SU-13

2.8K 55 8
                                    

It's Monday. Cheska woke up around 3 AM because of Heather dahil sa malakas na pag-iyak nito. Nag-aalalang bumangon si Cheska dahil hindi naman ganito ang kapatid, she checked her diaper at wala namang ihi o ano, she also gave it some milk but she's not drinking it.

Cheska started crying while running downstairs. Nagpapanic na siya at hindi niya alam ang gagawin kaya tumakbo siya papunta sa kwarto ni Yaya Mella pero wala ito roon.

"A-anong gagawin ko?" Cheska can't help but cry. Hindi niya alam ang gagawin at wala talaga siyang experience pagdating sa pag-aalaga ng bata.

Biglang pumasok sa utak niya si Josh kaya agad niya itong tinawagan, she also called Yaya Mella but both of them are out of reach kaya bumalik na lamang ang dalaga sa kwarto. Umiiyak parin si Heather kaya kinarga niya na lamang ito at doon ay mas lalo siyang kinabahan. Meron itong lagnat at napakainit talaga nito.

"D-daddy! Daddy!" Naiiyak na tumakbo siya papunta sa kwarto ng ama at mabuti na lamang ay binukas nito ang pinto. "Daddy si Heather!--" Elaine was the one who opened the door and not her Daddy.

"Sorry dear, your father is sleeping already. Pwede bang bukas na lang?" napakunot noo agad ang dalaga.

"No, I need to talk to him now please." Kung kanina ay maamo ang itsura ng babae ay bigla itong naging nakakatakot.

"I said your father is sleeping already. If this is about you or your sister, just look for someone else okay? Wala rin naman siyang pakialam sa inyo!" Padabog nitong sinara ang pinto kaya mas lalong naiyak si Cheska.

Ang kaninang maingay na si Heather ay biglang tumahimik kaya mas lalong pinagsuklaban ng takot ang dalaga.

"Heather, Heather please don't make ate worry okay? I'm so sorry I don't know what to do," Cheska decided to bring Heather to the hospital. Kinakabahan niyang sinuotan ng bonet at maliit na jacket ang kapatid bago naiiyak na tumakbo palabas habang karga karga ito.

Habol ang hininga na nakalabas siya ng village. Cheska felt so helpless and weak, wala siyang mahingan ng tulong at hindi niya kakayanin kung may masamang nangyari sa kapatid.

"Pasok." Gulat na gulat ang dalaga nang makita si Agatha. Kahit na nahihiya ay wala ng nagawa pa ang dalaga at tsaka mabilis na umupo sa may backseat.

Pagkaupo at pagkaupo nilang dalawa ni Heather ay mabilis itong nagdrive. "You are still 16" wala sa sariling saad ni Cheska.

"So?"

"It's still illegal for you to drive diba?"

"Punyeta, alangan namang hayaan kitang tumakbo ng magisa papuntang Hospital eh ang layo layo non." Hindi napigilang mapangiti ni Cheska.

"T-thank you. Thank you Agatha."

"Whatever."

__________

"You have to be very careful next time okay? Your sister is just 4 months old kaya hindi pa siya dapat naeexpose ng ganon." Tahimik na nakikinig sa payo ng doctor ang si Cheska at tahimik na nagpapasalamat na may available lalo na't alas tres pa lamang ng umaga.

May ilan pa itong mga pinaalala at sinabi bago sila tuluyang nakaalis ng Hospital. Agatha is still beside Cheska, quietly walking her way towards the car.

"Thank you so much, Agatha. I will never forget this" naramdaman ni Cheska ang paninigas nito bago ito lumingon.

"It's just a small thing, wag mo ng gawing big deal." Masungit nitong sagot bago pumasok ng kotse.

Nang makarating sila sa bahay ay tahimik lamang silang dumeretso sa kanilang kaniya kaniyang kwarto. Si Cheska ay agad na pinalitan ng damit ang kapatid bago ito painumin ng gatas hanggang sa nakatulog na nga ito.

Wala sa sariling tinignan ni Cheska ang orasan at nakitang alas sais na pala kaya kahit na gustong gusto niya pang matulog ay kailangan niya ng maligo at mag-ayos dahil meron siyang klase.

Nagsisimula ng 7:30 ang kanilang klase kaya kailangan niya ng gumalaw ng mabilis. She arrived at school at exactly 7 AM. Timing rin na nasa loob na ng classroom sina Berry at Gracy.

"Good morning Cheska! Kamusta yung Saturday and Sunday mo?" Masayang bati ni Berry. Nagkibit balikat lamang ang dalaga bago ngumiti ng pilit.

"Medyo okay, medyo hinde."

"Hay nako, ayoko naman maging panira ah? Pero share ko lang na hindi ako nagenjoy sa breakfast ko. Ang akala nina Mommy malelate na kami kaya sandwich at milk lang pinakain sa amin" napailing na lamang kaming dalawa ni Berry dahil sa sinabi ni Gracy.

"At ilang sandwich naman ang nakain mo insan?" Bored na tanong ni Berry.

"Apat."

"Apat?!"

"Oo nga, ang ingay niyo!"

__________

"When Eros, also known as Cupid, knew about what her wife did, he flew all the way from the Earth to the heavens to visit Aphrodite, her Mother." Alas tres na ng hapon at kanina pa nagoover time ang teacher nila. Hindi nila alam kung paano napunta ang kanilang lesson sa Greek Mythology gayung hindi naman English ang kanilang subject.  "Oh, it's already 3!" Napailing na lamang si Cheska dahil sa naging sagot ng mga kaklase.

'Oh, wow! It's 3 already?'

'Luh. 3 na?!'

'Ngek'

Obviously, nagpapanggap lamang na interesado ang mga ito. "Kanina lang ang wagas nila magreklamo na time na tapos nung dinismiss na tayo, ang arte!" Iritadong saad ni Gracy.

"Oo nga," -Berry.

Dahil narin siguro sa pagod ay tahimik lamang na sumusunod sa kanilang dalawa si Cheska. Walang wala siya sa sarili at parang gusto niya ng umuwi na hinde. "Ang aga pa oh, umuwi ka na ba agad?" napunta bigla ang tingin nilang tatlo sa isang magandang babae na may kausap sa cellphone nito.

"Grabe talaga si ate, urgh bakit kaya ang unfair ng mundo? ang ganda shet-" agad na pinalo ni Cheska sa braso si Berry dahil sa mga sinasabi nito.

"Tumahimik ka nga Berry! nakakahiya kaya hoy"

"Ang sabihin niyo, bitter lang kayo ha? truth hurts but it's the truth so accept it--hoy! hintayin niyo ako!" Natatawang tumakbo ng mabilis sina Gracy at Cheska palayo kay Berry dahil sa ingay at kadaldalan nito. Mas lalo pa nilang binilisan ang pagtatakbo hanggang sa nagulat nalang si Cheska na nasa lupa na siya. 

Nahihirapan niyang inangat ang mukha at halos lumuwa na ang kaniyang mga mata nang makitang nasa ibabaw niya si Zaine na mariin siyang tinitignan. 

"You are so clumsy, buti nalang at sa akin ka nahulog."

_______________

SA MGA PAASA DIYAN GAYA NI ZAINE, GOD BLESS YOU.




She's UnwantedWhere stories live. Discover now