Chapter 2

17 2 0
                                    

Chapter 2:Movie Marathon

It was already 1:15 this afternoon at 1 o' clock naka-set ang movie marathon sa bahay nila Gian pero hanggang ngayon ay naghihintayan pa din kame.It's the typical "Filipino Time" kaya hindi na din nakakapagtaka kung alas tres na kami makapagstart.

I just seen every chats they sent sa group chat named "mobi maraton".All of them were just sending chats kung nasaan na nga ba sila.

Tanong ng tanong,hindi nalang magsikilos.

Ala una ang sinabing schedule pero ala una maliligo o kaya naman ay tatanungin muna kung may tao na bang nauna duon bago pumunta.Tsk.

Kirah: Saan na kayo?Nandito na kami nila Shane Julie.

Faith: Hala,wala pa akong ligo hhaha!

Elliane: Naliligo pa si Nica mauna na daw kayo.

Conie:@Catherine sabay na tayo!!!!!!!

Magtitipa na sana ako ng irereply kay Conie nang maalala kong kailangan ko pa nga palang kumbinsihin si Nay Selia na payagan ako sa bahay nila Gian.

Inilibot ko ang tingin at tumigil ito kay Nay Selia na nagkukwenta ng mga gastusin sa may lamesa.Mukhang bad timing pa nga ngayon kase paniguradong mainit ang ulo ni Nay Selia sa mga bayarin tapos dagdagan ko pa.Pero bahala na,kung hindi papayagan edi hindi.

"Nay."Tawag ko kay Nay Selia at kaagad naman itong tumingin sa gawi ko."P-puwede po ba akong sumama kay Conie,magmumovie marathon po kami sa bahay nila Gian?Hmm?"

"Kasama mo si Conie?" Agad akong tumango.Nag-aasam ng magandang sagot na magbibigay pahintulot sa akin na pumuta kila Gian.

Tinignan ako nito ng puno ng pag-aalala at pag-aalinlangan.Bandang huli ay napabuntong-hininga nalang ito."Sige,huwag kayong magpapagabi ha.Delikado na ang oras ngayon." Nilapitan ako ni Nay Selia at tinitigan sa mata."Mag-iingat ka."

"Yes Nay.Bago mag alas-singko nakauwi na ako."

Tinipa ko ang sagot kay Conie.

Catherine: Sige @Conie

Catherine: Magkita nalang tayo sa tapat ng school.

Conie: Sige sige

Umakyat na ako sa kuwarto para kumuha ng maliit na shoulder bag na puwedeng paglagyan ng phone at panyo ko.Hindi na ako magpapayong kahit mainit dahil hindi na kasya sa bag ko tsaka baka mayroon namang dala si Conie,makikipayong nalang ako.

"Nay,alis na po ako." Sigaw ko habang binubuksan ang gate.

Hindi na ako nag-antay ng sagot ni Nay Selia at pumunta na sa school kung saan kami magkikita ni Conie.

Mga apat na kanto pa ang kailangang lakarin bago makarating ng school,sa may tapat ng tricycle terminal.Duon kami sasakay ni Conie para makababa sa may convinient store na mahigit isang kilometro din siguro ang byahe,mula duon ay maglalakad kami ng isang kanto ni Conie para makapunta sa bahay nila Gian.

Nang makadating sa may tricycle terminal ay hindi na ako nag-abala pang ichat si Conie kung nasaan siya dahil nakita ko na siyang nakaupo sa may waiting shed.Tumayo ito ng makita ako.

"Antagal mo." She pouted.

"Bakit?Anong oras ka pa ba nandito?" Tanong ko.Sumakay kami sa may likod ng driver.

"Simula nung sinabi kong sabay tayo."

"Ha?Hala sorry,akala ko kase nasa bahay kapa nung chinat mo yun." Nginitian niya lang ako at nagsimula nang umalis ang tricycle.

Love Me BackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon