Chapter 2

6.9K 68 1
                                    


"ANO ba ang ginagawa mo?" kulang sa lakas na sita ni Natasha sa kanyang driver. Pakiramdam niya ay may kuryenting dumadaloy sa kanyang kalamnan ngayon mula sa palad ni Yael na mahigpit ang pagkahawak sa kanyang kamay.

"Do you feel it?" Nakakaloko ang ngiting nakapaskil sa labi ng binata at marubdob ang titig kay Natasha.

Sa picture palang ay naakit na si Yael sa mataray na mukha ng dalaga. At maging sa ugali nito ay nagka-interest siya ayon na rin sa nasagap na balita. Pinasok niya ang trabahong ito dahil may gusto siyang tuklasin.

First time ni Yael ang makaramdam ng ganoong damdamin sa isang babae. Oo at babaero siya kaya umabot na siya sa edad na trenta tres ay walang matinong karelasyon. Pero pinakaayaw niya ay ang matali sa isang relasyon na walang pag-ibig na namamagitan sa kanila.

Maayos naman ang buhay ni Yael sa ibang bansa kung hindi lang siya ginugulo ng abuelo at kinukulit. Hindi siya interesado sa negosyong gusto nitong ipamana sa kaniya noong una. Ngunit nang makita kung sino ang namamahala niyon ay nagbago ang kaniyang isip.

"Sino ka ba talaga, ha?" Nainis na ang dalaga at sapilitang binawi ang kamay mula dito. Ngunit sa halip na bitawan ang kaniyang kamay ay kinabig siya ng binata palapit dito. Hindi niya napaghandaan ang ginawa nito kaya napasubsob siya sa matigas nitong dibdib.

"Makikilala mo rin ako, soon, baby!" ani ng binata at sinapo ng palad nito ang  baba ng dalaga upang magharap ang kanilang mukha.

Napalunok ng sariling laway si Natasha nang mapatitig sa mapupulang labi ng lalaki, at bumaba pa ang tingin sa adams apple nito patungong dibdib. Nakabukas ang dalawang butones ng polo nito kung kaya nasilip niya ang hindi kakapalan na balbon sa dibdib ng binata.

"Why don't you touch it?" 

Napakagat labi ang dalaga nang marinig ang malagom ngunit namamaos na tinig ng kaniyang driver. Iwan ba niya pero parang nagayuma siya ng kaniyang driver. Ang puso niyang laging natutulog ay biglang nagising at panay ang kabog niyon sa tuwing magtama ang kanilang mga paningin.

Kung sa mga nagdaang lalaki sa buhay niya ito siguro nangyayari ngayon ay tiyak na nasuntok na niya ang lalaki. Pero sa pagkakataon na ito ay tila kinikilig pa siya sa halip na makaramdam ng pagkadismaya or pandidiri sa kaharap dahil minamanyak na siya.

"Damn, You're so beautiful and hot!" Yael said in husky voice. He captured her face and kiss her kissable lips.

Pakiramdam ni Natasha ay umiikot ang paligid niya. Marami na ang nakahalik sa kanyang mala rosas sa pula na labi ngunit kaiba ang kanyang nararamdaman ngayon. Matamis at parang cotton candy ang labi ni Yael. Bahagya pa niyang kinagat ang ibabang labi ng binata at dinaanan ng kanyang dila.

Napangiti si Yael dahil hindi manlang lumaban ang dalaga sa ginawa niyang kapangahasan. Pinalalim niya ang halik sa labi ng dalaga at naging malikot ang dila sa loob. Pilit niyang hinuhuli ang munting dila ng dalaga na naging malikot na rin. Ayaw magpatalo nito, kinabig niya ang batok nito upang palalimin pa ang halik. Halos ayaw niyang pakawalan ang labi nito ngunit kailangan na niya bumitaw bago pa sila kapusin ng hininga.

"Darn, nakakaadik kang halikan!" Yael whisper on her ear.

Nagtayuan ang mga balahibo ng dalaga sa batok dahil sa ginawa ni Yael. Pilit na inilayo ang sarili sa binata at ibinalik ang porstora at hinamig ang sariling katinuan upang itago ang nararamdamang hiya. Mabilis niyang itinulak

"How dare you..."

Mabilis na hinuli ni Yael ang palad nang dalaga bago pa iyon lumapat sa kaniyang pisngi. Lalo siyang natuwa sa nakikitang pamumula ng pisngi nito. At alam niyang dahil iyon sa hiya at hindi dahil sa galit.

Biyaheng Langit (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon