Chapter One

4 3 0
                                    

~Tamara

'Oh my god!! Hihihihi!!' Napahagikhik ako dahil kinikilig ako sa binabasa ko, ang sweet naman kasi ni Kreus Levison sweet na cold, yun yung tipo ko sa mga lalaki.

Lumipas ang nga oras at naibato ko ang cp ko. Nakakainis! Iniwan ba naman sya nung babae? Bobo nung babae na yun. Tumayo na lang ako at pinunasan ang luhang dumaloy sa pisnge ko, muntanga tuloy ako dito.

Kinuha ko ko ang gamit ko at lumabas ng kwarto.

"Good morning, ma!" Kiniss ko sa cheeks si mama at umupo na sa upuan.

"Malelate ka na, ikaw talagang bata ka. Iniwan kana ng kuya mo, nagmamadali eh." Sermon ni mama.

"Mama may 45minutes pa ako. Ang OA mo talaga ma." Pagpapalusot ko.

"Kaya ka Laging nalelate eh. Bilisan mo na dyan at lumakad kana." Tumango lang ako at binilisan ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nag toothbrush na ako at tumakbo papalabas ng bahay.

"Bye ma!! Love you po!!" Sigaw ko, agad akong pumara ng taxi pagkalabas ko ng subdivision namin.

"Manong bayad ko po, thank you po!" Hindi ko na inintay ang sasabihin ni manong ay kumaripas na ako ng takbo. Aba! Ayaw ko kayang malate, lalo na't Math ang first subject ko, may consequence kaya.

Hinihingal na umupo ako sa upuan ko, at dahil wala pa si ma'am ay nagbabasa muna ako.

Nakangiti ako at kinikilig dahil nasa magandang part na ako, nang biglang dumating na si ma'am. Arg!! Kaasar naman! Nabitin tuloy ako. Inayos ko na ang upu ko at sinilent ang cp ko. Nakabusangot na nakinig ako kay ma'am.

Kung meron lang wattpad na subject edi sana magna com laude ako. Expert ata ako sa mga kwento dito sa wattpad, sana pwede kong isulat ang buhay ko at love story ko para maganda, hihihihi!! Tapos ang gwapo ng magiging asawa ko. Yung katulad ng binabasa ko ngayon, sana mameet ko sya. Oh my god!! Tapos aagawin ko sya dun sa babae at magig--

"Ms. Carlson! Are you with us?"

"Ayy, Kreus!!" Napatakip ako ng bibig dahil sa sinabi ko, nagtawanan naman yung mga kaklase ko. Shezzz!! Nakakahiya. Parang gusto ko nang magpalamon sa lupa.

"He-he-he b-bakit po m-ma'am?" Lagot talaga ako nito, hindi naman ako bobo at hindi rin sobrang matalino, tama lang.

"Answer the equation on the board." Wala akong nagawa at pumunta sa unahan, ginawa ko yung alam ko pagkatapos ay umupo.

"Let's check!" Wala akong pake kung Mali ang sagot ko, at least nagtry ako.

"Okay, tama naman let's proceed to blah-- blahh-- blahhh---" wala akong nagawa kundi ang makinig sakanya. Sana matapos na toh, kauma umaga sumasakit na ang brain ko T_T

"Class dismissed." Nagsitayuan na kami at niligpit ang mga gamit ko.

"Nyan! Anong nangyari sayo?" Sabi ng babae kong kaklase.

"Si kreus kasi, pumapasok sa isip ko." Tumawa ito.

"Kakawattpad ay!! Naga day dream magisa." Umalis ito sa harapan ko na tumatawa.

"Sige ganyan na kayo. Magwattpad din kasi kayo para makasabay kayo." Sagot ko at sumimangot, tumingin ako sa iba kong mga kaklase na nagbabasa. Kinuha ko na ang bag ko at lumabas para kumain.

Kinuha ko ang cp ko at nagbasa habang naglalakad, ganyan ako kaadik sa wattpad. Hindi ko naman pinapabayaan ang pagaaral ko kaya okay lang kay mama.

"Hala!" Napaupo ako sa simento dahil may bumangga saakin, tiningnan ko ang cp ko, baka malipat sa ibang chapter hindi ko pa naman tinatandaan kung anong chapter na ako.

Meeting my Fictional LoveWhere stories live. Discover now