🍀Chapter 4🍀

136 4 0
                                    

🍀Be my Girl🍀
Chapter 4

🍀#JiRo_POV🍀

Sarap na sarap ako sa kinain kong Sandwich kanina kaya lang nabitin ako.

Bigla akong nakaramdam ng gutom agad.

Gusto ko pang kumain pero hindi pa naman oras para sa lunch time.

Pagkapasok ko sa classroom bigla akong hinikab. inaantok na ako at saka napagod ako sa kakatakbo.

Naiwan ko tuloy ang bag ko dahil sa kahahabol sa akin ng mga body Guard. Di naman ako tatakas eh kung makapag react naman ng ganon ang body Guard. Parang may masamang mangyayari sa akin.

Ganon kami kasweerting tatlo. May mga body guard kahit saan kami magpunta. Tudo bantay sila na para bang wala silang kapaguran.

Ako na tuloy yung napapagod sa kanila sa kakabantay sa aming tatlo.

Kahit ampon lang kaming tatlo ganon nalang ang pag protekta sa amin  ni Don. Salazar mag isa lang kasi siyang nabubuhay dahil wala na ang pamilya niya. Kaya kami nalang ang pinagtutuunan niya ng pansin.

Kami ang magmamana sa ari arian niya kapag tuloyan na siyang mawala sa mundo.

Sa totoo lang hindi ko pinangarap na maging taga pagmana. Pero wala na akong magagawa dahil naka sulat na ang pangalan ko sa tistaminto niya.

Hindi naman sa ayaw kong tanggapin ang mana kaya lang nakakahiya dahil isa lamang akong palaboy na bata noon.

isang limos ko lang kay Don. Salazar isinama na nya ako at pinatira sa napakalaki nyang mansyon.

Utang ko sa kanya ang lahat lahat ng meron ako ngayon. Pero sa kabila ng lahat nagagawa ko pang sumuway.

Ang sama ko talagang tao.

nakakatamad talagang mag aral. 
At saka Ayaw kong may umaali aligid na mga body guard.

Wala pa ang homeroom teacher namin kaya umidlip muna ako sandali sa upoan ko.

Diko na namalayan na napasarap ang tulog ko.

~Sa mahimbing kong tulog naramdaman ko ang isang kamay na yumoyugyug sa likod ko para gisingin ako.

~Sino ba ang taong ito? Hindi ba nya ako kilala? Sinabi ko naman sa mga kaklase ko na kapag tulog ako wag na wag nila akong iisturbuhin. Malamang baguhan ang taong ito na gumigising sa akin.

~Bigla akong napangiti sa naisip kong Idea. Kanina pa ako nagugutom kaya  tamang tama.. magpapalibre ako sakanya.

~Ramdam kong aalis na sya kaya hinawakan ko ang kamay nya para pigilan syang umalis.

~Nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ng babaing ito. Sya yung may masarap na Sandwich at ang nambato kay Mike Kaya pagbabayarin ko sya.

Pagbabayarin ko syang ilibre ako ng pagkain. Nakakabitin kasi yung Sandwich niya kaya lalo tuloy akong nagutom. Kaya kailangan siyang parusahan.

" Dahil ginising mo ako. Kailangan mong magbayad." Sabi ko sa kanya.

"Huh!? " Gulat nyang sabi.

"Pagkain! Kailangan ko ng pagkain. Nagugutom ako." Sabi ko ulit sa kanya.

"Hu! Pagkain?" Ulit nyang sabi na nagtataka.

~Hindi ba ito nakaka intindi?

"Pahingi pagkain nagugutom ako" paglilinaw ko sa kanya. Buti naintindihan nya.

~Hindi nagtagal ay dinala na nga nya ako sa Canteen. Inubos ko ang baon nya tapos umorder pa ako. Kaya lamon ako ng lamon..
.
.
.
.
.
.

Be My Girl(On Going)Where stories live. Discover now