindi na.. medyo okay naman na ako kahit hindi pa buo"

Kiniwento ko na kay zeev kung paanong nangyari na nabangga si mama. Ayaw pa sana niyang ipakwento dahil baka umiyak na naman daw ako. At lalo lang daw siya nasasaktan din kapag nakikita nasasaktan ako.

"Nang dumating ako sa bahay nila tita na kaibigan ni mama dati. Dun na nagsimula lalong gumulo ang buhay ko. Si tita jane ay mommy pala ni tobi."

"WHAT?! so dun ka nakatira sa kanila?" gulat na reaction ni zeev.

"Oo doon nga, hindi ko naman kasi inakala na maliit lang pala talaga ang mundo. Na yung matagal ng kaibigan ni mama ay mommy pala ni tobi. Dahil sa bilin ni mama na kupkupin ako ni tita jane andun din yung huling bilin ni mama na kailangan maipakasal ako kapag graduate ko kung gusto ko ng umalis sa poder nila tita jane. Kapalit ng pagbibigay niya ng puso sa asawa nito na daddy pala ni tobi.."

"Bago kami pumasok ulit kinausap kami ni tita jane na uuwi na si tito jun sinabi niya din na pagkauwi ni tito jun ay iaannounce na niya ang engagement party ni tobi..."

"engagement party? bakit hindi sinabi sakin ni rachel na natuloy pala ang deal?" salita ni zeev ulit. Umiling iling ako sa kanya kaya naman kumunot yung noo niya dahil sa pagtataka.

"Hindi si rachel... kundi ako..."

"WHAT?!" napatayo sa gulat si zeev kaya tiningnan ko na lang siya. "Why did'nt you tell me about this?"

Poor Girl turn to a Rich Girl (KaoRhys Series)Where stories live. Discover now