He's Mine, She's Mine: Nine📖

40 3 0
                                    

CHAPTER: NINE (9)

****

It's another Day!

Nakulala lang ako sa desk ko at walang magawa. Ang boring! Wala man lang bang exciting na mangyayari sa akin ngayong 4th year? So sad. =_=

"Pssst!"

Nagulat naman ako nang tapikin ni Allyson ang pisngi ko.

"Ano?" Tanong ko naman sa kanya.

"Ang lambot-lambot talaga ng pisngi mo Saph." Pinanggigilan niya naman ang pisngi ko.

"Aray! Ano ba!" Reklamo ko naman. Ang sakit kaya.

"Hahaha...Sorry! Peace!" Natatawa niya namang sabi.

"Ikaw..."

Kinurot ko naman siya ng mahina.

"Ouch!" Maka ouch akala mo naman ang lakas ng kurot ko.

I just make face.

Natawa na man siya pati narin ako.

Napansin ko rin na napatingin ang iba naming kaklase sa amin.

Ang kulit kasi ni Allyson eh.

"Saph, tutal wala naman tayong teacher. Gala tayo." Bulong niya sa akin.

Yeah! Tama kayo wala nga kaming guro. May meeting.

"Ano game?" Tanong niya ulit.

"Baka pagalitan tayo. Ayaw kung mag cutting." Nag-aalala ko namang sabi.

Pinitik niya naman ang ilong ko.

"Aray! Ang sadista nito." Reklamo ko ng pabulong sabay himas ng ilong ko.

"Eh kasi naman! Sinong nagsabing magka-cutting tayo? Don lang tayo sa garden o sa library, sa Auditorium or sa Cafeteria." Mahabang sabi niya naman.

Yun pala.

"Sorry naman."

"So ano? Let's go?" Yaya niya.

Nag thumbs up naman ako at tumayo.

***

Lumabas kami ng classroom at napadpad kami sa Music Room. Yep! Mayroon kaming Music Room dito.

But the question is why we end up here at the Music Room? Hindi ko rin alam.

"Anong gagawin natin dito?" Kunot noo ko namang tanong sa kanya. Nasa may pintuan palang kami.

"Nandito ang Three Prince, narinig ko may practice daw sila para sa gaganaping Fiesta sa San Juan, tutugtug yata sila." Sabi niya naman na ikinabigla ko.

"Wow! Talaga?" Mangha kung sabi bat parang wala akong narinig na may practice sila ngayon? Ang bilis niyang sumagap ng balita, sabagay basta about kay Jake ang usapan ang bilis ng signal ni Allyson. Hahaha...

"Yeap! Kaya manuod tayo. Kyahhhh...makikita ko naman ang galing ni Jake sa pagda-drum." Kinikilig niyang sabi at hinila ako papasok sa loob.

Nagulat naman ako dahil ang daming tao sa loob mostly mga babae may mga lalaki rin naman.

"Grabe! Akala ko walang nakakaalam na may practice ngayon sila Jake pero tingnan mo nga naman. Ang daming tao."

Ang dami ngang mga students ang nandito parang kalahati na mag-aaral sa  Gabriel Academy ay nandito sa loob.

"Oo nga eh. Practice palang to pano pa kaya kung actual na? Parang may concert eh no?" Sabi ko naman habang pinagmamasdan ang stage wala pa sila Nathan pero may mga equipments na doon sa taas.

He's Mine, She's Mine [On-Going]Where stories live. Discover now