Chapter 24

182 13 0
                                    

Chapter 24

Matamlay si Crystal nang lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ni Arthur patungong Singapore. Bumababa na ang mga pasahero pero nakaupo pa rin siya.

Tinapik ni Arthur ang kanyang balikat. “Are you okay Crystal? Nahihilo ka ba?” Nag-aalalang tanong ng binata.

Natauhan siya sa sinabi ng binata. “Ah oo, medyo nahilo lang ako.” Napahawak siya sa kanyang noo. “Pero wag mo na ako alalahanin, okay lang ako.” Tumayo na siya at nag-ayos ng gamit.

Walang imik si Crystal hanggang sa makarating sila sa hotel. Hindi naman siya tinanong pa ni Arthur dahil baka masakit lang talaga ang ulo nya.

Binuksan ni Arthur ang hotel room nila. Pumasok siya sa loob at sumunod si Crystal. Lumingon si Arthur sa dalaga. “Gusto mo ba na mag-pahinga na muna?” Tanong nya.

Tumango si Crystal. Kinuha ni Arthur ang maleta at bag ni Crystal. Dalawa ang bed sa room kaya tig-isa silang dalawa. Naupo siya sa isang kama at sumandal sa head board.

“Gusto mo bang kumain? Magpapa-deliver ako sa baba kung gusto mo.”

“Huwag na mag-papahinga na lang muna ako. Tubig na lang siguro, kasi medyo nauuhaw ako.”

Pumunta si Arthur sa maliit na kusina at binuksan ang maliit na refrigerator. Kumuha siya ng dalawang bottled water. Inabot nya kay Crystal ang isa at uminom din siya.

“Salamat Arthur.” Binuksan nya ang bottled water at uminom. Halos maubos nya ang tubig.

Nakasandal si Ezekiel sa kanyang swivel chair. Nakalagay sa kanyang batok ang mag-kabilang kamay nya. nakapatong din sa table ang kanyang mga paa.

Ilang araw na siyang wala sa mood mag trabaho. Ang daming mga papeles na nakatambak sa kanyang opisina na hindi nya nagalaw.

Bigla nyang binaba ang kanyang paa nang may pumasok sa kanyang opisina. Tumambad sa kanya ang kanyang galit na ama.

“Ezekiel, ano ba ang nang-yayari sa’yo ha? Pababayaan mo na lang ba na ganito ang performance ng department mo?” Gigil na wika ng kanyang ama.

“Dad, I’m really sorry.” Nakayukong sabi nya.

Alliance of a Broken Heart (Completed)Where stories live. Discover now