5 Mistaken

4.2K 100 3
                                    

Thor?

Gulat na gulat si Astarr ng makita ang lalaking magiging boss nya. What made her more anxious is that he pretended that he doesn't know her the whole time they talked in the office. Marahas na inihagis ni Astarr ang kawawang basyo ng coke in can sa nadaanan nyang basurahan. Nagdadabog pa itong maglakad habang papasok sa gate ng Mansion nila at nagsasalitang magisa.

"Hahalik halik ka bago ngayon magpapanggap kang hindi mo ako kilala! Eh hayop ka pala e!" Sabay tinadyakan nya ang nadaanang basurahan at nagkalat ang mga tuyong dahon na nasa loob noon. Dali dali namang dumalo ang mga tauhan nila at nilinis ang kanyang kalat.

Dumiretso na sya sa kanyang kwarto at di na hinanap si Manang Cely dahil alam naman nyang abala iyon ng ganoong oras. Kailangan nya pang matulog dahil pang gabi ang trabaho nya at ayaw nyang mawalan ng trabaho sa kanyang unang araw. Her mind is filled with Thor's face. Although she saw him earlier, there's something strange about him this day. There's something missing na hindi nya alam kung bakit. Wala na akong pakealam at di ko aalamanin na yan. I need to sleep. Pagkasabi nya noon sa sarili ay nakatulog na sya.


"I really don't know if I made the right choice hiring her. She looks like a psyco to me. She can't even speak straight." Natatawang kwento ni East sa kapatid nya habang nasa opisina sya nito at nang bubulabog. Naging hobby na rin ni East ang pumunta sa kapatid tuwing umaga bago matulog. Ang mga sermon kasi nito ang pampatulog nya.

"Then why did you hire her?" Tanong ni Thor habang binabasa nito ang hawak na papeles.

"I have no choice. She's pretty and sexy and I need a bartender, i need someone like her in Roqi!" Frustrated na sagot ni East.

"Then wait for a couple of days, and fire her." Suhestyon ni Thor sa kapatid at tumango tango naman iyon. 

"So will you find me a replacement?" Tanong ni East. Tumango lang si Thor. Napangiti naman si East as a sign of relief. Tumayo na ito at astang magpapaalam na. "So dating gawi, we have to switch, you know I can't fire anyone Bro." Sabi ng binata. Bumuntong hininga naman si Thor sa kapatid.

"When will you grow up bruh?" Frustrated itong nakatingin sa kakambal na patawa tawa lang.

"I'll take that as a yes!" Sabi ni East while walking towards the door. "Have a great day Bro! Love ya!" Aniya at saka na dali daling isinara ang pinto. Umiling iling lang si Thor at napangiti ng maalala nya ang mga pinagtatanggal nyang empleyado ni East na ang buong akala ng lahat ay siya talaga ang may gawa. 

In fairness sa kanilang dalawang kambal, kahit mga magulang nila ay nahihirapan sa kanilang dalawa, they have no signs of differences. The only birthmark they have is the mole on Thor's groin and of course they will not allow anyone na bulatlatin ang singit nila matukoy lang kung sino ang sino. Well Easton will love it but definitely not Thor.

ASTARR POV

Like a queen in a palace she walked inside the bar and made her first impression to all her colleagues including her boss of course na until now ay walang idea who she is

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Like a queen in a palace she walked inside the bar and made her first impression to all her colleagues including her boss of course na until now ay walang idea who she is. The reason why she never had a boyfriend is because she tend to be the most intimidating woman alive whenever na tripan nya.

She gracefully slide in the bar counter and cleaned her station while the people around her were at awe. Napatigil sya sa pag nguya sa bubble gum nya ng mapansing nakatingin lahat sa kanya. East cleared his throat at doon palang kumilos ang mga tao.

She sighed. She is not used to be with people around her. Di sya sanay makisama sa ibang tao bukod sa mga kasambahay nila at kay Manang Cely. 

"Hey, Miss Buenaflor." Napatigil sya sa pag nguya at pagpupunas ng basong hawak nya ng tawagin ni East ang pansin nya. She looked at him and he felt na napaso ang kanyang balat sa talim ng titig ni Astarr. Anong problema mo gago ka? Gusto sana nyang isigaw iyon pero parang may kulang talaga kay Thor. May iniabot itong plastic bag na may lamang tila mga damit. "Uniform. Change into this. And please, iluwa mo yang gum sa bibig mo." He said with an authoritative voice.

She grabbed the set of uniforms na iniabot ni East at saka na sya lumabas ng station nya. Nakatanga lang si East sa kanya while watching her ng bigla itong bumalik. Napaatras pa si East dahil nagulat sya dito.

"Where's the locker room?" Diretsong tanong nya.

"Turn left there." Turo ni East. He watched Astarr till she turned to the Locker room at doon palang sya nakahinga ng maayos. He had never felt intimidated that much with a woman. He brushed his hair and went to his office.

"Bro, I can't last a day with her. She was like a gangster earlier when she entered the bar. Para syang wolf! This is bad for my business, you know I need charming girls specially for the bartender spot. She's going to be the center of the night, pag hindi sya umayos baka malugi ang bar ko in a week." Humihingal na sabi ni East sa kabilang linya.

"So, why are you telling me that? Mas malala pa ba yan kay Mr. Weber na lolo mo na yata?" Pilit na nagpapatawa si Thor but it's not changing East's mood.

"Look, walang papantay sa intimidating persona niya Bro. Ibalik ko nalang si Mr. Webber?" Nakakunot ang noong tanong nito. Halos atakihin sa puso si Thor kakatawa because he can imagine how frustrated his brother is para isiping ibalik si Mr. Webber na halos isang dekada matapos mag prepare ng isang shot.

"Sorry bruh. I think this is pretty serious." Pinipilit pa nyang tapusin ang tawa nya.

"God! At last! So are you coming here tonight?" Paawang tanong pilit ni East. Thor sighed.

"I'll be there in an hour or two, itali mo muna yang wolf mo baka mangagat." Sabi ni Thor at saka bumunghalit ng tawa.

"We'll see kung makatawa ka pa mamaya once you meet her. She's not one ordinary girl. Just thinking of her eyes brings shiver through my nerves." Hopeless na pagsasaad ni East.

"Sige na we'll talk later." Sabi ni Thor at ibinaba na ang telepono.

On the other hand, this lady that East is so scared of, interests him so much. Tignan natin gaano katapang ang bata mo bro. He said to himself and hurried his work para makapunta na sa Roqi. He has a feeling this night would be great.

************************************

Please visit and follow the link below for the completion and full Saunders Series:

https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fm.dreame.com%2Fuser%2Fconcern%3FauthorId%3D34YxfMXT%252FJjIh378%252FjlGoA%253D%253D%26fbclid%3DIwAR3WOTneglbIsZgCtI4r3_yger4pSLesodQK1MXvMvJonjwKKowGRJCxI48&h=AT2eC4KYuLXTzaxGh8HzztbitR0C4Cw8tBoOBHl1XTA5Pb0wXQlugjU89mnj1dY7iZVDH_Z4RwuVUs5Q-5yJKMkCI8jDQGS_b7vWja5rT5s8zcYbOZCRJHTNdIyltCuhbcOYdAVK6mjxLZg

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
SPG! Catching A Starr [Thor Saunders]Where stories live. Discover now